Palitan ng Bahay

90 3 0
                                    


This is FAITH once again from Pampanga. Sobrang na-inspired akong magkwento kasi marami ang nakaka-appreciate sa mga simpleng kwento ko, salamat po ng marami  Admin at dun sa mga nag-comments, thank you so much.

Eto ng kwento ko, di pa man ako napapanganak noon, kwento ng mga ate ko, ang dati raw naming bahay ay sa tapat ng simbahan. Remember, yung mga bahay namin na dating tinirahan ng mga Kastila, yung mga duplex na 2-storey pero kahoy sya. Ang nanay ko'y debotong katoliko noon, isa sya sa mga choir sa simbahan (maganda ang boses ng nanay ko, at nagmana lahat sa kanya ang mga kapatid ko pwera lang kami ni Ate Donna--yung kasama ko sa story kong Baboy). Tapos may ka-duplex daw kami noon na sugarol ang ina ng tahanan na dahilan ng palaging pag-aaway ng mag-asawa, maingay sila palagi at murahan (pasensya na po ah hindi ako tsismosa, dingding na sawali lang kasi ang pagitan namin e). Kaya talagang nabubulahaw kami. Ang sugal nya ay baraha at tinatawag na Kuwaho, ewan ko kung ano yun sa tagalog. May kapatid akong sakitin noon, yung pang 13 samin. Ang nanay ko naman ay buntis sakin. May mga nakikita daw silang kababalaghan sa paligid pagsapit ng takipsilim at kung saan-saan pa na malapit don. Ang sabi ng ate ko ay pag may namatay daw na baby pa sa mga kabaryo namin noon, sa likod daw ng simbahang katoliko ibinabaon. Kaya sa simbahan daw maraming nagmumultong mga bata. Tapos minsan daw may naririnig silang uha ng baby sa madaling araw.

Isang gabi di agad nakauwi ang isa kong kuya, pangalawang panganay. Nagwo-work na sya non sa Bulacan at taga doon din ang napangasawa nya, isa syang Inhinyero. Bale dumalaw lang samin, naghatid ng pera kay Nanay. Galing sya sa kaibigan nya non. Late na ng maisipan nyang umuwi. Malapit na sya samin ng may nakita daw syang malaking bagay na nasa bubong namin, pinakatitigan daw nya ito. Hugis tao na nakayuko. Habang papalapit sya luminaw ng tuluyan sa paningin nyang tao nga ito na nakayuko sa bubong. Sumigaw daw ng malakas na HOY ang kuya ko at tumakbo palapit! Lumingon sa kanya at naging ibon daw itong bigla at lumipad na papalayo. Nag-alala sya kasi buntis nga si Nanay baka daw aswang yun. Minsan naman ang ate ko ay naiihi daw, tatayo na sana sya ng may marinig syang naglalakad ng mabigat sa daan at may kinakaladkad na kadena. Hindi na daw sya umihi at napaihi nalang sa shorts. Basa pati kumot, aissttt. Kinabukasa'y nasita sya ng nanay ko kaya sinabi nya na may narinig daw kasi siyang lalaking may kinakaladkad na kadena. Sumagot ang tatay ko, yun daw si Don Ramon, sobrang yaman, lagi daw nagpaparamdam yun. Isang Kastila, may tirahan syang mataas sa may dulo ng barangay namin. Ang nanay ko'y lubha ng nababahala para sa mga kapatid ko, sa mga nakikita at naririnig. At syempre para sakin na nasa tiyan pa nya. So napagkasunduan nila ni Tatay at ng Kuya ko na humanap ng gustong makipagpalit ng bahay.

Makalipas ang isang linggo kumalat ang balita na nakikipagpalit  nga kami ng bahay. Nakarating yun sa pinsan ng tatay ko, si Tito Felix at Tita Talia. 2 kanto ang layo samin at mga sampung bahay ang pagitan. Nagkasundo silang magpalitan. Wala ng marami pang salita kasi pareho lang naman ang design ng bahay at same din ang laki ng bakuran. Tsaka ang mahalaga makaalis ang mga magulang ko dun. Nakakabigat kaya sa buhay yung puro nalang negative ang naririnig mo.

