Oreo 11

544 9 2
                                    

Guys, please ADD & VOTE po.

and COMMENT.

PLEASE SUPPORT SA
GAWA KO 😊

Maraming salamat.
ARAT NA!!

🌼💮🌼

NASA LABAS NA NG GATE si Oreo. Sa bahay ng lalaking bulag, na hanggang ngayun ay hindi niya parin alam ang pangalan.

Paano ba naman ay ang napaka-damot sa pangalan ng lalaking yun. Pangalan na lang ay hindi pa binibigay tsk. Apaka damot masyado eh.

Hinanap niya ang door bell ngunit wala siyang makita.

Pambihira! Ang laki ng bahay ng lalaking to. Wala manlang doorbell? Ano to, ayaw mag pa-isturbo? Kaloka.

Hindi siya makakapasok sa loob kung walang doorbell. Dahil walang magbubukas ng gate. Nakalock sa loob. Kung sisigaw naman siya, maririnig ba siya ng lalake? Sa laki ng bahay ay panigurado hindi siya maririnig. Kahit sabihin mong hindi ito bingi.

Napabuntong hininga si Oreo. Isa lang ang naiisip niya para makapasok sa loob. Ang umakyat sa bakod, kung baga ay dating gawi.

Shit! Bakit ko ba ito ginagawa? Ano bang pakilam ko sa lalaking yun? Tsk.

Napailing lang siya sabay sapo sa noo. Actually ay hindi niya rin alam. Ang alam lang niya ay naaawa siya dito. At nag aalala siya kaya niya ginagawa ito.

Napatingin siya sa paligid bago siya kumilos. Nang mapansin niyang wala namang tao sa paligid ay mabilis siyang umakyat sa bakod. Bitbit ang binili niyang mga pagkain. Mabuti na lang ay naka-short siya mabilis siyang naka-akyat taas.

Nang makarating sa taas ng bakod saka siya tumalon ng malapit na siya sa baba.

Lumakad na si Oreo, patungo sa pinto ng bahay. At mabibilis ang mga hakbang niya. Nang malapit na siya ay natigilan si Oreo sa paglalakad.

" Shit! May aso nga pala ang lalaking yun tsk."

Mabilis siyang napa-talikod pabalik sa pinanggalingan. Baka habulin siya ng aso kapag lumapit siyang tuluyan. Bakit hindi niya naisip yun? Dahil sa lalakinh yun ay hindi siya nakakapag-isip ng tama. Peru bago siya tuluyan tumalikod ay nakita niyang bumukas ang pintuan ng bahay. Bumungad ang lalaking bulag kasama ang aso nito. Biglang tumahol ang aso ng makita siya. Mabilis namang sinaway ng lalake ang aso.

" Blockie."

Nakatingin lang siya sa aso. At hindi nagsalita, nanatili lang siya sa kinatatayuan. Narinig niyang sumigaw ang lalake. Akala siguro nito'y may tao sa labas ng gate.

" Sino yan?"

" Ako." Aniya.

Nakita niyang natigilan ang lalake habang mahigpit ang pag-kakahawak sa tungkod nito.

" Anong ginagawa mo dito?" Malamig nitong tanong sa kanya.

Bumalik na naman ito sa dati. Noong una nilang in-counter ay ganitong-ganito ang lalake. Malamig makipag usap at laging walang emosyon sa mga mata. Well always naman eh.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now