Espers? (Parts 1-3)

108 1 0
                                    


Part 1

It's me again, Luna Moonfang 🌙

Disclaimer: Mataas ito kaya may tendency na magkakaroon ito ng ibang parts. And maybe, ito na rin ang huling istoryang ibabahagi ko rito. Baka lang naman, sobrang busy na kasi sa work. Sana ay ma-post po ito Admin.

Kaunting knowledge lang kung di nyo pa alam, ESP o Extrasensory Perception is having an ability that is not one of five senses, commonly known as sixth sense. Alright, upcoming 3rd year college na ako noon nang makilala ko ang apat na tao, na para sa akin ay kabilang sa mga ESP.

Pero di nila considered ang sarili nila bilang ganito, more like they call it curse power. Ewan pero mas kilala yata 'to bilang psychic ability.
Nakilala ko sila nung minsang um-attend ako ng charismatic event. Sa pagkakaintindi ko, isa iyong pagpupulong ng mga tao, inilalabas ang ispiritwal mong paniniwala gamit ang mga banal na pananalita. Ang totoo naman talaga niyan eh inaya lang ako nung apat, naghahanap kasi ako ng part time job non kaso ay namataan ko sila sa labas. Akala ko naman eh call center, pagpunta namin doon parang bahay na malaki. Walang specific na religion at wag kayong mag-alala. Di kulto ang napasukan ko katulad nung nangyari kay Kuya Jed. E di ayos, pumasok ako. Nagkaroon ng kantahan, tapos luluhod sila at sisigaw yung leader "Claim the spiritual faith!" tsaka ay isa-isa niyang pupuntahan ang mga taong nakaluhod, pipitikin ang noo nila at bigla nalang mag-iiyak ang mga ito. Nung turn ko na, di ako pinitik nung matandang lalaki. Sabi niya lang sa akin ay gifted ako. Matapos yun ay puro kain nalang ang nangyari. Simula noon ay napalapit na ako sa apat, isang babae at tatlong lalaki. Si Choi, Zak, Carpio at Oji, silang apat ay puro out of school youth at meron silang page at google form noon para sa mga kliyente nilang naghahanap ng mga paranormal expert 'kuno'.  Iyon ang pinagkakakitaan nila aside sa magtinda ng kung anu-ano sa palengke. Medyo idedetalye ko kung paano kami naging mas malapit. Unahin natin si Choi, babae siya okay? May lahi siyang Chinese, marunong din siyang magbasa ng palad, palmistry reading kumbaga, wala siyang jowa hanggang ngayon, comment nalang kayo kung gusto niyo. Lol.

Sabi sakin ni Choi, may kakayahan siyang makita ang hinaharap. E di ako, medyo fifty-fifty sa sinabi niya. Ang nasabi ko lang "Nakahithit ka ba?" pero unang-una pa lang, pinakita na niya sa akin ang kakayahan niya. Nung papauwi na kasi kami galing doon sa charismatic event na 'yun, bigla nalang iniliko ng driver ang sinasakyan naming Jeep, utos 'yun ni Choi. Naguluhan ako pero ayos lang, may shortcut din naman sa nilikuan ng driver papuntang compound namin. Noong makababa na ako, biglang hinila ako ni Choi, puwersahan niyang isinilid ang kamay niya sa loob ng bulsa ng pants ko. Tinanong ko siya kung ano 'yun. Sabi niya lang "Perdible 'yun, lagi mo 'yung dalhin para walang lumapit na kahit anong elemento sa'yo. Tsaka, maglagay ka ng isang basong tubig sa likod ng pintuan nyo. Nakaka-absorb 'yun ng enerhiya ng mga masasamang espiritu." hanggang sa makarating ako sa gate namin, nawi-weird-uhan talaga ako kay Choi non pero iwinaglit ko nalang sa isip ko, baka kasi nanti-trip lang. Balak ko na sanang isara ang lock ng gate namin nang may mamataan akong lalaking nakatayo sa kabilang kalsada, nasa gilid siya ng poste at nakaharap sakin. Binalewala ko lang at pinagpatuloy ang pagla-lock ng gate, sa pagyuko ko. Nakakita ako ng isang pares ng mga paa na nasa labas ng gate. Saktong pag-angat ng mga tingin ko, nawalan agad ako ng balanse sa pagkakatayo dahil sa nakita ko. Isang maputlang lalaki, ang nakakatakot pa ay duguan ang basag niyang ulo. Kumaripas ako ng takbo papasok sa bahay namin, iniwan ko 'yung gate na hindi naka-lock.

Kinaumagahan, sermon ang inabot ko kay Mama. Hindi talaga mawala sa isip ko ang mukhang 'yon, alam ko namang nakakakita ako at aware ako pero nyemas, kung magpapakita sila sana naman ay 'yung translucent at hindi 3D! Kumuha ako ng isang baso at pinuno iyon ng tubig, pagkalabas ko samin. Nakita ko ang mga tiyahin ko na nagkukumpulan sa gilid habang may pinag-uusapan, chismis na naman. Napansin ko 'yung isang Tita ko eh may hawak na diyaryo, nang mailagay ko ang baso ng tubig sa likod ng gate, lumapit kaagad ako sa kanila. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa nakita kong nakabuklat na pahina ng diyaryo, isang litrato ng lalaking basag ang ulo na nakahandusay sa daan. Parehong-pareho ang suot nitong sapatos sa nakita kong multo kagabi. Ang nakakatakot pa ay doon siya mismo nasagasaan sa central highway kung saan kami dapat daraan.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now