OREO 40

123 9 4
                                    

Chapter 40

HINAYAAN MUNA NI OREO SI RAIKKO makapag-isa sa taas at naglinis na lang muna ako sa kusina dahil subrang dumi na kasi ang buong kusina ni Raikko. Sa tagal ng hindi nalilinisan ay puro agiw na ang buong kusina. Para tuloy tirahan na ng mga gagamba sa dami ng agiw. Ang mga tiles naman ay naggigitata na sa dumi dahil nga walang naglilinis. Kapag ako tumira sa ganitong bahay ay hindi ako mabubuhay kapag ganito ang itsura. Sabagay ay bulag ang may ari kaya hindi nalilinisan.

At kahit pagod si Oreo sa pagtitinda ay naisipan ko parin maglinis ng kusina ni Raikko dahil ayaw kung nakikitang madumi ang bahay ni Raikko lalo na ang kusina kasi dito kami minsan kumakain kapag andito ako. Hindi ako sanay na madumi ang paligid dahil sa bahay kapag madumi ay nagagalit ako sa kambal kapag hindi sila naglilinis. Sila kasi ang nakatuka kapag wala silang pasok.

Kaya naman maglilinis muna ako habang war kami ni Raikko. Mamaya na lang kami mag-uusap kasi baka mag-away lang kami kapag kinausap ko siya. Iba pa naman ang takbo ng isip niyon.

Inumpisahan ko ng maglinis sa kusina at mabuti na lang ay maraming stock na sabon ang binata pati na ang zondrox saka moriatek hindi kona kailangan bumili sa labas. Akala ko ay wala siyang stock pero sa awa ng diyos kasi hindi kona kailangan lumabas.

Una kung nilinis ang agiw sa kisame dahil pinamamahayan na ito ng mga gagamba. Hirap na hirap ako habang nililinis ko ang kisame kasi walang mahabang walis at nakapatong lang ako sa upuan. Masyado kasing mataas ang kisame kaya hirap na hirap ako. Pero nalilinis ko rin naman kasi ayaw kung makakita ng gagamba dahil takot ako sa hayop na 'yun.

Makalipas ng ilang sandali ay natapos ko rin malinis ang kisame pero hindi pulido pero ang importante ay wala ng agiw. Pagod na pagod akong naupo sa upuan dahil nangalay ang mga braso ko. Sunod ko naman ginawa ay yung mga cupboard. Tinanggal ko lahat ng laman no'n dahil mga expired na at ina-amag na ang mga pagkain. Pinamamahayan na rin ng mga insekto sa tagal ng hindi nalilinisan. At saka sayang yung mga pagkain dahil mukhang mamahalin.

" Kaloka naman ang lalaking 'yun. Hindi niya ba pinapalinis ang bahay niya? Grabe ang dumi." Bulong na reklamo ko. " Bakit kaya hindi niya naisipan na ipalinis ang bahay niya?" Tanong ko ulet sa sarili habang nilalagay sa itim na plastik ang mga basura.

Tinapon ko lahat ng laman ng cupboard sa basurahan at nilinis ko na may sabon saka zondrox para kahit papaano ay malinis. Ang ganda pa naman ng cupboard tapos puro basura lang ang laman. After that ay nilinis ko naman ang lababo. Syete, subrang dumi rin ng lababo at naggigitata na. Nagkakalumot na nga ey dahil sa tagal ng hindi nalilinis at nagkakaroon na rin ng kalawang. Hindi ko masyadong nililinis dahil matatagalan ako kapag nilinis ko pa ng maayus. Bale temporary lang muna para hindi pangit tingnan.

Ang sunod ko naman nilinis ay ang ilalim ng lababo dahilan para ako'y magtitili dahil ang daming ipis na lumabas mula sa ilalim.

" Ahhh."

" What happen? Anong nangyayare?" Humahangos na sabi ni Raikko habang nakasalubong kilay.

" Wala." Natatakot kung tugon habang nakatingin sa mga ipis dahil baka biglang lumipad. Takot pa naman ako sa ipis lalo kapag dumikit na sakin.

" Sigurado ka? Bakit takot na takot ka?" Nag-aalalang tanong ni Raikko.

" Ang daming ipis." Nakangiwi kung sagot habang nakatingin sa binata.

" What? Ano bang ginagawa mo?" Salubong ang kilay na tanong nito na para bang galit.

" Naglilinis." Kagat labi kung sagot.

" What? Bakit ka naglilinis?"

" Ang dumi kasi ng kusina mo ey."

" Mas gusto mo pang maglinis kesa kausapin ako?" May bahid na inis na tanong ng binata.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now