The Other Woman

48 4 0
                                    



Hello, Spookify!


Nagsimula ang lahat sa mga short encounters na hindi ko gaanong pinapansin noon. Kasi, sa dami ba naman ng mga paranormal experiences ko, parang naging part na ng aking daily life yung mga weird and creepy happenings. Minsan, kaya pang i-explain pero minsan ay mapapakamot ka na lang talaga sa ulo and be like: "What in the world just happened?"One time, sumakay ako sa terminal ng jeep. Ako yung unang pasahero kaya nagbayad na ako kaagad para dun ako umupo sa tabi ng pasukan (iwas taga-abot ng bayad). Tinanong ako ng driver kung ilan, 50 yata o 100 yung pera ko nun tapos nasa 20+ yung pamasahe. Syempre ako lang naman mag-isa kaya why would he ask kung ilan, di ba? "Nag-iisa lang naman po ako dito, Manong," sagot ko (non-verbatim). Lumingon yung driver saka nag-sorry. Akala raw niya ay kasama ko yung isa pang babaeng sumakay. Hindi ko na iyon pinansin at kinuha na lang yung sukli ko.


Another time, pauwi ako nun sa bahay namin. Nag-chat ako sa kapatid kong si Marj na sunduin ako sa kanto para hindi na sumakay sa mga tricycle doon na sobrang mahal maningil. Mga five minutes na siguro akong naghihintay nang biglang dumami yung mga tumatambay doon kaya nagpasya akong maglakad na para salubungin na lang yung sundo ko. Tanghali nun at wala akong payong kaya itinakip ko yung panyo ko sa ulo. Nakakalayo na ako mula sa kanto nang makasalubong ko yung kapitbahay namin na naka-bike. "Oh, bat naglakad kayo? Ang init-init!" tanong niya sa akin. Yung word na "kayo" means may kasama ako kahit na wala naman. Hindi ko na rin iyon pinansin, kasi sa line of work ko, minsan ay nagpo-po ang ibang tao sa akin regardless of age, at yung gumagamit sila ng plural pronouns as sign of politeness. "Susunduin po ako ni Marj, sasalubungin ko na po," sabi ko naman. Naglakad na ulit ako at nung matapat ako sa part na wala masyadong bahay, nahulog yung panyong nakatakip sa ulo ko. Nang yumuko ako para damputin iyon, parang may napansin akong paa sa likuran ko. Lumingon ako bigla, pero wala naman. Natanaw ko na nun yung kapatid ko na paparating kaya tumakbo na ako pasalubong sa kanya.


Then, another incident, kasama ko naman noon si Tito Carlo. Sinundo niya ako sa bayan kasama ng dalawa niyang anak. Sinabihan niya ako na umangkas na lang sa likod at yung isa niyang anak ay pinapwesto niya dun sa harapan (sa gitna niya at ng manibela). Nagtaka ako kasi kasya naman ako sa side car kasama nung isa ko pang pinsan na 6 y.o. lang that time. May isang case ng softdrinks kasi dun sa loob kaya isang tao lang pwedeng umupo at yung pinsan ko ay dun lang sa maliit na upuan nakapwesto. Nagkalituhan kami ni Tito hanggang sa sinabi niyang alangan namang yung kasama ko raw ang papaangkasin namin. Medyo nag-buffering yung utak ko nun kaya hindi ko agad na-gets. Tapos tumawa na lang ako at sinabing wala naman akong kasama.


Eto naman, yung kapitbahay namin ang nakakita. Nanghiram nun yung bunso namin ng panungkit sa kanila kasi mamimitas kami ng malunggay. Yung bahay namin at ng kapitbahay ay magkatapat, at daan lang ang pagitan. Sa baryo po kami kaya kahit two-way yung daan ay hindi ito ganun kaluwang. So pag nasa daan ka, kita mo yung happenings sa loob ng bakuran ng mga bahay. Nung paalis si bunso ay siya namang papasok sa bakuran yung kapitbahay namin. "May bisita yata kayo?" tanong daw ni Kuya Archie sa kanya. Nagtaka naman si bunso kasi wala naman kaming bisita. "Sino?" balik-tanong ni bunso sa kanya. "Ewan ko. Kasama nina ate mo eh," sabi niya. Nagmamadaling umuwi si bunso at nang madatnan niyang kami-kami lang ang nasa bakuran ay hinanap niya yung bisita. Halos sabay-sabay pa kaming nagtanong nun ng "Sinong bisita?" At yun nga, ikinwento niya yung sinabi ni Kuya Archie.


Those were just four of the many occurrences na nangyari in a span of more than two years. May mga iba pa pero sobrang short incidents lang at kung ikukwento ko lahat ay baka abutan tayo ng siyam-siyam. Sa workplace ko, minsan ay parang may kasama ako pag naglalakad. May mga malalaking glass windows kasi ang mga offices kaya nagre-reflect dito yung mga dumadaan. Minsan, nararamdaman ko yung eerie feeling na may nakamasid sakin or biglang may parang kiliti na galing sa batok ko. But I didn't think any of these as a big deal. Sabi ko nga, marami akong experiences so hindi ko na lang pinapansin yung iba and yung ilan ay iniisip kong baka guni-guni lang.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now