CHAPTER 15 - WORST THING

124 6 1
                                    

LIHIM nakamasid lamang sa mga nakikita. Mula sa mga layunin ng okasyon at ang mga napapansin sa mga bisita - ang elites. Ganoon din ang mga nakatalagang bantay sa buong lugar para protektahan ang lahat kaya hindi pinayagan magdala ng armas o ng maraming bodyguard.

Ganoon din ang ilan sa mga kaibigang nandito ngayon. Lahat ay nakikita ng mga matang ito.

At naririnig din ang pagitan ng usapan ng mga kaibigan mula sa tagong earpiece na suot. Ang mission, ang plano ng sariling grupo para sa Elites Community.

Dumaan sa harapan namin ang may kulay green na pares ng mga mata.

Lahat ng mga bisita ay nakuha ang atensyon nila sa dumating. Hindi mapagkakaila dahil sa kagandahan nitong taglay.

Inalis ko ang pansin doon at tumingin sa pwesto kung saan ang isang malaking pirasong black diamond, naka-display sa pinakagitna kasama ng ibang alahas. Isang pa-in para sa mga magnanakaw. Walang proteksyon iyon sa palibot dahil mas lamang ang confidence nila sa mga naatasang magbantay mismo.

Pumunta ang paningin sa pinaka-makapangyarihang pamilya sa pagtitipon na ito.

May nakuhang signal mula roon.

Hindi ko inalis ang direksyon ng paningin sa kanila. Ang mga taga-bantay ay umalis sa pwesto at lalo sa konsentrasyon ng totoong layunin sa gabing ito dahil humarap sa kanila ang babaeng may mga matang sinusundan ng lahat. Lahat ay nakatutok na sa dakong iyon, ang tungkol sa rebelasyon sa tunay na may karapatan sa royal line ng elites.

Ito ang mga bagay na hindi nila inaasahan kahit pinaghandaan nila ang bawat detalye. Lalo ang katabi ngayon, nakatutok din sa mga nagaganap.

Hindi nila pansin ang pagsulpot ng mga nakasuot ng kulay itim sa iba't ibang panig ng engrandeng bulwagan.

Nawala ang mahinang musika sa ilang segundo, kasabay ng nangyayaring komprontasyon ng salita sa gitna ng elites at naririnig iyon ng lahat. Kasunod ang pagpapalit ng musika, bahagyang mas malakas at parang simbolo ng pagpapalit ng hangin sa ere.

May nagsalita na hindi kabilang sa komprontasyon.

Paglingon ng karamihan sa dakong iyon ay mga nabigla, dahil sa nasaksihan. Ang nagsalita ay isang tao na nakasuot ng itim na damit at natatakpan ang mukha ng maskara habang hawak na ang kapirasong black diamond, kinuha sa pinaglalagyan nito.

Sumunod nagsalita ang ikalawa, ganoon din ang ikatlo.

Isang iglap ay nagsitumbahan sa hindi malaman na dahilan ang kalahati sa mga taga-bantay at ang kalahati ay sumugod ng sabay sa pinakamalapit na taong nakasuot ng itim.

Nagkagulo ang paligid.

"Don't move, sir," agad kong sabi.

Pero walang narinig. Kakaibang presensya ang naramdaman mula rito, habang patakbo pasugod sa babaeng naka-itim, ang unang nagsalita.

Kay Rei Chu Luan.

Nakangising sinalubong ito ni Rei Chu, ang halimaw nitong pagkatao ay hindi itinago ngayon. Isang hakbang na lamang bago magkasagupa ang dalawa ng isang putok mula sa silencer gun ang namagitan sa gitna.

Galing sa isang hindi kilalang naka-itim din at natatakpan ang mga mata ng simpleng maskara. Ang anyo ay ginagaya ang black diamond?

Kung ganoon ay...

Umiwas ang dalawa sa isa't isa at naghanap ng cover habang hinarap ko patakbo ang isang iyon. Ang gown na suot ay sumunod sa klase ng sugod, at hindi nasira. Pero nagkamali ng galaw, nang bumulagta sa harapan ko ang hayagang nagpaputok ay may isa pang sumulpot mas malapit sa iniwan, ang boss.

BOOK 4 - Not TouchableWhere stories live. Discover now