Oreo 10

620 12 1
                                    

🌼💮🌼

" Waffer bilisan mo. Anong oras na."

Narinig niyang tawag ni Hansel kay Waffer mula sa taas.

Ang bagal talaga ng bata na yun.

Nakaayus na silang tatlo. Samantalang si Waffer ay hindi pa. Mukhang nag aayus pa ng sarili.

Naka-pambahay lang siya dahil kina Jayda lang naman sila pupunta. T-shirt saka short lang ang suot niya.

Nagtext na siya sa kaibigan na papunta na sila. Peru dahil mabagal si Waffer ay mukhang mamaya pa sila makaka-alis.

Makalipas ng ilang minuto ay bumaba na rin sa wakas ang dal'wa.

" Ang tagal mo Waffer. Ano bang ginagawa mo?" Inis niyang tanong sa kapatid.

Hindi naman kumibo ito. At lumabas na ng bahay kasama ang ina. Kinuha naman sa kanya ni Hansel ang bitbit niyang regalo para sa Mama ni Jayda. Lumabas na rin silang dalawa ng kapatid. Nilock niya ang pinto ng bahay bago sumunod sa dalawa.

Malapit lang ang bahay ng kaibigan. Mag katabi sila ng bahay ni Sofia.

Nang makarating doon ay nakita niyang nag uumpisa na ang birthday party. Sa labas ng bahay nila Jayda ginanap ang birthday party. Pumasok na silang apat dahil open naman ang pinto ng gate.

Hindi niya makita ang kaibigan. Nahihiya siya dahil marami ng tao sa paligid. Kaunti lang ang kilala niya sa mga tao nandoon.

Nilibot niya ang paningin para hanapin ang kaibigan. Ngunit hindi niya makita ang kaibigan. Mukhang nasa loob ng bahay. Huminto muna sila saka kinuha ang cellphone para i-text ang kaibigan saka nag type. Hindi niya pa na sesend ang text ng lumapit sa kanila ang birthday celebrant.

" Oreo. Bakit kayo nandito? Hali-kayo."

Inaya kaming apat sa loob ng bahay ng Mama ni Jayda. At doon niya nakita ang kaibigan. Abala ito sa pagtulong sa pagbibigay ng pagkain sa mga bisita.

Malaki ang bahay ng kaibigan niya. Mas malaki pa sa amin saka tatlong palapag ang bahay ni Jayda.

" Oh my gosh! Sisi.. sorry hindi ko kayo maasikaso. Im busy eh." Nakanguso nitong wika saka bumaling sa kapatid niyang si Hansel. " Para sakin ba yan?"

" Gaga! Ikaw ba ang may birthday?" Nakangiti niyang tanong sa kaibigan.

She pouted. " Ay! Akala ko sakin."

Napailing na lamang siya. At napangiti naman ang kapatid.

" Oh siya! Maupo muna kayo diyan sa sofa. Ibigay ko lang to sa mga bisita. Wait for me okey?" Iniwan nga kami ni Jayda saka nagmamadaling lumabas ng bahay.

Sila naman ay naupo sa sofa. Hindi masyadong matao sa loob ng bahay. Hindi katulad sa labas ng bahay. Hindi sila maiilang dahil bilang lang ang tao sa loob.
Makalipas ng ilang minuto ay bumalik nga si Jayda para asikasuhin sila.

Binigay ni Hansel ang regalo kay Jayda.

" Thank you. Bebe ko." Aniya malapad ang pagkakangiti ni Jayda sa kapatid niya.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now