Oreo 03

854 23 1
                                    

Pa HELP naman if how to make cover
Wala pa kasi akong
COVER ng story ko eh. Help
PLEASE? ☹️

🌼🌼🌼

NANG MAKAUWE SA BAHAY ay naabutan niya ang ina habag nakaupo sa sofa. At habang nanunuod ng tv. Wala na rin ang kambal, siguro pumasok na sa school. Mukhang hinihintay siya sa pag-uwe ng Mama niya.

" Ma?" Kinakabahan niyang tawag niya sa ina ng medyo makalapit.

Lumingon naman ito sa kanya. Walang bakas na galit ang mukha nito. Nagtaka Oreo.

Bakit kaya?

Dapat galit ito sa kanya. dahil hindi siya umuwe kagabi. Peru bakit hindi ata galit si Mama?

" Nandiyan kana pala Oreo. Kanina pa kita hinihintay. Maligo kana at pupunta pa tayo sa palengke." Uto ng ina sa kanya  saka binalik ang mga mata sa tv.

" Opo." Mabilis niyang tugon habang may pagtataka parin.

Malalim siyang napabuntong hininga. Nawala na ang kaba sa kanyang dibdib. Nag alala lang pala siya sa wala. Kanina habang pauwe si Oreo, nag darasal siya na sana hindi magalit ang ina. Dahil hindi siya nakauwe kagabi. At kung ano ano pang alibi ang pinag aralan niya. Hindi naman pala niya kelangan.

Wew!

Kelangan niya makausap ang mga kaibigan. Kung bakit hindi nagalit ang ina. Ano kaya ang sinabi nila para hindi ito magalit.

" Wait? Nahuli kaya sila?" Bulong niya.

Halerr.. kung nahuli sila, sino kaya magsasabi sa nanay mo. Common sence nga. Sabi ng kanyang isip.

Buset kang utak ka! Pasalamat ka hindi ka naging tao. Baka nasampal na kita.

Inis niyang pakikipag-argumento sa kanyang isip. Napailing si Oreo saka marahan siyang napabuntong hininga. Pumasok na siya sa kanyang silid para kumuha ng mga damit. Para makaligo na, naghihintay na ang kanyang ina sa baba.

Nang makakuha ng mga kasuotan. Mabilis siyang bumaba saka nagtungo sa banyo. Mabilis siyang naligo, saka nagbihis na sa loob ng banyo.

Then after that she went to outside. Pumunta na siya sa salas kung saan nag aantay ang ina.

" Ma. Halikana po." Tawag niya sa presensya ng ina.

Umakyat muna siya sa taas para kunin ang cellphone. Nang makuha na, mabilis siyang bumaba sa baba. Nakita niyang nasa pinto na ang ina. At patay na rin ang tv. Inutusan siya nito bago lumabas ng bahay.

" Ikaw na mag-sara ng pinto Oreo. Bilisan mo at anong oras na."

She nodded. " Opo Ma."

Bago lumabas ng bahay ay sinilip niya muna ang mga bintana. Kung nasara, saka mga saksakan ng kuryerte. Baka kasi habang nasa palengke sila ay masunog ang kanilang bahay.

Nang masiguro niyang maayus na lahat ay lumabas na rin siya ng tahanan. Mabilis niyang nilock ang pinto saka lumapit sa ina.

" Halika na po Ma." Inaya na niya ang ina patungo sa kanto.

Nasa may kanto ang sakayan ng jeep. At medyo malayo sa kanilang tahanan. Nang makarating sa kanto ay nag abang kaagad kami ng Jeep. Malayo-layo ang palengke sa kanilang lugar. Kelangan pa nilang mag Jeep para makarating doon.

Pinara niya ang paparating na Jeep saka mabilis silang sumakay ng ina. Nagmamadali na ang ina dahil alas-otso na ng umaga.

Nang makasakay ay nag bayad kaagad si Oreo kay Manong.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now