CHAPTER 18 - TRUTH REVEALED

115 4 0
                                    

UNTI UNTING sumilay ang liwanag mula sa labas. Nasisilayan iyon habang nakatitig sa bintana ng salamin na hindi natatakpan ng kurtina. Ang katahimikan ng buong kwarto ay nakakabingi sa pandinig pero nakatulong iyon para makapag-isip ng malalim. Ang tulog ay hindi dumalaw kahit pilitin tanggapin, sa madaling salita ay hindi sumasang-ayon ang katawan sa pagod.

Ang mabigat na pakiramdam at mga mata ay walang balak gawin sagabal para sa araw na ito.

Ibinalik ang paningin sa kanina pa tinititigan, sa taong nahihimbing ang tulog ngayon. Nakatulog ito sa malaking higaan habang nagbabasa sa maliit nitong hawak na libro. Siguro ay mahalaga iyan sa kanya dahil iyon lang ang bitbit nito dahil ni cellphone ay wala.

Nang bahagyang naalimpungatan ay umalis ako sa pwesto at pumunta sa living area, dito ay naghintay sa mga susunod na mangyayari.

Hindi katagalan ay nagpakita si Ben Juaquin. Ang kaanyuan ay katulad ng unang tagpo dito, sa Terracotta at mismong sa bahay nito.

Tumayo ako sa kinauupuan at pormal naghintay ito ang unang magsalita, habang ang paningin ay nasa sahig.

"Let's go to my house."

Bahagya akong tumango at sumunod sa nilakaran nito papalabas. Ang bawat hakbang sa isa't isa ay walang ingay. Muling naalala ang usapan tungkol doon. Napansin parehas ng dumadaloy sa isipan ngayon ang naiisip ng sinusundan, dahil bahagya itong lumingon.

Inalis ko ang mga dumaan na alaala.

Habang sa loob ng elevator pababa ay nagsalita ito muli, "Let's forget what happen between us in this hotel," sa walang emosyon tinig nito.

"Sure, sir," sang-ayon ko.

"And have a one-meter apart from me... from now on."

Bumaling ang ulo ko sa direksyon papunta sa boss. "One step from me is the surest way to protect you, sir."

Humawi ang pinto sa harapan.

"Then, if you do not agree, we have a problem."

Una itong lumabas. Napasunod ako agad sa kanya pero muli lamang tumigil dahil sa lapit ko kagaya ng dati.

"I said, one meter apart." Sa masamang tingin at nakakamatay nitong banta ng tono.

Umatras ako ng isang hakbang. Sumunod ng walang reaksyon at ano pa man nais sabihin dahil mas mahalaga ngayon ay ang tungkulin. Dalawang hakbang ang layo ng pagitan habang naglalakad sa lobby area. Sa pagpunta sa counter ay isinuli ang susi at kinuha ang identification. Ganoon rin habang naglalakad palabas, naka-ayon ang distansya sa bawat isa. Sa pagpasok sa sasakyan ay pinili nitong umupo sa likurang bahagi habang ako ang driver.

Walang imik sa buong biyahe at sa pagdiretso ng uwi sa mansion. Nasa malayo ang paningin nito at halos hindi kumukurap, marahil ay hindi maarok sa lalim ang nasa isipan.

Dumaan muna sa katabing opisina mula sa entrance ng subdivision, doon ay naabutan naghihintay ang anim pang bodyguard.

"Nagawa na nilang icheck ang bahay, sir, walang bakas may pumunta doon pagkaalis natin kahapon. Walang ibang outsider ang pumasok sa lugar na ito ayon sa record nila," ang salubong ni Coco. Ang tinutukoy ay ang seguridad ng pribadong subdivision.

"Nagrenta kami ng panibagong sasakyan at iniwan sa isang mapagkakatiwalaan ang luma," ang sabi naman ni Yueri.

Patuloy ang pag-uusap nila habang pinagmamasdan ko ang paligid. Ayon sa suot na contact lenses ay walang threat o deadly weapon ang nakatutok dito mula sa ilang kilometrong naabot ng paningin.

Nang nagsigalawan sila ay nasa likod agad ako mismo ng boss hanggang makapasok sa sasakyan. Mabilis pinasibad ang volvo sa loob ng subdivision.

Sa pagtigil sa harap ng mansion ay inilibot ang paningin. Ganoon din ang mga kalapit pang kabahayan sa dakong ito. Saka tumingin sa boss na nasa malayo pa rin ang tanaw.

BOOK 4 - Not TouchableWhere stories live. Discover now