Hanggang sa nakalipat na daw sila sa bahay namin at ang mga magulang ko at kapatid sa bahay nila. May mga naka-close ang Nanay ko sa mga taga malapit samin at na-share ng isang kakilala ang ng salita ng Dios, yun na ang simula kaya kami naging Born Again. So I was born and raised in a Christian family. Dun namin naging kapitbahay ang pinsan ng tatay ko si Tito Ben na asawa ni Tita Flor (my story--Kerosene and Lilac my cousin--Balkonahe). Ilang gabi pa lang ay nadiskubre na ng Nanay ko kung bakit nakipagpalit ng bahay yung pinsan ng Tatay ko ng bahay (ngayon ay naka-based na sa Guam ang buong pamilya nila). May naririnig din daw na iyak ng bata don at may nakitang sanggol na umiiyak sa puno ng Makabuhay (puno yun na pampalaglag daw ng bata).

Isang tanghali daw ay bigla syang kinilabutan habang nagsasampay sya sa tapat ng punong santol parang may nakatingin sa kanya at sumusutsot. Nagpalinga-linga sya wala namang tao. Ang puno ay sa kapitbahay namin pero nakalabas ang ibang  sanga sa bakuran namin. Mayabong ang punong ito. Eto ang pagkakasunod ng mga puno sa bakurang nakapagitan samin. 2 bayabas sa kanila (paatras sa likod), kaimito sa kanila, kaimito samin, niyog samin, santol sa kanila, kaimito sa kanila, niyog samin, balimbing samin, kaimito sa kanila, makabuhay samin (maraming humihingi nun sa mga kapitbahay), pakiling samin (yung may dahon na parang steel wool), sampalok sa kanila na ang lago ng dahon at palaging maraming bunga. Ang pangalan ng kapitbahay namin na yun ay Aling Estie, palaging nakaismid at pailalim tumingin. Nasa Saudi din pala ang asawa kaya ganon. Sa bahay naming yun dun na ako lumaki at nagkaisip.

Pag umaga palaging masukal kasi nga marami ang puno. Nagkasabay magwalis ang nanay ko at si Aling Estie isang umaga, kinuwento nya sa nanay ko na may multo sa tapat nilang bahay na walang nakatira, (patay na ang may-ari). Kaya daw pag gabi di na sila lumalabas.

FF: Isang gabi sumakit ang tiyan ng ate ko, ang palikuran ay sa likod, nakahiwalay sa bahay. Nag-aaral na rin ako non, grade 1. Malalim na ang gabi at maliwanag ang buwan. Sa labas ako, hinihintay ko sya habang kumakain ako ng balimbing na inabot ko sa puno. Habang nagbabawas ang ate ko kinakausap ako takot kasi baka siguro iwan ko. Tapos habang kumakain ako ng balimbing kumakanta ako nun ng kanta namin sa school, kapampangan, "OYANA ING PAPEL SULA-SULAPO YA, SALURAN ME MARING POTA MANABU YA, PANGUTANG -NGUTANG ME NUNG KENU YA IBAT, IBAT YA KANG PEPING KASAL NALA BUKAS." (hayan na ang papel, palipad-lipad sahurin mo Maring baka mahulog. Ipagtanong-tanong mo kung kanino galing, galing kay Peping ikakasal na bukas). In-a-action ko ang kanta at ng aktong sasahurin ko kunwari ang papel sa taas syempre nakatingala ako. May nakita akong ilaw at parang nasa taas ng sampalok. Tumigil ako sa pagkanta. Ang ate ko'y tinatawag ako, sabi ko oh, it means nandon ako. Pinakatitigan ko ang ilaw at yun ay nagliwanag lalo at nakita ko ang maitim na tao bumuga ng usok  Nakatingin sya sakin. Tapos nagsalita akong nanginginig ang baba ko sa takot, "ate may naninigarilyo sa taas ng puno ng sampalok" kako. "E bakit naman umakyat pa sa puno "sabi nya. Sabi ko "nakita ko mahaba ang buhok" at dinescribe ko. Biglang lumabas ang ate ko, habang tinataas ang shorts ay tumatakbo, di ko alam kung nakapaghugas ba sya non basta niyaya na akong pumasok. Agad kaming nagtakip ng kumot. Ako'y nakatulog agad non, sinabi nya kinabukasan kay Tatay na may kapre daw sa likod sa may sampalok. Mula noon di na kami kumakain ng marami sa gabi para maiwasan ang pagsakit ng tiyan. So yun nalaman namin ang dahilan ng pakikipagpalit nila. At marahil nalaman din ang aming dahilan sa unang gabi pa lang. Sadyang maraming mga nagpaparamdam sa baryong yun. Ang kwento ko bukas ay isa pang testimony/confession that PRAYER really WORKS. Thank you for reading.

FAITH❤ (Pampanga)

Scary Stories 6Where stories live. Discover now