OREO 36

174 5 6
                                    

Chapter 36

" ANONG GINAGAWA NIYO DITO?" Taka kung tanong sa mga kaibigan matapos mabigla.

Nakalapit na sila sa harapan ng tindahan at lumayo naman ng bahagya ang binata para bigyan ng space ang mga kaibigan ko. Nakaharang na tuloy ang mga bruha sa tapat ng tindahan ko.

" Sinusundo ka." Masaya namang sambit ni Sofia habang may kinakain na chitchirya.

" Bakit? Ano anong merun?"

" Birthday ng pinsan ni Amber, tara inum tayo." Yaya naman ni Jayda sakin.

" Ayaw ko." Mabilis kung tanggi saka tinapon sa basurahan ang mga pinagkainan ko. At hinanap ng mga mata ko si Raikko pero hindi ko siya makita.

Asan na 'yun?

Pumasok ako sa loob para tingnan ang binata kung nandoon pero wala siya doon.

" Sumama kana!" Sigaw ni Amber sakin.

Bumalik ako sa kaibigan at hinayaan ko muna ang binata. Tatawagan kona lang siya mamaya kapag umalis na ang bruha kung mga kaibigan.

" Ayaw ko. Hindi ako papayagan ni mama." Aniya at unti-unti ng niligpit ang mga paninda ko.

" Oa mo naman. Ipapaalam ka naman namin ey." Si Jayda.

Tinulungan na ako ng mga kaibigan ko sa pagliligpit. Mabuti naman at may pakinabang na sila.

" Wala ako sa mood. At saka pagod ako, ang daming tao kanina." Tugon ko.

" Minsan lang naman. Hindi kana nga namin nakakabonding dahil palagi kang busy. Tapos ngayun ayaw mo naman." Nakangusong sambit ni Sofia.

Napabuntong hininga ako saka napailing. Simula kasi ng maging maayus na kami ni Raikko ay hindi na ako nakakasama sa mga kaibigan ko. At hindi na kami nakakapagbonding kaya masama na ang loob nila sakin. Hindi na nga nila ako nakakausap at hindi na nila ako nakakachat dahil busy ako kay Raikko. Lahat ng atensyon ko ay nasa binata na. Mapagabi man 'yan o umaga dahil palagi kaming nag-uusap sa phone. Wala na akong time sa mga kaibigan ko. Samantalang dati ay nakakasama pa nila ako at nakakabonding, ngayun ay hindi na.

" Sige kapag pumayag si mama, sasama ako." Kapagkuwan ay tugon ko para hindi magtampo ang mga bruha. Kahit kasi papaano ay nakakatulong sila sakin at mga kababata ko rin sila tapos aabandunahin ko lang dahil kay Raikko.

" Yown! Makakasama kana rin namin. " Sigaw ni Amber saka nagmamadaling nagligpit.

Nagdasal na lang ako na sana payagan ako ni Raikko.

" Sino 'yung lalake kanina, sisi." Kapagkuwan ay narinig kung tanong ni Sofie sakin. Kaya naman bumaling ako sa kanya. Pero hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam kung paano ko sa sabihin sa kanila na boyfriend ko ang lalake kanina.

" Natatandaan ko siya sis. Siya ba 'yung lalake na nakita kung kausap mo noon? Yung blind? Anong ginagawa niya dito? Alam mo may napapansin ako."

Kinabahan ako sa tanong ni Amber. Nakita niya kasing kausap ko si Raikko noon at umiyak pa ako. Hindi ko alam kung may alam na siya.

" Ano naman ang napapansin mo?" Pataray kung anang sa kanya na patuloy sa pagligpit ng mga paninda.

" Wag mong sabihin na manliligaw mo rin 'yun?" Si Jayda. " God! Nakita mo ba ang itsura niya? Kadiri."

Sumama ang mukha ko dahil sa sinabi ni Jayda. At nagtaka ang kaibigan ko ng mapansing masama ang tingin ko sa kanya.

" Oh bakit?"

" Makapagsalita ka naman, akala mo pulubi yung tao." Inis kung sambit sa kanya. Ayaw ko sa lahat ay ginaganyan nila si Raikko at pinagsasalitaan nila ng hindi maganda.

MR.SUNGITDonde viven las historias. Descúbrelo ahora