CHAPTER 33 - USELESS THING

116 8 0
                                    

SIXTH DAY, BREAKING DAWN

Sa loob ng meeting room ng Sanctuary.

"We are complete."

Pagkasabi ni Sapphire ay lahat tinanggal ang mga maskara.

"Meeting again?" Bungad ni Jade bilang umpisa ng usapan.

Pero walang Georgina ang sumabad. Tahimik sa kinauupuan at mukhang may malalim na iniisip.

"Hey Georgie, are you here?" Pukaw dito.

"Masama ba tumahimik minsan ang tao at hindi ka pansinin?" Pagtataray ng sinabihan.

"I thought you are an impostor." Huminga pa ng malalim.

"Nonsense," sa iritadong boses.

Umilaw ang projector at pinakita ang isang silid. Nakaupo sa sahig ang isang Ben Juaquin, nakatingala sa kisame nang may malalim na iniisip.

"Makukuha ko na ang autograph personally," sabi ni Frances.

Napatingin ako sa kanya.

"Nakalimutan mo, Shinn."

"Sasabihin mo na ba Fire ang dahilan kung bakit nangyayari ito?" Tanong ni Denise.

Nakuha ang punto kung bakit every other day ang nagiging meeting ngayon at kasama ang lahat. Hindi muna pinapaalam sa lahat ang totoong dahilan, pero ngayon ay kailangan ng sabihin para mas malinawan at para sa pag-uumpisa ng totoong buhay mayroon ako.

"Yes."

Nag-umpisa alisin ni Sapphire ang pekeng mukha. Nagsimula sa buhok at pinakita ang totoong kulay. Sunod ay ang balat sa mukha at lumabas ang napakagandang itsura nito.

"I am going to face Erasmus. Follow me, Shinn."

Lumabas ito at nakasunod si Exher James.

"Oo? Pero umalis?" Tanong ni Caserine.

Inumpisahan ko na rin alisin ang balat na nakadikit sa sariling mukha.

"Shinn?"

Ang kaharap kong si Cleofford ang unang nakapansin at lahat na nakatingin sa akin.

"Is this a show?" Hindi makapaniwalang sabi ni Gerari.

"You are a fake?" Tulalang sambit ni Jade.

"What are you doing?" Singit ni Caserine.

Naalis ko ang takip at binaba iyon sa lamesa. Hinawakan agad ni Wayne ang pisngi ko at hinimas ng bahagya.

"Ito ang totoo kong mukha," umpisa ko.

Nakatingin lahat at hindi mawari ang pagkagulat sa kanila.

"Pasensya kung tinago namin ni Saphhire."

Tawa ni Acelus ang umilanlang sa saglit na katahimikan. "Tama talaga ako."

"Anong tama ka?" Tanong ni Denise na hindi kumukurap ang titig.

"Tama ako na may tinatago si Shinn."

"Hindi ka ba impostor, Shinn?" Si Jade, parang wala sa sariling tanong.

"Hindi, pero maganda ba ako?" Tanong ko.

Dahil hindi nila inaalis ang titig sa akin at kahit si Cleofford at Baru ay bahagya pang nakaawang ang mga bibig.

"You are so beautiful," galing kay Sophia, "more beautiful."

"Salamat," sabi ko. "Kapatid ko si Sapphire at parehas kami hinahanap ng Society. Sa inyo ko unang pinakita ang mukhang ito bilang pasasalamat at pagpapakita na nagtitiwala ako sa inyong lahat kagaya ng tiwala ng Ate Sapphire sa inyo."

BOOK 4 - Not TouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon