CHAPTER 10 - TO PROTECT YOU

141 10 1
                                    

BUMALIK si Baru Dex sa sasakyan at kumaway pa bago sumakay ng tuluyan.

Humarap ulit ako sa malaking pinto at lumapit doon. Bago pumasok sa loob ay hinanda ang sarili para sa sasalubungin.

Walang doorbell kaya sinadya dumiretso sa nakaawang na iyon. Mismo pagkapasok pagkatapos ng isang segundo ay may tumusok sa balikat ko, isang dart.

"Sshh! Bakit bigla ka na lang pumasok?!"

Tumingin ako sa kanan balikat, nakabaon ang maliit na talim at sumisirit ang sakit. Hinawakan ang dart at inalis kaya dumaloy ang masaganang pula mula roon.

Kinuha ang panyo sa bulsa at mabilis itinakip iyon ng madiin sa sugat para patigilin ang pagdugo. Tumingin ako sa dalawang lalake sa harapan, mga nakatitig sa akin. May napansin kahit ang pinapakita ay walang anuman awa.

Naglalaro sila at nasa likod ng pinto ang board ng dart.

May plano ako para sa kanila.

Ako na ang lumapit sa dalawa. "Pasensya po, sa susunod kakatok ako sa walang doorbell na pinto. Ako si Shinn Camero, ang kinuhang bodyguard ni Sir Ben Juaquin," sa kalmado at mabagal na pananalita.

"Huwag ka mag-sorry, aksidente ang nangyari," sabi ng isa. Nakatali ang medyo mahaba nitong buhok, si Aril.

"Nasa opisina si Sir Juaquin ayaw magpaistorbo, maghintay ka muna bago ka ipatawag," sabi naman ng isa, si Coco, ang pumunta noon sa tapat ng condo unit ko.

Naglakad ako sa isang tabi at tumingin tingin sa mga nakikita, kami lamang ang nasa unang palapag. Ang mga gamit ay maayos ang pagkasalansan at halatang mamahalin ang mga kasangkapan. Mahihiya ang isang katulad ko kung hindi sanay sa mga ganitong nakikita. Malaki at malawak ang living room, habang sa isang tabi ay pintuan, mahahalatang elevator. May hagdanan, mahaba at puti ang carpet, nakakahiyang tapakan.

"Shinn Lou Camero."

May lumabas mula sa elevator. Tumingin ako sa kanya ng diretso, si Ureo, ang hiniraman ko ng baril.

"Nasaan ang baril ko?"

Mabuti ng hindi magpanggap na hindi ko sila kilala. "Nasa condo ko, ibabalik ko na lang sa iyo."

Mabilis lumapit at umikot sa harapan. "Ganyan ba dapat ang ayos ng bodyguard?" Nasusuyang tumitig mula ulo hanggang paa.

Sa nakikita sa taong ito ay hindi naman, nagpapanggap lang.

Hindi ako nagbigay ng komento at napatingin sa bagong dating, si Jeron, isang IT. Kabilang sa sekretong grupo na pinatumba ng black diamond at napahiya sa publiko. Kahit nawala ang liwanag noon ay asintado pa rin ito bumaril at madali pang madaplisan si Caserine.

"Sa susunod ayusin mo ang pananamit, huwag ganyan at mapagkakamalan kang babae ni sir."

Hindi ko muli pinansin ang komento ng isa. Pinili pumunta sa isang upuan, doon umupo at nanatili habang hindi inaalis ang pagkakadiin ng panyo sa balikat at baka hindi pa tapos ang pagdurugo.

Ang Jeron ay kinausap ang iba. "May meeting tayo."

Sumunod ang mga naroroon at pumasok sa elevator, sinundan ko sila ng tingin at hindi man lamang nagtapon ng pansin.

Naghintay pa ng mga anim na minuto nang may mga asong nagsisitahulan, papalapit sa pwesto ito. Tatlong snow dog, galing sa may bandang pintuan sa dulo at papunta sa akin.

Maganda ang pag-welcome na ito.

Hindi ako gumalaw mula sa kinauupuan at hinayaan lumapit ang mga ito. Ang una ay parang sasakmalin pero hindi, tumigil habang nakapatong ang unahan na paa sa gilid ng sofa at inamoy ang parte ng sugat na inalisan ko ng takip. Tapos ay tumitig sa mga mata ko ang malaking aso at tumahol, saka gumalaw ang buntot. Parehas ang dalawa pa na umiikot sa pwestong ito.

BOOK 4 - Not TouchableWhere stories live. Discover now