CHAPTER 7 - NO HESITATION

133 8 0
                                    

KINUHA ko ang pansin nila.

Tumaas ang presyon sa kakarampot na lugar na ito dahil sa pagkasa ko ng baril, ang nahiram kanina. Rinig sa bawat sulok at ang feedback ng pader. "Anim ang may baril sa harapan, isa lang ang hawak ko, lima naman sa kabila," mahinahon kong sabi at alam naririnig ng lahat.

Kung isa lang ang hawak ay hindi sapat, kaya nilabas ang baril na itinago kanina.

Sa akin na sila nakatingin at ako naman ay nakatitig sa lalakeng may hikaw at ganoon din siya sa akin.

Lalo pa napangisi nang makita sa likod ang pakay nila. "Ikaw ang dahilan kung bakit puro palpak ang trabaho ko, tumagal pa ng dalawang linggo."

Tukoy nito sa akin.

"Malaki ang kabayaran sa pag-abala mo sa oras ko, babae."

Walang kurap akong nakatitig sa kanya, dahil pinipigilan ilabas ang mga matang mayroon kapag sa ganitong bagay.

"Pero ngayon..." Tumawa muna ito. "Mamamatay kayo pareho."

Sa mabilis na segundo pagkatapos ng huling sinabi ay siya ang una kong binaril, mabilis sa isang kisap mata. Sa dibdib ang bala tumama katabi ng puso.

Nagsidapaan ang lahat ng katabi sa parteng ito para umiwas sa mga balang papunta sa amin samantalang nagpatuloy ako sa mabilis na pamamaraan ng walang alinlangan at sinisiguradong natatamaan sila ng isang beses at bumabagsak.

Ang mga bodyguard ng Ben ay parehas ang ginagawa.

Makalipas ang tatlong segundo, natapos ang lima pa at malinaw sa paningin ang pagbagsak nila.

Tumigil ang saglit na putukan. Pagtingin ko sa mga kasama ay walang natamaan pero may isang nakatayo at nakatitig sa akin. Sinalubong ko ng titig din, ang mga matang natatakpan ng salamin, si Ben Juaquin, ang pinaka-target ng misyon na ito.

Dahil sa repleksyon ng salamin at sa liwanag ng bulb light ay naging harang iyon para hindi mabasa kung ano ang dahilan ng titig. Gustong makita kung may takot o ano ang emosyon para makilala kung anong klaseng tao ito.

Samantala ang mga proteksyon niya ay lahat nagsidapaan pero ang matandang lalake ay malaya nakatayo at nakapamulsa ang dalawang kamay habang nakaharap sa mga kalaban pero ang paningin ay nasa akin.

Inalis agad ang mga mata sa taong ito at humarap sa boss na nakatingin sa mga nakabulagta sa harapan. "Pwede na po tayo umalis dito," sabi ko.

Tumayo ito at sumunod, habang patuloy pinagmamasdan ang mga tao doon. Nauna akong naglakad at iniwasan apakan ang mga duguan na katawan.

"Acel, get out of that place also, France is waiting for you at the lobby."

Patuloy kami sa paglakad paalis sa lugar na iyon at tanging ang hagdan ang dinaanan pababa. May mga pulis na sa lobby at nagsisipuntahan sa itaas ang ilan at napuno ng security team ang bawat palapag. Pinatigil kami at iniwas ang sarili nang mahahawakan sana ng isang kamay ang balikat ko ng pulis.

"Wala po muna pinapalabas ngayon, doon muna kayo sa gilid at may mga proteksyon kayo doon," sabi nito.

May mga signal akong narinig, nakita na siguro ang mga duguan sa itaas. Ang grupo ni Ben Juaquin ay lumabas ng elevator at kagaya namin ay pinapunta rin sila sa isang pwesto.

May dumaan sa harapan ko at tumigil pero hindi tumingin sa akin. Hindi ko man lang napansin ang presensya ni Frances.

Dumating na rin ang isa.

"Acelus!" Tawag ni Frances.

Isa rin itong great drama awardee, kahit napakatahimik na tao at walang buhay ang mukha ay kaya magpanggap sa ganitong sitwasyon.

BOOK 4 - Not TouchableWhere stories live. Discover now