Oreo 04

806 14 0
                                    

🌼💮🌼


NAGULAT ANG LALAKE SA REACTION NIYA.

" What? What Me? Do you know me?" Nakakunot nuong tanong nito sa kanya. Nang sunod-sunod.

Napasimangot si Oreo. Ewan ba niya kung bakit bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Nang malaman niyang hindi siya nito nakilala.

Bulag kasi siya teh! Malay ba niya na ikaw ang pumasok sa bahay niya.

Anang ng isip niya.

" Wala. Ano nga ulet yun?" Kapagkuwan ay walang gana niyang tanong sa lalake.

Natitigan niya ang lalake. Bago na ang suot nito, saka maayus na ang buhok. Infairness naligo na si Kuya. Hindi na rin magulo ang buhok nito. Take note! Nakatali na ang mahaba nitong buhok. Bumagay sa itsura nito kahit may balbas.

Feeling ko talaga ang gwapo niya.

" Dont stare me! Alam kong pangit ako."

Natigilan at nagulat siya sa pang asik sa kanya ng lalake. At automatikong namula ang mga pisngi niya. Naipilig niya ang ulo sabay iwas ng tingin. Mabuti na lang. At wala ng tao sa paligid. Saka mabuti na rin sarado na ang mga tindahan sa paligid nila. Kung nagkataon nakakahiya.

Hindi naman niya lubos maisip. Kung bakit napapatitig siya sa lalake. Wala naman kainterasado sa mukha nito o sa katawan.

Bakit nga ba?

Tanong ng isip niya. Wala rin siyang makuhang sagot kaya kumuha siya ng kangkong sa loob. Nakalimutan niyang itanong kung ilan kangkong. Kaya kumuha siya ng tatlong tali saka plastik.

Nang makalapit sa lalake ay tinanong niya ito.

" Ilan ba?"

" Tatlo. Magkano?" Malamig nitong tanong.

Napangiti si Oreo, hindi niya alam kung bakit. Mabuti na lang at bulag ito. Baka makita nitong nakangiti siya.

" 30 pesos." Aniya.

Inabutan siya nito ng pera saka umalis na. Nang lumakad na ang lalake ay nakaramdam na naman siya ng lungkot.

Ano bang nangyayare sakin? Bakit nalulungkot ako?

Hindi niya napigilan tawagin ang lalake. At saka mabilis na lumapit dito. Huminto naman ito saka nagtanong.

" Bakit? Kulang ba ang bayad ko?"

" Hindi." Awat niya rito. Nang makita niyang dudukot na ang lalake sa bulsa. Pagkuwan ay nag tanong. " Natatandaan mo ba ako? Ako yung babaeng pumasok sa bahay mo."

Hindi niya alam kung bakit gusto niyang maalala siya nito. Hindi naman siya ganun na tao.

Nakita niyang natigilan ang lalake. Ilang segundo muna ito, hindi nagsalita. Nakatitig lang siya sa lalake. At inaantay ang sagot nito. Kinakabahan rin siya. Kapagkuwan ay nagulat siya sa tugon nito.

" Hindi. Hindi kita kilala o matandaan. Who are you, by the way? Do i know you?"

Napakagat ng labi si Oreo, sa sinabi ng lalake. Habang nakatingin rito, walang emosyon ang mga mata nito.

Mahina siyang napabuntong hininga. " Sorry. Sorry sa abala. Bye. Ingat ka." Aniya saka lumakad na palayo sa lalake.

Hindi na siyang lumingon pang muli. Nang makarating sa tindahan. Nakita niya ang ina, na nakatayo sa may pintuan ng tindahan. Nagulat siya at kinabahan baka nakita nito ang ginawa niya.

" Saan ka galing?" Tanong ng ina ng makalapit siya dito.

" Diyan lang Ma. May tiningnan lang po." Pagsisinungaling niya sa ina. At tinapos na ang pag sasara sa tindahan.

MR.SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon