OREO 25

748 30 13
                                    

Chapter 25

ISANG MAGANDANG babae ang nalingunan ni Oreo sa kanyang likuran. Napatanga siya dahil subrang ganda ng babae at ang tangkad pa. Para itong beauty queen sa kagandahan, parang si Pia wurtzbach kung baga. Nangliit tuloy siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa napaka-ganda nito. Wala siya sa kalingkinan ng babae at para lang siyang langaw sa harapan nito. At ang ganda ganda rin ng mga kasuotan nito sa katawan at halatang mamahalin. Hindi niya tuloy naiwasan mapatingin sa mga suot niya. Bili niya lang sa palengke ang tokong at blouse niya. Marahil ay sa babaeng 'to ay puro sa mga mall o botique binibili.

Nagtataka rin siya kung sino ang babaeng ito? Bakit kilala nito si Raikko? Kaano ano kaya ni Raikko ang babae? Naging sila kaya ng binata? Naging girlfriend kaya siya ni Raikko?

Marami siyang katanungan ng marinig niya ang galit at walang emosyon sa boses ni Raikko. Mabilis niya itong nilingon at nakita na naman niya ang madilim nitong mukha st salubong din ang mga kilay nito.

" Who are you? Why you know me, woman?" Mariin at madiin na tanong ni Raikko sa babae habang masama ang mukha.

Napasinghap ang babae at  mukhang nagulat peru kaagad din nahamig ang sarili. " Oh! Come on, Raikko." Maarteng wika ng babae habang nakatingin kay Raikko at biglang. " Ops! Im sorry, bulag ka nga pala. It's me, Aina, remember?"

Napatitig siya sa babae, Aina? Kaano ano kaya ng binata si Aina? Ex kaya niya ito?

Parang bigla siya nakaramdam ng selos ng malaman na ex ni Raikko na nagpakilalang Aina, sa kanilang harapan. Wala siya panama sa babae peru sa kagandahan lang ng loob ay merun siya. Peru malabo ata yun eh, kasi naman ang ganda nitong babaeng to sabay nguso.

Buset! Ba't kasi patulog tulog siya noon? 'di sana nasalo niya lahat ang kagandahan diba? Charot.

Hindi kumibo ang binata at hindi rin umimik. Nanatili lang itong tahimik habang nakatingin ang mga mata sa walang derection.

Siya naman ay nakatingin lang sa dalawa at palipat lipat ang tingin habang nakatanga. Hindi siya nagsasalita at nakikinig lang sa mga ito. Mukhang snober si Aina dahil parang hindi siya nito nakikita. Nakatutok lang kasi ang atensyon nito kay Raikko habang nakataas ang kilay at straight na straight ang tayo.

" I dont know you women kaya makakaalis kana." Pagtataboy ni Raikko kay Aina sa madiin na wika habang walang emosyon ang mukha at napapatiim ang bagang.

Mukhang galit ang binata sa babae dahil madilim na ang mukha nito. At napapatingin na rin ang mga tao sa kanilang derection. Minsan naman ay tumitigil pa para makiusyosyo sa kanila. Mga tsismakers talaga.

Napaawang at napabuga ng hangin si Aina at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ni Raikko.

" Really? Nabulag ka lang hindi kana marunong mangilala? Wow!" Paismid na sabi ng babae sabay pamaywang.

" Bakit?" Tumalim ang mga mata nito dahilan para matakot siya. " Kayo ba kinilala niyo ba ako? Diba iniwan niyo ko sa ere?" Galit at mariin na wika ni Raikko habang gumagalaw ang panga nito, tanda na galit na talaga ito. Kinabahan siya bigla at kumabog ang kanyang dibdib dahil sa nakikitang galit sa mukha ng binata.

At kahit kinakabahan dahil subrang dilim na ng mukha nito ay mabilis niya paring niyakap ang binata para awatin ito. Natatakot din siya dahil baka bigla siyang itulak nito peru hindi niya inisip iyon. At mas importante na awatin niya ito dahil nakakatawag na sila ng pansin. Nakakahiya dahil sa public place pa nag aaway ang dalawa. Hindi niya alam kung sino ba itong si Aina sa buhay ni Raikko at ganoon na lang ang galit ng binata rito.

" Tama na By." Aniya sa nakikiusap na boses habang yakap yakap ng mahigpit.

Natigilan naman ang binata sa pagyakap niya saka niyakap din siya pabalik at napangiti siya.

MR.SUNGITМесто, где живут истории. Откройте их для себя