CHAPTER 31 - ALL WAS SET

1 0 0
                                    

MABILIS PA sa alas kwatro ang pagtayo ni Froiland, daig pa ang nakidlatan. Nagmamadali nga talaga para sa isang meeting.

Umalis ang karamihan, ang natira lamang ay sina Sapphire, Frances at Acelus.

"Shinn, kanina ka pa tahimik," puna ni Acelus.

"At kanina ka pa inspired."

"Obvious ba?"

Tumango ako.

Pagkaalis naman ni Acelus ay nilapitan ako ni Frances.

"Shinn, may naisip ka bang back up kung hindi mabisa ang mukhang ipapakita ni Lu?"

"Ako mismo ang back up," sabi ko at napangiti sa naisip.

Tumaas ang gilid ng labi ni Frances ng makuha ang ibig sabihin. "About the autograph I requested, huwag mo kalimutan."

"Bakit?" Tanong ko na.

"I'm a fan of Society." Pero parang may ibang layunin ito. "After the autograph, Sapphire wants to meet him, is it? To kill him?"

Napadako ang paningin sa taong nagsalita ng ganoon, may sinusubo itong bilog na white chocolate.

"I take it back." Nagawa pang magsalita sa punong bibig. "She will be mad at me."

Ako ang tinutukoy.

"Salamat ate," sabi ko.

FOURTH NIGHT, Tuesday

The day before the meeting.

Patuloy ko siya pinagmamasdan habang natutulog. Kagaya ng nakaraang gabi ay nandito ako muli. Sumalisi ng ilang oras ng maghating gabi at bumalik ngayon ng madaling araw. Habang ngayon ay nakatayo lamang ang sarili malapit sa higaan.

Kagaya ng nakalipas ay may bumabagabag ulit sa pagtulog nito ng mahimbing at medyo pawisan ang katawan. Ganoon din ay tinatawag ang pangalan na 'Quin'. Kahit ang sarili ay hindi mapakali at ninanais bigyan ito ng yakap para tumahan at makatulog ng maayos.

Bago pa man mahawakan ng tuluyan ay nagising. Pagkakita sa akin ay bahagya muna inaninag kung sino ako at mabilis tumayo. Napatingala ako sa kanya ng tumigil sa harapan ko.

"Shinn?" Anas nito.

Inalis ko ang maskarang nakakabit sa mukha. Pagkaalis ay agad hinawakan ang magkabila kong balikat at nagtangka humalik sa labi.

Ibinaling ko ang mukha sa ibang direksyon at bahagyang tumama ang labi nito sa pisngi.

"Remove your cover bago mo ako halikan."

Matagal sa ganitong ayos bago gumalaw at inalis ang nakadikit sa mukha nito. Muli ay napatitig ako sa totoong mukha ni Erasmus Gray.

Napakagandang mukha. Makinis ang pisngi, katamtaman ang laki ng panga at bumagay ang sukat ng ilong at labi sa kabuuan ng bawat parte. Mayroon din mga matang nangungusap, kulay-abuhin at parang marami ang sinasabi kapag inilalabas ang damdamin.

Ramdam ngayon ang lakas ng tibok ng puso habang nakatitig sa mukhang napakalapit. Nang inilapit nito ang mukha ay tinanggap ko iyon at idinikit ang mga labing noon pa man ay ako na ang unang nakahalik. Ang sariling katawan ay umangat, itinaas ko ang dalawang braso at niyakap iyon sa leeg niya. Ang likod ay dumampi sa higaan at doon ay dinaganan ng katawan nito habang patuloy humahalik. Masyadong mapusok ang ginagawa at minsan ay marahan at parang nang-aakit. Ang balik na yakap sa akin ay mahigpit na parang ayaw pakawalan. Kakaibang pakiramdam sa katawan at damdamin ang nararamdaman ngayon.

Sa paglipas ng mga segundo ay patuloy ito sa paghalik at mabagal ginagantihan iyon. Sa natitirang maayos na katinuan ay pinigilan ang nangyayari, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinatigil. "Erasmus," tawag ko sa kanya sa gitna ng kadiliman.

BOOK 4 - Not TouchableWhere stories live. Discover now