CHAPTER 19 - EXPERT

1 0 0
                                    

INILABAS ko ang baril mula sa likod at mabilis lumabas sa quarters. Tumakbo papunta sa living area at naabutan doon ang anim. Ang tatlo ay sa set up ng rifle, habang ang dalawa ay nag-uusap sa tabi at ang isa ay cellphone ang inaatupag.

"Hide," sigaw ko sa kanila. Ginawang itinutok ko ang baril sa itaas ng hagdan.

Nagsitaguan ng kanya kanya ang mga ito.

"Nasaan si Sir Ben?" Tanong agad ni Basil.

Ang tinutukoy ay paparating mula sa pinanggalingan. Sa diretso nitong lakad ng walang cover ay natukoy ng sarili ang plano nitong gawin. Agad kong inunahan at naglakad sa harapan niya paitaas sa hagdan.

"Move, Shinn."

Pero hindi ko siya pinansin at naglakad papasalubong sa panganib. Pagkatuntong ng mga paa sa ikalawang palapag, at pagkatapos ng ilang hakbang ay sumalubong at nagpakita sa dulong pasilyo ang isang baril.

Mabilis ko iyon tinalikuran at walang alinlangan niyakap ang katawan ni Ben Juaquin paalis sa pwesto nito.

Sunod sunod ang putok sa tahimik na paraan habang ang mga pader ang sumasalo at nagsisiwasak. Sa gilid ng poste ng hagdan ang naging silong mula sa mga balang nakakamatay, nakasandal ang katawan ng pinoprotektahan habang hinintay ang timing mula sa mga putok na iyon.

Tumingin ako sa kaharap, nagtama ang paningin ko sa titig nitong... nabigla?

Inalis ko ang kanang kamay sa likod ng bewang niya at lumayo ng ilang sentimetro.

Kasunod narinig ang isang bukas na pagkakataon para lumusot. Tinalikuran ko ang kaharap at tumakbo sa pasilyong iyon. Kasabay lumabas ang taong nagtatago, nagulantang ito sa pagsalubong ko sa kanya ng walang ingay. Sa pagkalabit nito sa baril na hawak ay umilanlang ang tunog ng putok, hindi galing sa silencer kundi natakpan nang malakas na ingay ng totoong baril, mula sa sariling hawak.

Ang pagtumba nito sa harapan ang sunod na pangyayari.

Ilang segundo ang lumipas nang nasa likod ko na ang lahat.

"What the heck?!"

"Paano 'yan nakapasok dito?"

"Saan 'yan galing? Sa itaas?"

Nilapitan ko ang walang malay nitong katawan. Walang dugo mula sa tama ng baril sa katawan nito. Mabilis din lumapit si Ureo, kinuha ang baril at inalisan ng takip sa mukha. Nang bumulaga sa kanila ang mukhang iyon ay mga nabigla ang anim, paglingon ko sa kanila.

Dahil ang assassin ay isang kilala at sikat na assassin sa buong bansa, kinakatakutan at ayaw makatagpo ang landas nito kahit ang kapwa professional killers.

Binalewala ang napansin at yumukod saka kinuha ko mula sa tenga nito ang isang earpiece at inilagay sa sarili. Walang pasabi kinapa ko ang dibdib. Nang makapa ang inaasahan ay tumayo ako muli at binaril ang binti nito at ang braso.

Napasigaw sa bigla ang ilan.

Ang walang malay na lalake ay nagising. Kita sa mukha ang pagrehistro ng sakit.

"Buhay pa pala?" Walang ano man tanong ng nabiglang si Ureo.

"May suot siyang bulletproof. Nawalan lang siya ng malay," sabi ko. At hinarap ang lalakeng nakabulagta habang ang dugo ay malayang umaagos mula rito. Sinabi ko ang nais pero ang sa earpiece ang pakay, ang kasamahan pa nito. "Hey, kung gusto mo pa mabuhay pati itong kasama mo, pumunta ka dito ngayon at sumuko. Pero kung gusto mo ng mamatay, huwag ka gumalaw sa kinatatayuan mo ngayon... sniper," saka inapakan ko ang binting may tama.

Galit at hiyaw ang lumabas sa bibig ng kaharap. Matinding galit iyon kasabay ng sakit, halos magdugo ang ibabang labi nito dahil sa pagkakagat. Inalis ko ang paa sa sugat nito at itinutok ko sa kanya ang hawak na baril. Ang titig nito ay nakakamatay pero napalitan iyon dahil ang balik ko sa kanya ay nagbigay ng takot sa pagkatao mismo nito.

BOOK 4 - Not TouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon