CHAPTER 5 - SET UP

127 9 0
                                    

DURING THE 'TIMING' MISSION

NAG-UNAT ng mga paa at kamay para maganda ang daloy ng dugo sa katawan, inahanda ang sarili sa labanan mamaya. Malapit na ang oras.

Mukhang hindi pa yata aabot.

Ang plano ay magaganap sa Terracotta Arts Building. Thirty minutes na lang ang natitira at fifteen minutes pa ang biyahe papunta doon. Ayon sa setup ay pupunta doon ang grupo ni Ben Juaquin at isa lang ito sa magiging oras para makakuha ng pagkakataon at magawa ang ayon sa plano, ang mapansin ng taong iyon at makapasok ako bilang bodyguard.

Sa kompanyang pag-aari ng employer, ginawang maghintay sa lobby at pasimple pinapanood sa cellphone ang nangyayari sa paligid ni Mr. Panko. Sa pamamagitan ng hacking ay nakapasok sa security videos sa lugar na ito. Ayon sa nakikita ay nasa loob pa ito ng conference room kasama ang mga kasosyo. Parang hindi nanganganib ang buhay at palagay sa pakikipag-usap. Ilang segundo pa nang matapos, paisa-isa nagsisilabasan ang executives mula sa loob at pumasok ang ilang bodyguard. Nagkalat naman sa labas ang grupo ni Neil para subaybayan ang mga pinaghihinalaan na kaaway ng binabantayan.

Mabilis akong pumunta sa elevator para makapunta ika-nineteenth floor kung saan naroon ang pakay. Walang hirap nilagpasan at hindi mapansin ng ibang bodyguard sa floor na ito, marahil dahil sa damit ay pang-bodyguard din.

Nasa harap ng conference door si Neil at napansin ako nang makalapit na talaga. Kung kalaban ako ay bagsak na ito kung sakali dahil hindi man lang narinig ang pagdating kung hindi pa iparamdam.

"Shinn? Why are you here?" Gulat pagkakita.

Nilagpasan ko siya at sinipa ang pinto, nabuksan agad na halos bumalya sa kabilang panig.

Ang namumutlang mukha ni Mr. Panko ang agad nakita. Ang hawak kong baril ay agad pinaputok sa kaharap nito at natamaan ang baril sa kamay na nakatutok pa lamang sa employer. Kasabay ng malakas na putok ay ang pagtilapon ng baril.

Si Neil sa likod ko ay naglabas rin ng handgun at tumabi sa akin, tinutukan ang mga tao dito sa loob.

"Kopler! Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Neil.

"Hindi ako... BULAG ka ba?!" Si Kopler na nakataas ang dalawang kamay.

Kinalabit ko ulit ang gatilyo para sa dalawang bodyguard na gumalaw, natamaan ang mga baril at tumilapon sa malayo. Lima ang naroon kasama ang negosyante.

"Nice Shinn, asintado mo ha!" Si Kopler, ibinaba ang dalawang kamay na na-corner kanina.

Bakit kaya malalakas ang loob dito mismo patayin ang negosyante?

Pinatamaan ko ang binti ng isang lalake, ito yung nagulat sa akin noon sa mansion ng Panko dahil hindi narinig ang mga hakbang ko. Napaluhod at namimilipit sa sahig habang kumakalat ang pulang likido. Masama ang tingin sa akin pati ang mga kasama nito.

"Sino nag-utos sa inyo?" Nilapitan ni Neil ang tatlo, mga wala ng baril.

"Akala niyo makakalabas pa kayo ng buhay dito kung hindi kayo magsasalita! Ginulat niyo pa ako kanina! Mas lalo ka na! Nagtitiwala ako sa ahas!" Naiinsultong mukha ni Kopler at pinagtatadyakan ang lalakeng may tama sa binti.

"Oi! Huwag mong papatayin!" Saway agad ni Neil.

"Pigilan mo ako't baka di ako makagpigil sa mga iyan! Nakakaloko!"

"Sino ang nag-utos sa inyo?" Ulit na tanong pero hindi sumasagot at nakakamatay pa rin ang mga titig. Tumawag na si Neil sa iba pang security bilang backup at para hulihin at ikulong ang tatlo.

Pero parang may mali.

Nagsalita ang isa, "Bilang na ang mga minuto mo, Morri Panko. Hindi titigil si Boss hanggang hindi ka mamamatay ngayon." Tapos ay ngumisi.

BOOK 4 - Not TouchableWhere stories live. Discover now