CHAPTER 12 - A CALM MIND

134 7 2
                                    

BIGLA tumaas ang tensyon. Gumalaw ang anim at nagsilabasan ng kanya-kanyang baril at nakatutok sa akin agad ang bawat dulo ng mga iyon.

"You?!"

Walang duda, may hinala nga sila sa akin. Nahuli ko tuloy.

Maayos ang disguises ang suot noong panahong iyon nang kinuha ang black diamond. Kahit ang kulay sa katawan ay dumaan sa 'tanning' para takpan ang mapuputing balat.

Malaki ang makikitang pagkakaiba ng mga taong iyon sa itsura ko ngayon pero sa simpleng sinabi ay dapat hindi sila ganito gagalaw maliban nga ay may hinala sila sa akin.

Si Ben ay hindi man lamang natinag mula sa kinauupuan kahit nasa likod niya ako. A wise move from him.

Isang gawain ito ni Sophia na natutunan gawin, ang maging unpredictable pero kontrolado ang sitwasyon. Hindi ako nagpakita ng ngiti sa kanila pero ngayon ay iba ang balak, iyon ay ang tumawa. Kaya ginawa ko iyon. Tumawa ako ng nakakatuwa at halos naluluha na.

"Pasensya.... Biro lang iyon." Pinigilan pero mahirap pala kapag naumpisahan. "Pasensya... talaga."

Kung lalake siguro ako ay baka nabugbog na sa klase ng mga mukha ng kaharap, halatang mga napikon at mukhang susugod pero hindi ginawa.

"Hindi ka dapat magbiro sa mga ganitong pagkakataon o sa lahat ng bagay na alam mong hindi dapat, Camero," sagot ni Basil.

"Para mo nang sinabing may bomba sa paligid," galit na sabi ni Jeron.

"Hindi magandang biro 'yan," ani ni Coco.

Hindi ko sila binigyan ng pansin at lumapit ako sa monitor sa seryosong mukha. Saka tinuro ang sasabihin.

"Daig pa nila ang mga hayop sa bilis, ang bawat galaw ay may patutunguhan, katulad sa tubig ay may dinadaluyan. At ito, parang inaasahan ang mangyayari kaya marami ang nag-alinlangan kung ano ang gagawin sa mga katangian na iyan at baka buhay nila ang kapalit kung magkamali. Imbes nasukol na nila ang isang ito... at takpan ang butas ng daluyan..." Itinuro si Sophia. "Ay hindi, dahil mas naabala sila sa paghahanap kung saan galing ang karayom na nagbigay ng butas para makadaloy ang tubig." Ni-rewind ang iba pa. "Kaya tuluyan ng nakalabas ang lahat ng tubig at walang natira sa loob, nagresulta tuloy ng hindi inaasahan pero inaasahan talaga mangyayari dahil nga sa kalituhan nila."

Nang lumingon ako sa kanila ay nakamaang sa akin maliban kay Ben Juaquin. Hindi sa akin nakatitig kundi sa video.

"An unexpected from you," sabi nito at tumayo mula sa kinauupuan. "That's all for that one."

Unang naglakad palabas at agad akong nakasunod sa likod nito.

Ganoon din ang mga nahimasmasan na anim.

AS EXPECTED from her.

A calm mind behind the calm face.

The reason why we are here even though I have already studied the auction case is that first, to know the face of the unknown.

And now, I have concluded when looking secretly at her face. Those 'blacks' have a calm mind even in a tight spot just like Camero. Second, the expression on their face especially the eyes.

A possibility of being the same with her.

An easy work plan.

PAGKATAPOS mawala ang liwanag ay nakauwi pabalik sa mansion.

Ilag, masasama ang mga tingin at rude magsalita sa akin ang anim na lalake. Malalakas ang pakiramdam na ayaw malinlang ulit lalo pa at nakikita pa rin sa mukha hindi pa napapalipas ang nangyari kanina. Simple lang iyon pero nadaanan yata ang mga ego ng isang babaeng katulad ko.

BOOK 4 - Not TouchableDove le storie prendono vita. Scoprilo ora