Chapter 33
MAAGANG DUMATING SA PALENGKE si Oreo dahil mukhang maaga pupunta si Raikko ngayun. At hindi na rin ako nagbaon dahil alam kung magdadala ng pagkain ang binata. Ilang araw na niya iyon ginagawa kaya nagtataka na ang mga tao sa palengke kung bakit palaging napunta si Raikko sa tindahan. Pero dedma lang ako dahil wala naman silang alam kung bakit napunta doon ang binata. At saka hindi naman iyon malalaman ni mama, unless kung may makakakita samin na taga lugar ko at matabil ang labi ay panigurado yare. Sa ngayun ay hindi ko muna iyon pinapansin at nag-eenjoy pa ako kasama si Raikko.
Pagdating sa tindahan ay kaagad kung binuksan iyon at nilatag ang mga paninda ko. Masaya ang pakiramdam ko ngayun dahil maayus na ulet kami ng binata. Nagtatawagan na ulet kami saka hinahatid na niya ako sa sakayan bago siya umuwe. Pero minsan ay hindi na ako nagpapahatid sa kanya dahil uuwe pa siya at baka mapahamak ito. Pero may pagkamatigas ang ulo ni Raikko kaya hinahayaan kona lang.
" Naks! Ang aga natin ah? Napapansin kung palagi ka ng umaga nagbubukas." Puna ni Edgar sakin ng dumaan sa tindahan ko.
Ngumiti lang ako sa binata imbes na magalit, kasi sanay na ako palagi ganito ang banat nila kapag may bago sakin.
" Blooming ah? May boyfriend kana siguro?" Puna muli ni Edgar sakin.
Tumango lang ako bilang sagot saka inayus ang mga paninda sa labas.
" Sana all may jowa na. Ako kaya kailan?" Kapagkuwan ay sambit ng binata saka tinulungan ako.
" Darating 'din yung para sayo. Wait ka lang." Ani ko.
Tumawa lang ng malakas si Edgar saka nagpaalam na sakin. Nang umalis na ang binata ay pinagpatuloy ko ang aking ginagawa saka pumasok sa loob.
Makalipas ng ilang sandali ay dumating na si Raikko at may bitbit itong plastik. Mabilis kung pinapasok ang binata dahil maraming tsismosa sa labas. At kaagad ko ring sinara ang pinto ng tindahan. Hindi makikita si Raikko sa loob dahil may harang.
" Sorry na late ako. May ginawa kasi ako ey." Sabi ng binata ng parehas na kaming nakaupo sa polding bed.
" Okey lang. Kakarating ko lang 'din." Nakangiti kung sagot saka kinuha ang plastik mula dito at sinilip ang loob. " Para sakin ba 'to?"
" Oo baby. Hindi na ako nakapagluto kasi late na ako nagising. Kaya bumili na lang ako diyan sa labas." Sagot ng binata saka naglalambing na yumakap sakin. " Ilove you, baby."
Napangiti naman ako saka sumagot. " Ilove you, too."
" Ang saya-saya ko." Mababakas ang saya sa tono ni Raikko.
" Bakit naman?" Humarap ako sa kanya saka matiim na tinititigan ito sa mga mata.
" Kasi bati na tayo. Pwede na kitang halikan at yakapin anytime na gusto ko. Hindi katulad dati na palagi mo ako tinatarayan." Biglang lumungkot ang boses niya saka ang mukha. Napabuntong hininga naman ako saka sinapo ang mukha niya.
" Sorry kung palagi kitang tinatarayan. Naiinis kasi ako sayo ey." Nakasimangot kung aniya na akala mo'y makikita ako nito. " Kasi tinaboy muna ako pero patuloy ka parin nabili sakin. Pakiramdam ko ay sinasaktan mo ako."
" Im sorry, baby. Patawarin mo ako sa lahat ng sakit na nagawa ko sayo. Hindi ko gusto-"
" Sshh.. tama na." Awat ko sa kanya kasabay ng pagyakap ng mahigpit. "I mportante ay okey na tayong dalawa at hindi na tayo mag-aaway okey?" Anang ko.
Tumango ang binata at niyakap 'din ako ng subrang higpit na tila ayaw na akong bitawan pa.
Kapagkuwan ay tinapik ko siya sa braso para makawala ako sa yakap niya. " Mamaya na ang yakapan at magtitinda muna ako." Anito saka tumayo at bumaling sa binata. " Dito ka lang huh? Wag kang lalabas at baka may makakita sayong tsismosa. Isumbong pa ako sa mama ko."
YOU ARE READING
MR.SUNGIT
RomanceDahil sa kalokohan ng kaibigan ni OREO na si Amber ay makilala niya ang isang bulag na lalake. Na tinawag niyang TATALINO. Paano ba naman ay ang haba ng buhok nito, saka ang haba din ng mga balbas. So kaya natawag ko siyang TATALINO. At diko rin mah...