Laboratory

55 1 0
                                    


Hi mga ka-spookifyyyy! Ako na naman ito, si KillerNurse. Natutuwa po ako dahil mas marami ang mga nakaka-appreciate ng mga stories ko, kesa sa mga basher hahahaha. Thank you po sa mga sumusuporta at nag-aabang ng mga kwento ko.

Thank you rin sa mga basher, kasi nag-aksaya kayo ng mga oras ninyo para, basahin at mag-comment ng di maganda sa story hahahaha. Na-appreciate ko rin yon.

May nagtatanong pa rin kung babae ba talaga ako, opo babae po ako. At saka wala naman pong masama sa pangalan kong Blake, dahil meron din namang mga lalaki na pang babae ang pangalan at meron ding tulad ko na babae pero panlalaki ang pangalan.

Medyo mahaba na naman po ulit itong ikukwento ko, syempre lagi namang mahaba ang kwento ko, hehe. So eto na nga.

Last subject na namin yon, 5:40pm na at dapat hanggang 6pm lang yung klase namin, dahil ber months na non, at mas mabilis ng gumabi. Kahit alas sais palang, ay madilim na at mukhang gabing-gabi na. As usual, boring na naman yung klase, Biochemistry ang subject namin non at wala akong maintindihan, nakakatawa pa itong mga nagre-report. Tapos tinutulungan nalang sila ni Ma'am, na mag-explain. Kaso ang bilis namang magsalita ni Ma'am, kaya di ko pa rin maintindihan. Awit!

E di nakatingin lang ako sa kanya, para kunwari nakikinig. Ang ipinagbabawal na teknik. After niyang mag-rap, nagbigay siya ng 10 mins break para makapag-review daw kami, kasi maglo-long quiz kami about sa lahat ng mga ni-report nila. Wtf! May nag-report ba? Char.

E di ako naman itong antok na antok na, kahit anong basa ko sa handout, talagang walang pumapasok sa isip ko.

"Arooo joskooo" sabay buntong hininga ko. "Karakal darin makamurit" (Ang dami niyan, nakakabaliw! Yan po ang ibig sabihin sa tagalog, nung kapampangan na sinabi niya) reklamo nung katabi ko at saka binato yung mga handouts sa sink, thank God at hindi ako nag-iisang babagsak. Sabi ko sa isip ko at napangiti sa kanya.

Dahil parehas naman kami ng nararamdaman, e di nagkwentuhan nalang kami, kagaleng debaaaaa.

Habang nagkukuwentuhan kami ay may naririnig akong, alam nyo yung machine sa hospital, heart rate monitor po tawag don, na pag patay na yung pasyente, tas pag nag-straight na yung line, tutunog ng matining na TIIIIIIIIIT, ganon yung naririnig ko. Ang sakit sa tenga, dahil napakatinis ng tunog nito. Tapos parang may dumaraan pa sa likod ko, pero pagtingin ko, wala naman dahil busy ang lahat sa pagre-review, maliban sa amin.

Kaya di na ako nakikinig sa mga kinukuwento niya at nakatingin nalang ako sa kanya, habang nakikita ko yung bibig niya na walang tigil sa pagkukwento. Maya-maya, dumating na si Ma'am at magku-quiz na raw kami, huminto na rin yung masakit sa tenga na tunog na naririnig ko kanina.

Inayos ni Ma'am yung upuan at pinaghiwa-hiwalay yung magkakaibigan, grabe talaga itong prof na 'to, juskoooo talagang babagsak ako nito, one seat apart na nga tapos, di mo pa ka-close yung katabi mo, hayuf!

Habang inaayos ni Ma'am yung upuan, may naririnig na naman ako, pero hindi na yung maingay na tunog, kundi umiiyak. Tinignan ko lahat ng mga tao sa laboratory (dito kami nagru-room pag major subjects or experiments) kung may umiiyak ba, pero wala naman. Kaya sabi ko, baka sa kabilang laboratory lang yung naririnig ko.

Ayun na nga, nagsimula na ang digmaan at tanging stock knowledge, na ayaw ng lumabas ang tangi kong sandata. 5:55pm na non at mag-o-overtime yata kami, kasi may mga nag-report pa kanina at tinapos lahat ng reporters, ngayong araw.

Tapos, kaming college nalang ang natira sa building, kasi nagsi-uwian na yung mga kinder hanggang senior high. Hindi rin namin nahalatang madilim na, dahil nakasarado lahat ng kurtina sa mga bintana at maliwanag naman ang ilaw sa loob ng laboratory.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now