Iwahig Prison and Penal Farm

86 3 2
                                    


Hi Spookify readers. You can call me Blaze. I'm a silent reader of this page since 2016. This is my first time na magpo-post ako dito. Gusto ko sana i-share yung istorya ng uncle ko, tawagin na lang natin siya sa name na Tito Louie. Si Tito ay nakulong sa Iwahig Prison and Penal Farm/Iwahig Penal Colony. Nakulong siya sa isang kaso na di ko na sasabihin, pero he spent almost 12 years sa kolonya hanggang makalaya siya at makabalik sa amin as a freeman and as a better man. Mostly kapag nagkakainuman kaming mga magkakamag-anak, lagi siyang nagkukuwento about sa buhay niya doon sa kolonya, mostly sa mga nakulong, bukambibig lagi nila yung every day struggle nila sa loob ng kulungan. Pero meron siyang mga kwento na minsan ay nakakatakot at weird na mga pangyayari sa loob ng kolonya. He admitted it's all true since experiences niya yung mga yon.

Before we continue, ipapaliwanag ko lang kung ano yung Iwahig Prison and Penal Farm sa mga di pa nakakaalam nito. Ang Iwahig Prison and Penal Farm ay isang lugar sa Puerto Princesa, Palawan, kung saan dito dinadala ang mga nagkasala sa batas sa buong panig ng Pilipinas. Tinatawag din itong "Prison without walls" at dito ay bibigyan ka ng gobyerno ng karapatan na magbago at bunuin ang sentensya sa isang kulungan na malaya kang makakagalaw, hindi tulad sa ibang kulungan na siksikan lang sa mga maliliit na selda. Sa laki nitong 36,000 hectares na pinalilibutan ng dagat, mga masusukal na kagubatan at malalaking palayan, nahahati ito sa apat na sub-colonies aniya ni Tito. Kadalasan ay mga bilanggo na may mga grave crimes sa iba't-ibang probinsya sa Pilipinas ang napupunta dito, pero may mga bilanggo din doon na nalipat galing sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa, kung saan kasama si Tito Louie sa mga yon. Dahil sa layo ng lugar na yon ay hindi namin siya nakuhang dalawin man lang dahil ang pamilya namin ay nandito sa Maynila.

Ang ikukuwento ko ay base sa mga collective stories na naikwento niya sa amin. Karamihan dito ay sarili niyang mga karanasan sa loob ng kolonya. Some scary stories and weird stuff na naranasan at nakita ni Tito Louie.

1. Robert
Bago malipat sa Ihawig si Tito Louie, bumuno muna siya ng dalawang taong pagkakakulong sa Muntinlupa. Doon niya nakilala ang kosa niyang si Robert. Tubong Bulacan si Robert, may asawa at isang anak na babae. Nakulong siya sa kasong homicide. Magkasama sila ni Tito Louie na napili na mailipat sa Iwahig ngunit ayaw niya. Ayaw niyang malayo ng sobra sa pamilya niya, na siguradong hindi na siya madadalaw dahil nasa malayong lugar na siya pag nagkataon. Pero dumating ang araw na kailangan na silang ilipat sa Ihawig kasama ang iba pang bilanggo kaya wala na siyang nagawa. Naikuwento ni Tito Louie na habang nasa barko sila papuntang kolonya, hindi mapigil ang pag-iyak nito. Sobrang dinamdam ang pagkakalayo. Pagkarating sa kolonya ay nilagay sila sa isang lugar para doon mag-stay ng ilang araw habang inaasikaso ng pamunuan ang kanilang mga papeles. Lagi niyang kasama si Robert kahit sa pagtulog, pilit inaaliw ang kakosa. Pero isang umaga paggising ni Tito Louie ay wala nang buhay si Robert, nagpakamatay siya sa paraang kakaiba. Nilunok niya yung mga bulak at foam sa loob ng unan niya hanggang sa bumara ito sa lalamunan at hindi na siya makahinga. Ginawa niya yon noong gabi na tulog na ang lahat. Namatay siya na hawak ang picture ng kanyang mag-ina.

