Maggie, The Hoe

66 1 0
                                    


It's me again, Luna 🌙 (Moon Fang) Salamat po Admin kung ma post man ito.

Sorry sa title, kwento kasi ito ng fiancee ng pinsan ko. Siya rin naman kasi nag-insist sa title nung nagpaalam ako kung pwede ba ibahagi rito ang sinabi niya sakin. Medyo SPG 'to kaya wag nyong tularan.

Maggie is known for being a Hoe. Yes, proud siya sa entitlement na 'yan. Iyon kasi ang bumuhay sa pamilya niya. Japayuki si Maggie. Dinala lang kasi siya ng Tita niya doon sa Japan, at nang magustuhan ng manager si Maggie, pinapasok na nila ito bilang Japayuki. Hindi talaga kami close ni Maggie, pero noong nakaraang taon ay may family gathering kami. Summer non at lahat ng family side ng Mama ko eh nagkaroon ng summer vacation sa probinsya kaya sumama na rin kami. Sinama ng pinsan kong si Julius ang fiancee niyang si Maggie para ipakilala siya sa ibang kamag-anak namin.

Yung resthouse na pag-aari ng buong pamilya namin, which is side ni Mama, eh 'yon ang tinuluyan namin nang mga panahong 'yon. Bale ang itsura nun eh pag nasa kalsada ka. 'Yung kanan ay dagat na, habang 'yung kaliwa naman ay bukirin.
Ang resthouse namin ay nasa unahan lang ng simbahan, pag papasok ka roon merong gate. Ilang segundo nasa gilid na 'yung bahay at sa harap ay dagat na, medyo malapit 'yung resthouse namin sa dalampasigan kaya ang sarap mag-emote doon.

Gabi na nung tumambay ako sa dalampasigan, may malaking bato kung saan ako umupo. Yung mga kamag-anak ko naman nag-iinuman lang doon sa balkonahe. Actually, kaya ako doon tumambay sa seashore kasi malakas ang signal ng network. Nagba-browse ako sa Facebook non nang mamataan ko sa gilid na lumapit sakin si Maggie, nagbabasa na ako ng Spookify that time. "Oy, mahilig ka pala sa horror." Sabi niya sakin habang nakatingin siya sa cellphone ko, nakita niya kasing bumisita ako sa page ng Spookify. Ngumiti lang ako sa kanya non at tumabi na siya, nag-usap kami. Tungkol sa school, sa buhay, sa kanilang dalawa ni Kuya Julius hanggang sa naikuwento niyang meron siyang nakakakilabot na istorya na na-experienced niya noong nagtatrabaho pa siya sa Japan, syempre ako naman eh na-curious. Trip ko talaga makarinig ng mga katatakutan, sa dami ba namang nangyari sa buhay ko. "Wag mo kong husgahan ha, tsaka nasa sa'yo na kung maniniwala ka man." Sabi niya sakin, tumango-tango lang ako kasi naiintriga na talaga ako. Doon ako nakinig nang maigi sa kwento niya.

Nasa Japan si Maggie non, nagpapasaya ng mga lalaki. Ang stage name niya non eh Keiko, sa crossing ng busy street ng Shibuya, Japan mayroong bar doon. Midnight club, at talamak sa mga turistang foreigner na naghahanap ng init sa katawan. Si Maggie ay kadalasan nagsasayaw sa stage ng tatlong oras, bababa para kumausap ng mga client, alam nyo na mga kabastusan.
Isa ang bar na 'yon sa mga dinarayo ng iba't ibang lahi, minsan nga ay nakakasalamuha siya ng mga pinoy pero syempre, choosy si Maggie. Gusto niya ay 'yung mga Japanese o Kano. Konting hipo lang may bayad na, pag itinable rin ay may bayad, at kapag take out ng customer ang babae eh mas malaki rin ang bayad.
One time, turn na ni Maggie ang magsayaw. Nakasuot siya ng panty at bra habang naka-stiletto. Todo sayaw siya non para kunin bilang maka-table, palakpakan pa raw ang mga kalalakihan sa mga moves niya.
May napansin si Maggie sa counter bar na isang lalaki, matipuno ang katawan at mukha itong kano na medyo may pagka-intsik. Malagkit ang titig sa kanya habang ginagalingan naman niya sa pagsasayaw, sabi niya ay kaya niya inaaakit 'yon dahil halata sa pananamit nito na isa itong mayaman.

Natapos na si Maggie sa pagsasayaw at di pa rin maalis ng lalaki ang tingin sa kanya habang pababa na siya sa stage. Nang makababa na raw siya ay tinawag siya ng kanyang manager. May nag-reserve na raw sa kanya at VIP pa raw ito, akala ni Maggie ay matanda na naman pero pagdating raw niya sa VIP room, iyong lalaking malagkit ang tingin kanina sa kanya ang nandoon. Tinulak na siya ng manager niya papasok sa loob, pinaalalahan pa nga raw siya nito na galingan para naman maging suki na nila.

Syempre, tuwang-tuwa naman daw siya. Sobrang gwapo raw nito eh, at amoy mayaman pa. So, doon nagsimula ang brutsahan nila sa isa't isa. Nag-usap sila at nalaman niyang Trevor ang pangalan ng lalaki, may lahing Japanese at Spanish. Kaya pala sobrang gwapo raw dahil doon, si Trevor ay may mga businesses doon sa Japan pero 'yong main nilang business ay nasa States, dumayo lang siya sa Japan dahil may business meeting doon at kinasal rin ang kapatid niya roon. "Do you really want me here?" Landing-landi na si Maggie nang sinabi raw niya 'yan, gusto niya kasi na i-check in man lang siya sa mamahaling lugar. Mukha talagang gold digger si Maggie noon, pero ginagawa niya lang 'yon para kumita ng mas malaki.
"Come to my house, I'll show you some paradise." Todo ngiti si Maggie sa sinabi ni Trevor sa kanya, dinala siya nito sa sasakyan niyang mamahalin.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now