CHAPTER 9 - MY QUESTION

1 0 0
                                    

GANOON rin ang kasunod.

"True. Naramdaman ko ang tensyon mga limang segundo, hindi galing sa nangyayari doon pero sa kanya. Just like Sapphire when smiling, a dangerous feeling radiates the surrounding," sabi ni Acelus habang naka-pending ang pancit malapit sa bibig. "Naramdaman mo ba iyon, Shinn?"

"Hindi ko napansin." Dahil ang totoo ay walang naramdaman na takot.

"Just like me. Interesting." Pero ang mukha ni Sapphire ay hindi interesado kundi napakaseryoso at may malalim ng iniisip habang nakatitig sa nakatigil ng video.

Tumingin din ako doon at sa nakikita ay nakatitig sa akin ang matandang lalake, nakatayo ng normal at nakapamulsa kagaya ng nakita ko sa kanya sa oras na iyon. Kahit may salamin ang mga mata ay halata ang direksyon ng paningin ay nasa akin, sa kanyang kanan.

"He doesn't even move. Why does he need bodyguards if he's not fearing those bullets?" Tanong ni Hasmina.

"A show-off?" Suggestion ni Acelus.

Ibinigay ni Sapphire ang isang folder at pagkabuklat ng pahina ay mga mukha at impormasyon ng mga bodyguard. "Study them, and keep a distance from them, they are geniuses as to their field of work."

"Gagawin ko," sabi ko. Huminga muna ng malalim at tinanong ko ang nais itanong. "Paano kung kabilang pala siya sa organisasyon na hinahangad natin na mapansin tayo?"

Lahat sila ay napatingin sa akin. Inaasahan ko na ito at sa mga mukha nila ay may ideya ang bawat isa, pagpapakita lamang na nasa puso at isipan ang tunay na layunin kung bakit kami gumagalaw ng ganito.

"Pwede at posible Shinn, kaya mas lalo kang mag-ingat," sabi ni Caserine na inubos na ang pansit canton sa plato.

"Kung parte siya doon ay mas maganda," nakangiti at excited naman si Acelus.

"Ikuha mo ako ng autograph," sabi naman ni Frances na kahit si Sapphire ay ikinalingon.

"Why?" Tanong agad ni Caserine. "Are you a fan? Sa akin o kay Cleofford hindi ka man lang humihingi. I'm willing to give you one," pabiro nito.

"Hindi ako interesado."

Tumingin sa akin.

"Para may souvenier ako."

Napangiti ako doon.

"After that autograph, introduce me to him."

Kay Sapphire naman lahat nakatingin.

"For what?"

"To kill him," at ngumiti ng napakatamis.

AFTER two weeks of waiting.

"She will come by noon, sir."

I remove my glasses. "What took so long?"

"Out of town, took her vacation first."

I cannot control but smile. I expected her to still work for me. A silent response from that agency and then she accepted it after weeks. If she is a member of that black diamond, naturally, she'll act as hard to get at first. If not, she is a stubborn woman with her working schedule.

"Teach her the proper manner of working to me."

My bodyguard, Yueri, also smiled but naughtily. "My pleasure, sir."

Then he walks excitedly out of my office.

I AM not excited.

Pumunta muna sa agency para humarap sa boss. Marami ang napapalingon dahil sa ayos at klase ng pananamit para sa araw na ito. Ang palaging normal na kasuotan ay binago, mula sa pagiging ordinaryo at suot ng isang bodyguard ay pinalitan. Iyon ay nagsuot ng bestida at mataas na sapatos. Ang mukha ay nilagyan ng mga pampaganda. Bumagay lahat sa ayos ng tindig at lakad habang ang buhok na mahaba at tuwid ay hinayaan nakalugay. Agaw pansin sa lahat simula ng bumaba sa sariling sasakyan, ang black Ferrari.

BOOK 4 - Not TouchableWhere stories live. Discover now