CHAPTER 6 - THE TIMING

2 0 0
                                    

BINUKSAN ang pintuan.

Isang mala-doñang babae ang bumungad sa amin pagkapasok. Nang madako ang paningin sa pwesto ng aming kinatatayuan ay kitang kita ang paglaki ng mga mata, ang mga ngiti sa labi ay nawala at bumagsak ang pisngi. Ang mga mata ay natakot sa hindi inaasahang tao sa harapan nito, pero bumawi.

Ngayon ay nakangisi na at nanlilisik ng bahagya ang mga mata.

"Jodie... Ikaw?" Halos bulong ni Mr. Panko, gulat nang makita mismo ang asawa.

May lalakeng kasama ang babae at tinutukan ko iyon ng baril, tumigil at hindi gumalaw. Hindi inaalis ang pagtitig sa lalake dahil halatang humahanap ng tiyempo.

"Jodie anong--! Anong ibig sabihin nito? You want me dead?!"

Gulat pa rin ang tono ng matanda, hindi makapaniwala ang boses at medyo malakas iyon.

Tumawa ang babae ng malakas, parang nababaliw. "Me?! Obviously my dear! Your second wife wants you to bury your body below the ground!" Pinagpatuloy ang pagtawa ng malakas.

"Sir," agaw ko ng pansin dito, pero hindi gumagalaw.

"Why Jodie? Why are you acting like that?!"

"I am not acting! This is the truth, my husband, this is my true self!"

Lumapit ito ng bahagya sa lalakeng kasama pero mabilis kong pinaputukan malapit sa direksyon ng babae para patigilin sa paglapit.

"Babarilin ko po ba sila sir o gagawin natin ang ikalawang plano?" Iyon ay ang pagtakas. Ayon sa kalkulasyon ay nasa lobby na ang mga humahabol sa amin at maaaring alam ng nandito kami mismo. Konti na lamang ang oras bago dumating ang mga alipores.

"Anong ginawa mo sa mga anak ko?"

"Sa mga anak natin?" Nakakaloko ang ngisi. "Mga masunurin sila!" Saka tumawa ng malakas.

"Anong ginawa mo sa kanila?!"

Kasunod ay inilabas ni Mr. Panko ang ballpen na patusok, susugod sana pero tinawag ko siya ng malakas.

Napatigil agad at napatingin sa akin, balik din sa asawa. Papalit-palit sa amin habang humihingal ng malalim.

"Ano po ang desisyon niyo?" Inalis muna ang paningin sa lalakeng kasama ng doña at tumitig sa kaharap, binabasa kung ano ang nasa mga mata ng matanda. Sa kabila ng pagkalito ay puno na iyon ng galit at medyo wala sa sariling pagkamahinahon. Ganoon din ay ang pagnanais malaman ang katotohanan.

Gumalaw ang lalake mula sa peripheral vision at walang alinlangan kinalabit ang baril na hawak, pinatamaan sa balikat at napabulagta sa sahig. Nahihintakutan napatingin sa akin ang babae at hindi malaman kung lalapit sa nabaril at baka paputukan ko rin o kaya ay manatili sa pwesto.

Alam napapansin nito na mahinahon ako sa nangyayari at hindi nababasa kung ano ang sunod, ang kayang gawin. Sa kanya ko naman tinutok ang baril.

"Ang pangalawa niyo pong asawa ang nagtatangka sa buhay niyo. Nagpanggap pumunta sa ibang bansa para umalis dito at maprotektahan, bumalik at kasabwat ang lalakeng 'yan dahil ninanais nila makuha ang lahat ng kayamanan--"

"Who are you to tell that rubbish?!" Pasigaw ng babae at nang tumingin sa asawa ay nagmamakaawa na ang mga mata. "Morri, I was abducted by this person, help me! He threatens me to kill you if I will not be with him. Morri help me!" Halos umiiyak na at lalo pa nagpalito sa matanda, hindi na makagalaw kung ano ang dapat gawin at nang humakbang papalapit sa amin ang babae ay kinalabit ko ang gatilyo at pinadaplis ang bala sa braso.

Napahiyaw sa sakit at napadapa sa lapag, hindi napigilan ng matanda lumapit dito at alalayan.

"Morri papatayin niya ako!" Parehas sa kasama nito ay puno ng takot at sakit ang nararamdaman.

BOOK 4 - Not TouchableWhere stories live. Discover now