CHAPTER 30 - ONE MISSION

99 8 2
                                    

SECOND DAY, Sunday

Three days before the meeting.

Inalis ng lahat ang kanilang suot na maskara.

"May meeting pa lang tayo noong Friday, meeting again?"

"Murmuring, Jade?"

"No Georgina, that's the way of opening our conversation."

"It seems that it doesn't."

"Who cares? And do not interrupt me."

"Why? You don't love me?"

Lahat kami ay napatingin kay Georgina, kakaiba kasi ang sinabi. Mula noon ay palagi nagbabanggaan ang dalawa at ngayon ay magtatanong ng ganyan. Si Jade ay umatras yata ang dila.

Tumawa si Denise. "That's a good and inspiring question, George!"

"I agree," si Acelus naman.

"Ang ganyan palitan ng salita ay mukhang magbestfriend," sabi ni Trina.

"Para sa akin ay talagang best of friends sila," ang tahimik na si Hasmina ay nagsalita, "kasi they are mindful for each other."

Nagkaroon ng malaking tawanan sa paligid at tahimik lamang ang dalawa habang walang emosyon ang mga mukha.

"Enough."

Tumigil ang lahat sa boses ni Sapphire, lalo ang malakas na tunog galing sa pagpatong nito ng baso sa lamesa ng may laman pang pure chocolate drink.

Nakangiti, at muling uminom sa baso. "Actually, I agree."

Nagkatawanan ulit doon dahil sa pagsama ni Sapphire sa biruan.

Akala kung ano na.

Naputol ang biruan dahil sa pagpasok sa meeting room ni Lu Won.

"Oi liit, bakit ka nandito?" Tanong ni Gerari pero pabiro lang, hindi kagaya ng dati na napakataray at daig pa ang babae.

Binigyan ko ng sulyap ang dahilan, si Jillian. Mukhang ayos na ang dalawa.

"Sabi pumunta ako dito. At FYI Kuya Era, hindi na ako maliit, can't you see I'm a bit taller than yesterday?" Nakapameywang pa sa harapan.

Tumayo si Sapphire at pumunta sa likod ni Lu Won. May nilabas na tape measure na palaging tago yata nito saan man magpunta.

"Five feet, two inches, and one centimeter. It is the same as yesterday, Won won."

"Kainis ka ate!"

"Sino nagpapunta sa'yo dito?" Tanong ni Froiland.

"That is a top secret," mataray ang sagot.

"Kung bigyan kita nito sasabihin mo?" May nilabas ang lalake, isang napakalaking chocolate bar.

Namilog ang mga mata ng dalagita pero agad din binawi. "May nagbigay na sa akin at tatlo pa kaya, still a top secret!"

Ako ang nagbigay ng chocolates, mabuti ng handa kaya ginawang tatlo.

"Wow. Interesting!" Mula kay Acelus. Nag-uumpisa na naman ito sa pasimpleng pagbabasa sa mga mukha ng tao.

"May pagbabago bang mangyayari o may karagdagan sa mga gawain natin?" Tanong ni Rei Chu habang nakapangalumbaba sa lamesa.

"Mayroon," sagot ni Frances.

"Let's talk about it," pag-uumpisa ni Sapphire. "Delay the gangster thing, Wayne, Cleofford."

"Why? All is prepared."

"We will prepare for something, an important mission. It will be done on Wednesday."

Lahat ay natahimik, dahil unang beses may na-cancel na mission. Kadalasan ay binibigay sa Finisher para tapusin.

BOOK 4 - Not TouchableWhere stories live. Discover now