Compiled Stories 2

61 3 0
                                    


The upside down

My life is as mundane as any other teenager you would see today. Busy sa school at gina-grab ang lahat ng opportunity para makapag-bond kasama ang barkada. Until something happened last summer of 2019.

Papauwi galing Manchester si Tita Lucy ko that year. Naghanda ng celebration ang mga relatives ko dahil na rin ilang taong di namin nakakasama si tita. Meron na kasi siyang sariling trabaho at pamilya doon sa UK. Miss na ni mama si tita na kapatid niya kaya naman kahit na sa Bicol gaganapin ang celebration at taga Pasay kami ay nag-book agad kami ng ticket. Sa bahay ng grandparents ko sa side ni mama kami mag-i-stay. So all in all, kasama namin ang grandparents ko, yung dalawa pang kapatid ni mama with their family at si tita na uuwi with her husband and children.

It's the month of May nung umuwi na nga si tita. Nag-celebrate kami at doon na rin kami sa bahay ng grandparents ko magbabakasyon. A few days later, nag-decide kaming magpipinsan na puntahan yung isang kaklase ng pinsan ko. Let's call her Kaye. We agreed kasi nasa iisang barangay lang naman yung bahay ng grandparents ko at bahay nila Kaye. Walking distance lang kaya after only a few minutes, nasa harap na kami ng bahay nila. I was never a fan of the supernatural at hindi ko rin masyadong sinasaloob ang mga pamahiin. Pero noong mga oras na yon, something was telling me na huwag pumasok sa bahay nila Kaye. There's just this gut feeling inside me that triggered my fight or flight response. At sa bawat segundo na nakatayo ako sa bahay na iyon ay lumalakas ang sakit ng ulo ko. Parang may umiipit sa sintido ko at pinagpapawisan na rin ako ng malamig. Nauna nang pumasok ang iba sa mga pinsan ko pero tinapik ko si Percy, anak ni Tita Lucy.

NV:
Me: Perc, I don't feel so good.
Percy: What? Are you hurt? Do you wanna go home?
Me: No. My head hurts. I think I need to sit down.
Percy: Let's come inside for a minute and I'll ask water from Kaye. If you still don't feel well, I'm gonna get a tricycle and we'll go.

Inalalayan ako ni Percy at humingi na rin siya ng tubig pagkaupo ko. I sighed in relief nang hindi kami sa mismong bahay dumiretso. Doon lang kami sa balcony nila umupo. It was big enough for us and there are still chairs to accommodate more people. Nagsimula ng magkuwentuhan ang mga pinsan ko. They were all close to one another kasi magkakalapit lang naman ang bahay nila. Some live in one barangay, some live in the next city. Talagang kami lang ni Percy ang hindi taga Bicol, but still close pa rin kami sa kanila. Medyo nawala na yung sakit ng ulo ko but there's still this heavy feeling kaya hindi ako masyadong nakakasali sa kwentuhan nila. We arrived at 2pm at after ng isang movie, naglabas na ng juice at chitchirya si Kaye and we were like that for the whole afternoon. After some time, I can't help but get curious sa bahay nila Kaye. It's a two story house. A typical Filipino home. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi kami dumiretso sa living room nila Kaye which you can see from the windows. It was normal looking pero bakit ganito na lang ang epekto ng bahay na ito sakin? It's like something bad is just waiting to happen. Hindi na ko nakapagpigil at tumayo ako. Napansin ko na wala ng lamang juice yung container, so I used it as a reason para makapasok sa bahay nila. Kahit sa kusina lang.

NV
Me: Paubos na itong juice. Okay lang ba na kumuha ako ng refill?
Kaye: Sige. Samahan kita?

I said no since they're in a middle of a conversation and having fun. Kinuha ko na yung container at naglakad na papunta sa main door nila. Nakita ko kaagad yung isang cross na nakasabit sa pintuan nila. Pagtingin ko sa living room bumungad sakin ang mas maraming cross. Sa taas ng TV, sa gilid nito, sa mga pader, sa display shelf nila at sa iba pang parte ng sala. Ang weird lang makakita ng ganon karaming cross sa iisang location. Mas lalo ring bumigat yung pakiramdam ko. Di ko maalis yung tingin ko doon sa malaking cross na nakasabit sa dingding nila. As I walk towards their kitchen, the amount of crosses I saw grew. Hindi ko na mabilang kung gaano karaming cross ang nakita ko. Nakarating na ako sa kitchen at kumuha na ng bagong juice from the fridge.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now