2. Matandang Kuba
Sa loob ng kolonya, hindi lang basta nakakulong ang mga bilanggo sa loob ng selda. Every day, gawain nila na magpunta sa bukid para magbungkal ng lupa, magtanim ng palay, bigas at kopra, magpunta sa masusukal na gubat para magputol ng mga puno, at iba pang gawain sa bukid na under supervision ng mga Jail Guards. Isang araw, nasama si Tito Louie sa isang grupo para pumunta sa pinakamalayong bukid para magbungkal ng lupa. 15 silang bilanggo at kasama ang dalawang Jail Guards. Lumipas ang araw na iyon, natapos ang mga gawain, pero magdidilim na ng umalis sila sa bukid na iyon. Pabalik na sila sa kampo nila pero may masukal na gubat pa silang daraanan. Flashlight lang ng dalawang jail guards yung ilaw nila so naglalakad silang nakapila habang nakapatong yung kamay nila sa balikat ng nasa harap nila. Si Tito Louie yung nasa pangalawa sa pila, siya yung may dala ng water jug na ginamit nila. Yung dalawang jail guards nasa unahan daw since sila yung may dala ng flashlight. Habang naglalakad sila sa dilim ng bukid wala pa raw kinse minuto, nagulat silang lahat dahil sumigaw yung nasa pinakadulong pila, may kumalabit daw sa kanya sa may bandang batok niya. So tumigil sila para alamin yung nangyari, nagalit yung isang jail guard dahil kailangan na daw nilang makabalik agad para sa hapunan. So yung nasa huling pila ay napunta sa unahan, sa harap ni Tito Louie para daw di na mag-hysterical pa. Alam kasi nilang lahat na sa lugar na yon, maraming maligno dahil parte yung bukid na yon dati ng gubat pero ginawang bukid-taniman. So nagpatuloy pa rin sila sa paglalakad habang magkukuwentuhan pa hanggang sa mapadpad na sila sa bukana ng gubat na kailangan nilang lagpasan. May daanan naman daw doon sa gubat na sadyang ginawa para di mahirapan yung pupunta sa bukid na pinanggalingan nila mismo. Nasa kalagitnaan sila ng gubat nang biglang sumigaw naman ngayon yung bagong nasa huli ng pila, bilisan daw at may sumusunod sa kanila. Lumingon silang lahat sa huli ng pila at nagulat sila sa nakita nila, may matandang lalaking kuba raw na nakahandusay sa dinaanan nila, nakadapa daw habang nakatingin sa kanila, siguro mga 15 feet daw ang layo sa kanila, aninag nila yung itsura dahil kahit papaano ay medyo maliwanag ang buwan noon. Napahinto silang lahat at isang jail guard ang akmang lalapit doon sa matanda, pero wala pang ilang hakbang ang jail guard mula sa grupo ay bigla na lang daw tumayo ang matanda at tumakbo papunta sa kanila. Nataranta silang lahat kaya sabay-sabay din silang tumakbo palayo, kasama yung 2 jail guards. Alam kasi nila na hindi tao ang nakita nila. Nang makalayo na sila at di na nila nakita yung matandang kuba, huminto sila para mag-regroup, pero nagtaka silang lahat dahil kulang sila ng isa. Wala yung kasama nila na pinakaunang nasa huli ng pila, yung lumipat sa harap ni Tito Louie. Isang jail guard ang nagdesisyon na bumalik at nagpasama sa dalawang bilanggo kasama si Tito Louie. Habang ang iba ay umupo muna kasama ang isa pang jail guard. Nang pabalik na sila sa dinaanan nila, di kalayuan ay nakita kaagad nila ang nawawalang kasamahan, patay na ng makita nila. Nakadapa sa daan at basag ang buong mukha dahil sa matinding pagkakabagok ng ulo. Sabi-sabi sa barracks nila na nakursunadahan daw siya ng maligno sa di malamang dahilan.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now