CHAPTER 3 - SMALL REVELATION

235 9 0
                                    

PRESENT TIME

THE NIGHT after the so-called timing mission.

"Others are already suspicious."

"Alam ko."

"You are not careful."

"Magagaling ang senses nila." Kibit balikat inalis paunti unti ang mga kasuotan kahit may ibang tao sa sariling silid.

"What do you think they have noticed?"

"Bahala sila." Balewalang humiga sa kama sa konting saplot.

Hindi malinaw ang detalye ng makikita sa katawan dahil sa malamlam na liwanag galing sa lampshade sa tabi ng higaan.

"What is your plan?"

"Himala... natanong mo?"

"Is it bad?"

"Hindi naman, kakaiba lang o ngayon ko lang narinig sa iyo ang ganyan tanong... para sa akin." Saka ko kinuha ang malaking stuff toy at niyakap iyon.

"You are mature enough and I know you can do it."

Hinila nito ang kumot at pinatong sa katawan ko.

"Pero parang bata pa rin ang turing mo sa akin," sabi ko.

"You do not want it?"

"Gusto ko, at gusto ko palagi ka nasa tabi ko," matapat kong sabi.

"Not all the time."

"Dahil may asawa ka na?"

"It is because of the result of your decisions."

"Malalim."

"I know you know what I mean."

"Paano mo alam?" Nakangiti ako sa kanya.

"Because you are good and smart."

Mas lalo akong napangiti. "Para sa akin ay ikaw ang best sa lahat."

Natahimik ito bigla, hindi masyado maaninag ang mukha dahil lumingon sa parte ng madilim.

"Ate?"

"There is someone around."

"Malapit, malayo?"

"Outside of your doorstep." May kinuha sa bag at nilabas ang laptop. Ilang segundo pa nang ngumiti sa tinititigan. "It looks like he is searching you."

Walang imik akong tumayo sa pagkakahiga at lumapit sa likod nito. Sa monitor ay nakikita ang hallway ng floor na ito kung saan ang room ng condo unit. Malapit mismo sa pinto ay nakatayo ang lalake sa paraang nagmamasid.

Isa sa bodyguard ni Ben Juaquin. "Kukunin kaya ako bilang bodyguard?"

"Acel says you got his attention, it's possible."

"Nice." Saka bumalik ulit sa pagkakahiga at nagkumot. "Matutulog na ako."

Iniwan ang ginagawa at mabilis nawala sa paningin. Bumalik agad at may dala ng isang malaking baso ng maputing likido.

Tinanggap ko iyon. "Salamat." Tapos ay nilalagok ng diretso ang gatas. Nang matapos ay ibinalik sa lagayan habang nagpupunas ng bibig.

"Goodnight, Lou," bilang paalam nito.

"Goodnight ate."

Pinikit ko ang mga mata, sa paraan yaon ay maipakitang matutulog na talaga ako. Naghintay pa ng ilang minuto bago nasabing umalis na ito sa condo.

Tumayo muli at nagbihis ng isang lumang damit, kulay itim na kupasing tshirt at maong na short na tinabasan sa bandang tuhod. Nagsuot ng manipis na tsinelas at mahahalatang pudpod na. Bumagay sa mga paa na wala ni ano man koloreteng pampaganda. Nilagyan ng magulong wig ang tunay na buhok, kulay itim na kasing itim ng mga matang walang buhay. Hinayaan walang contact lenses o harang. Pinatungan ng ibang mukha ang pisngi para takpan ang mukhang pinapakita sa lahat ng tao.

BOOK 4 - Not TouchableWhere stories live. Discover now