CHAPTER 26 - A SIDE TRAP

12 3 2
                                    

SINABI KO ang katotohanan.

"Ang pwede tumapat sa grupong iyon ay parehas dumaan sa training katulad ng pinagdaanan nila, para maunawaan at mahulaan kung ano ang sunod nilang galaw."

Kay Ben ako nakatitig.

"Kagaya ng sinabi mo kanina, to predict their moves."

Mga natigilan at...

"Isa ka ba sa kanila?" Bulong ni Ureo.

Gusto ng matawa sa mga naghihintay sa sagot sa tanong.

"Nagbigay lang ako ng facts, hindi ibig sabihin isa na ako sa kanila. Anong malay ko kung anong klase ang training nila?"

Parang mga nakahinga ng maluwag. Nagkaroon pa ng maraming usapan doon sa mahinang bulungan habang nasa gitna ng pagkain.

Nang mapadaan ang hindi sadyang paningin kay Ben ay nahuling sa akin muli nakatitig. Sa walang boses ay gumalaw ang mga labi nito sa simpleng paraan.

I miss you.

Pumasok iyon sa kaibuturan ng puso.

Ibinalik ko ang pansin sa pagkain. Habang ang kalahati ng isip ay lumilipad sa maraming bagay at ang kalahati ay sa mga usapan ng mga katabi.

Pagkatapos kumain ay bumalik sa sasakyan. Nakiusap ako kay Coco na ito ang magmaneho, ang dahilan ay para makakuha ng idlip.

"Hindi ka nakatulog ng maayos kanina?"

"Baka may insomia na ako," ang dahilan ko.

Agad pumayag kahit hindi alam ng boss nito. Una pa akong pumasok sa loob at nagpwesto sa unahan sa tabi ng driver side ng itim na van. Habang si Basil ang driver. Pagkaandar ng sasakyan ay agad kong ipinikit ang mga mata, ang pagod at puyat ay nagparamdam kaya ang nais ay nakuha. Naalimpungatan nang tumigil ang van at sa ingay sa loob.

"Nandito na tayo."

Saglit inayos ang anyo bago sumunod lumabas. Ang lugar na ito ang una sana pupuntahan kanina, sa gahol na oras ay nauna ang isa bago dito. Ang lugar ng prosecution agency.

Mga atentibong nagsilabasan mula sa entrance ang sumalubong sa grupong ito. Nangunguna ang head prosecutor. Halatang ginagalang ang isang Ben Juaquin sa trabaho nito ngayon. Habang naglalakad papasok sa loob ay nagpapalitan sila ng mga salita.

Ang sarili ay nahuhuli sa lakad, nakasunod nang may inaantok pang kamalayan. Ang buong pasilidad ay napakalaki ang sakop, kaya ang destinasyon ay mukhang malayo at pasikot sikot. Hanggang dumating sa tinatawag nilang 'lift'. Sumakay doon ang grupong ito at bumaba ng isang palapag lamang. Ibig sabihin ay underground. Ang ilalim ay malawak, at ang tanging daan ay ang pinanggalingan, walang ibang exit ayon sa analisasyon ng mga nakikita. Sa gitna ay may dalawang pinto para sa dalawang napakalaking silid. Kita ang loob dahil salamin ang mga pader. Habang ang nasa labas ay mga kung anu anong gamit at monitor, itsurang laboratoryo.

Pinasok ang isang pinto at isang meeting room ang loob. Nagsi-upuan ang mga tao pero si Ben at ang head prosecutor ay nag-uusap ng masinsinan, nakaharap sa pader na salamin. Ang nasa kabila ng salamin ay ang kabilang silid. Walang kahit anong gamit ang nasa loob. Pulidong pader at walang makikitang pinto para makapasok sa loob.

Inilibot ko ang paningin sa mga natitigan.

Natural ang lahat, ano ang sinasabing unbreakable bars dito? Walang bars kung tutuusin.

"No outer source can access this place. Hackers are only facing dead ends even if they try to manipulate the outer system. The lines here are separate and independent in connection."

BOOK 4 - Not TouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon