CareTAKER/ATTACKER (Parts 1-3)

62 3 3
                                    


Part 1

Hi mga ka-spookify! Ako ulit ito, si KillerNurse. Gusto ko lang i-flex na, nag-heart react sila Sir Hen Sundalo at Apollo sa comment ko hehe, skl.

Sa mga nagtatanong kung Ilocana daw ba ako? Yes po, kasi Ilocano yung father side ko pero di po ako ganon ka-fluent kasi yung lugar po namin ay halu-halo ang mga salita. May Kapampangan, Tagalog at Ilocano. Medyo marunong din po akong mag-Bisaya, kasi taga Mindanao si Mommy ko, katulad ng sabi ko doon sa story kong "Sino ang mangkukulam?"

Ngayon ay ise-share ko naman itong na-experienced namin ni Mommy nung tumira kami, sa isa sa mga boarding houses na malapit sa school ko. So, eto na nga.

1st sem nung nag-boarding house kami ni Mommy, oo kasama ko siya sa boarding house, kasi nag-o-OJT siya doon sa hospital malapit sa school ko, kaya napagdesisyunan nalang namin na iisa nalang kami ng tirahan para makatipid. Buwan palang ng Mayo nung naghanap kami ng boarding house na matitirahan.

Di naman kami na-inform na dapat pala bago palang matapos ang academic year e, maghahanap na kami para di kami maubusan ng kwarto. Halos lahat ng malapit na boarding house sa school noon ay puno na. Pero nahanap namin itong boarding house na ito na may bakante pa. Mabait naman yung dalawang matandang nagbabantay, nung in-introduce nila yung bahay.

"Ang may-ari talaga ng boarding house na ito ay yung stepdaughter ko, yung anak ng kinakasama ko" (sabay turo doon sa matandang babae na naka-wheelchair) pagkukwento ng matandang lalaki.
"Ganon po ba? Akala namin ay mag-asawa na kayo" Tanong ni mommy sa kanya. "Wala ng budget e, tsaka matatanda naman na kami. Ang mahalaga, mahal namin ang isa't isa. Kaya aalagaan ko siya kahit ganyan na siya" sagot naman nung matandang lalaki. "Ano po bang nangyari sa kanya?" Tanong ulit ni mommy. "Diabetic kasi kaya lumala na yung mga sugat niya sa paa at nanlabo na rin ang mga mata" sagot nung matandang lalaki. "Ganon po ba, ano po palang pangalan ninyo? At pwede po ba naming makita yung loob ng bahay?" Pag-uusisa ni mommy. "Tawagin nyo nalang akong Kuya Meng. Sige, halikayo, pasok kayo" sagot nung matandang lalaki at tsaka binuksan ang gate para makapasok kami ni Mommy.

Medyo luma na, makalat at mukhang nakakatakot pero no choice na talaga kami ni Mommy, kasi ito nalang ang may bakante. Ang itsura ng boarding -- pagpasok mo mula sa gate, makikita mo ang malaking bahay sa harapan at nasa likod nito yung mga kwartong pinapa-rent nila.

Karugtong kami mismo ng bahay nila, doon kami sa kusina nila dahil meron naman itong kwarto at CR. Mas malaki naman kumpara doon sa isang kwarto na may bakante pa, pero bed spacer lang.

Tsaka mahilig kaming magluto ni mommy kaya oks na ito. Kaya mas pinili nalang namin ni Mommy na doon kami sa karugtong ng bahay nila. Ila-lock nalang daw ni Kuya Meng yung pinto na nag-uugnay sa bahay nila at sa re-rent-ahan namin.

Nung nakalipat na kami ni Mommy, napagdesisyunan naming maglagay pa ng karagdagang podlock at iniharang namin yung lamesa doon sa pinto na nag-uugnay sa malaking bahay at naglagay din kami ng isa pang lock doon sa main door kung saan kami lumalabas at pumapasok.

Binigay rin ni Kuya Meng yung number niya, para raw matawagan namin siya, pag nagkaproblema at kinuha niya rin yung number ni Mommy.

Naging maayos naman yung unang buwan na pagtira namin doon, until namatay yung babaeng matanda. May NSTP kasi kami ng Saturday, kaya si Mommy ay umuuwi na sa bahay namin ng Friday ng gabi at ako nalang ang naiiwan sa boarding mag-isa. Hindi ako gaanong nakakatulog mula nung namatay yung matanda dahil minsan ay naririnig ko yung boses niya na sumisigaw nang "Meng!! Ang sakit ng ulo ko!" Which is yan ang lagi niyang iniinda, nung buhay pa yung matanda. Tapos may naririnig din akong kumakalabog sa loob ng bahay nila. Hindi ako mapakali, lalo na't karugtong lang mismo ng bahay nila itong nirerentahan namin.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now