CHAPTER 14 - THE PURPOSE BEHIND

9 2 2
                                    

ANG pinakamagaling sa kanila sa pisikal na labanan ay napatumba ko ng wala pang limang segundo.

Umatras ang sariling mga paa nang lumapit ang apat at nagsipuntahan sa kasamahan nila. Habang si Basil ay tumabi kay Ben Juaquin bilang proteksyon nito.

Mula sa akin.

Tumunog ang cellphone. Naalala ang sinabi ng boss tungkol sa pagtanggap ng tawag mula sa labas pero ngayon ay hindi ko susundin. Kaya pinili umalis sa arena at pumunta sa isang tabi malayo sa pandinig nila. Tinanggap ang tawag mula kay Sapphire.

"Why show to them?"

Ang ibig sabihin ay ang galaw na hindi nakikita. "Wala akong choice," sa napakahina kong boses.

"Why Shinn?" Tanong pa muli.

"Dahil napag-aralan na nila ang bawat galaw na inilabas natin sa publiko. Ang galaw mo ay isa sa hindi pa nila nalalaman, kaya iyon ang ginamit ko," paliwanag ko sa totoong dahilan.

"Well stated. I understand."

Naputol ang linya at bumalik ako sa kanila.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Tanong ni Aril, hindi malaman kung may galit o cautious sa nangyari.

Ang magaling sa observation at calculation ay questionable ngayon. Sinabi ang simpleng naisip, "Pinatulog."

"Bakit hindi siya magising?" Tanong din ni Coco.

Nilapitan ang nakahigang si Ureo at inilagay ang kaliwang palad sa dibdib. Isang mapwersang diin ang ginawa at agad bumukas ang talukap ng mga mata nito, sunod ay ang biglang tayo sa anyong naghahanap ng kalaban at parang walang nangyari pa lamang.

"Anong nangyari?!" Walang muwang nitong tanong nang mabasa ang sitwasyon.

Tinalikuran ko sila at bumaba ng boxing ring. Nahuli ang paningin ni Ben dumaan sa kamay ko.

Habang ang nasa likod ay nagbubulungan.

Sa paglipat ng paningin nito sa akin ay sinalubong ko iyon. Lumapit pa ito at tumayo sa harapan ko. Sa nakatingala kong mukha ay hindi nagpatalo sa balikan ng titig.

Hanggang sa nagsalita, "Basil, it's your turn."

Tumigil ang bulungan sa likod.

"If you defeat him, be my bodyguard at the party later."

Para sa akin ang sinabi pa lamang.

Walang imik bumalik ako sa itaas. Hindi pinansin ang mga mukhang puno ng alinlangan ng iba, at ang galit at confusion mula kay Ureo. Nagsi-alisan ang mga ito at naiwan sa harapan ang tinawag kanina.

Ang kakaharapin ngayon ay kaparehas ng abilidad, ang magaling magbigay ng proteksyon.

Pagkatunog ng pito ay walang sugod ang nangyari hindi kagaya ng una, ang natural sa pagitan bilang protector. Kaya, ang itinago ko sa kanila kanina, sa kanilang paningin ay inilabas ngayon. Ipinakita ang mga mata ng isang katulad ko sa harap ng labanan. Saka humakbang ng isa papalapit, ipinakita ang kahandaan ng muscles sa braso.

Pagkabigla at hindi makagalaw na Basil ang nasa harapan ngayon. Napalitan agad ng takot iyon dahil pagkatapos ng isa pang hakbang ay sumugod ang katawang ito sa target.

Sa isang kisap mata napunta ang kamao ko sa mukha niya nang hindi napaghandaan. Bumaling sa ibang direksyon ang mukha nito sa lakas ng impact. At isang malakas na pagtuhod sa tiyan na ikinaatras at tumama ang likod sa mga tali. Sa pagsugod muli, isang sipa ang ibinigay sa mukha nito at tuluyang natumba sa lapag. Parehas din ay nawalan ng malay.

Ito ang galaw ng isang Baru Dex Frix. Katulad ng isang halimaw na walang inaatrasan at walang bigayan ng pagkakataon para makabawi.

Muling inagapan ng iba ang taong nakabulagta. Habang si Ureo ay nakatulala at hindi makagalaw sa pwesto nito.

BOOK 4 - Not TouchableWhere stories live. Discover now