CHAPTER 21 - BE IN MY ROOM

1 0 0
                                    

ANG pumunta sa kwarto nito mamaya?

"I will not," lumabas na lamang sa bibig.

"Why not?"

Gusto ba niya lumagpas kami sa linya? "I don't like what you are thinking," direkta ko na.

"If kissing is what you mean, it is not. Rest assured, I regret what happened. I want to talk about some matter privately just the two of us."

Regret?

Mas lalong napaawang ang mga labi. Sari saring pakiramdam ang namuo sa loob. May sasabihin pa sana nang lumapit ang commander ng pulisya at ang ilang bodyguard para umpisahan ang sunod pang plano.

Naramdaman ang vibration ng cellphone. Kinuha iyon at sinilip ang mensahe. Napatitig sa screen sa mga nababasa ngayon, mula sa destroyer, kay Wayne.

All the targets are down. It's free and safe to enter the premises.

May smiley pa sa dulo.

Tinawagan ko siya, agad nagbukas ang linya namin dalawa. "Gawa mo?"

"Yes, utos ni Sapphire," sa inaantok nitong boses.

"Nasaan ka na ngayon?" Tanong ko pa. Ang may gawa ng kaguluhan sa loob.

"Pauwi na. May papabagsakin pa akong kompanya mamaya, kailangan ko muna matulog," sa pabirong sabi.

O baka totoo. "I wish you luck," gatong ko sa sinabi. "Salamat."

"Welcome."

Pagkatigil ng tawag ay agad akong sumunod sa grupong pinapasok ang bakuran. Mabilis akong nakapunta sa likod ni Ben. Ang mga kasamahan ay sobrang ingat at lahat nakayuko at palingon lingon, maliban sa boss dahil natural itong naglalakad na parang walang kalaban sa paligd. Ginaya ko ang paraan nito. Nanlalaki ang mga mata ng anim ng dumaan kami sa tabi nila sa pagkakasilong sa ilalim ng veranda ng second floor. Samantalang si Ben at ako ay naglalakad ng normal.

Kasabay ng nagsasalita sa megaphone ay ang tangka at pwersahang pagpasok sa mansion. Binuksan ang pinto ng mga nauunang pulisya, at pagpasok nila sa loob.

Agad ipinaalam ang mga nakikita nila.

Katulad ng sinabi ni Wayne, pagkatapos kumalat ang liwanag sa buong kabahayan ay nabungaran mga nakabulagta ang mga tao sa loob, ang mga tauhan ng target. Sumunod ako sa boss ng pinasok din nito ang loob at iniikot ang paningin sa paraang nagsasaliksik kung ano ang sanhi ng mga naabutan. Ganoon din ang lahat.

Sa living room ng second floor ay natagpuan ang isang taong nakasabit patiwarik. Walang malay at ang isang paa ay nakatali, iyon ang nakabigti pabaliktad. Natukoy ang taong iyon bilang si Nikola.

Walang awa ang paraan ni Wayne.

Sa kabila ng mga naabutan, ang titig ni Ben Juaquin para sa taong iyon ay mahirap arukin ang pagkamuhi. Halata mula sa mga mata nito kahit nakatayo lamang at nakamasid habang ibinababa ang salarin.

Habang ang mga kasama ay inalam ang sanhi at ang bunga kung bakit ganito ang naabutan kompara kanina nakahanda ang target lumaban ng patayan. Walang nakuhang ebidensya kung paano. Kahit ng gisingin ang ilan sa mga tauhang bumagsak ay iisa ang mga sinabi. Sa pagdilim ng paligid, nagkaroon ng kaguluhan sa paraang hindi matukoy kung saan nanggagaling at isa isa silang nagsitumbahan ng mabilis at hindi alam ang nangyari kasunod.

Nangyari ang lahat sa loob ng isang minuto lamang, ayon sa kalkulasyon nila. Pero sa mga nakita kanina ay nasa tatlumpung segundo iyon.

"Black Diamond," bulong ni Ben.

Tapos ay lumingon sa akin.

Blanko ang ekspresyon nito. "Once the lights are out, they will move to destroy. They leave no evidence... it's them."

BOOK 4 - Not TouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon