OREO 32

197 18 6
                                    

Chapter 32

NAIINIS NA SI OREO DAHIL PALAGI NA LANG MAY nang iiwan ng pagkain sa labas ng tindahan. Araw-araw na lang akong nakakatanggap ng pagkain mula sa hindi kilalang nilalang. Naiinis na ako dahil hindi ko siya mahuli-huli. Palagi naman ako nagbabantay para mahuli ko ang naglalagay ng pagkain na iyon pero hindi ko parin nahuhuli. Palagi na lang ako nalulusutan ng tukmol na 'yun. Kainis.

Ilang beses na rin ako nagtanong-tanong sa mga kapwa tindera/tindero kung napapansin ba nila na may naglalagay ba ng pagkain sa labas ng tindahan ko. Pero lahat sila ay hindi ang sagot at saka wala. Kahit sina Aron at Edgar ay tinanong kona kung nakikita ba nila pero parehas 'din ng sagot ng iba. Kung yung una ay natatakot ako dahil may naglalagay ng pagkain sa labas ng tindahan ko. Pero ngayun ay hindi na, dahil nakakaramdam na ako ng inis sa naglalagay ng pagakin. Oo nga't nakakatulong ako sa iba dahil binibigay ko ang pagkain na iyon sa mga pulubi pero nakakainis na rin dahil napapagod na akong magbigay. Biruin mo ay umaga,tanghali at gabi ako binibigyan. Sinong hindi mapapagod? Napapagod na nga ako sa tindahan ay magdadala pa ako ng pagkain sa mga pulubi. Diba ang swerte nila? Kainis.

" Bakit kasi hindi kana lang magpakita para makutusan kitang tukmol ka." Gigil na bulong ko sa sarili. Katatapos ko lang kasi ibigay ang pagkain sa mga pulubi. 9am na ng mga sandaling iyon.

Hindi ko alam kung bakit ako binibigyan ng mga pagkain. Hindi ba ito namumulubi? Hindi ba ito napapagod dahil araw-araw niya akong binibigyan ng pagkain? Hindi ba siya nananawa? Kung manliligaw ko siya, bakit hindi na lang siya magpakita para mabasted kona siya diba? At nang hindi na maghirap ang buhay niya. Tsk.

Pagbalik ko sa tindahan ay may asungot naman akong bisita.

" Bakit sakin parin siya nabili? Diba ayaw niya ako makita?"

' teh bulag siya, pa'no ka niya makikita? Tanga lang?" Sabi ng isip ko.

" Ah basta! Dapat hindi na siya nabili sakin. Paano ako makaka-move on niyan?" Pagkausap ko sa sarili kasabay ng buntong hininga. Mabuti na lang ay wala nakakapansin sakin dahil kinakausap ko ang aking sarili.

Nang makapasok ako sa loob ng tindahan ay tinanong ko agad ang binata.

" Anong bibilhin mo?"

Kiming ngumiti ang binata dahil siguro sa pagtataray ko. " Gusto ko sanang gulay. May isusuggest kaba?"

" Bakit mo ako tintanong? Girlfriend mo ba ako? Last time i check, break na tayo. So bakit mo ako tinatanong?" Pagtataray ko pa sa kanya.

" Gusto ko lang sanang magtanong. Sige sa iba na lang ako bibili." Aniya sa malungkot na boses at mukha.

Umalis na nga ang binata at napabuga naman ako ng buntong hininga saka inis na pumasok sa loob. Naiinis ako dahil naguiguilty ako sa mga pagtataray ko. Parang gusto ko siyang habulin para yakapin. Ayaw ko kasi siyang nakikitang nalulungkot dahil nasasaktan 'din ako. Bakit gano'n? Bakit nasasaktan ako? Bakit naaapektuhan parin ako. Wala na kami diba? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Malalim akong napabuntong hininga at inis na sinabutan ang sarili. Kaya ko nga siya tinatarayan para hindi na siya bumalik. Pero palagi parin siyang bumabalik, hindi ko alam kung bakit. Sa dami naman ng tindahan bakit sakin parin siya nabili? Dahil sanay na siya?

Nang may sumigaw sa labas para bumili ay mabilis akong tumayo saka lumabas sa may tindahan.

" Ano po 'yun?" Nakangiti kung tanong sa babae kahit pilit lang.

" Repolyo miss. Magkano?"

Sinabi ko ang price sa babae.

" Sige pabili ako." Aniya. Kinilo ko naman ang binigay na repolyo ng babae saka sinabi sa babae kung magkano.

MR.SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon