Oreo 05

735 16 0
                                    

🌼🌼🌼

ISANG LINGGO ANG MATULIN na lumipas. Hindi na muli niya nakita ang lalaking bulag. Sa totoo lang inaabangan niya ang lalake. Ewan ba niya, kung bakit niya iyon ginagawa.

Para kasing ang saya niya kapag nakikita ito. Mabuti na lamang ay hindi nakakapansin ang ina. Kapag natitigilan siya, kapag naiisip niya ang lalake. Hindi na mawala sa kanyang isip ang lalake. Kahit na sinusungitan siya nito. Malalim siyang napabuntong hininga.

Huli nilang kita noong bumili ito ng kangkong sa kanya. Isang linggo na nakakaraan.

Natigilan sa pag iisip si Jadine ng may bumili sa kanya.

" Magkano to?" Turo ng babae sa repolyo.

" 120 kilo."

" Ang mahal naman." Reklamo ng babae.

Napailing siya. " Mahal po kasi ngayun ang repolyo." Paliwanag niya sa babae.

May tinuro pa ito. " Ayun?" Sa ampalaya.

" 80 kalahati." Aniya.

Sumimangot ang babae. " Ang mahal naman ng tinda niyo." Reklamo muli nito.

Naiinis na siya, dahil puro reklamo ang babae. Kung namamahalan pala siya sa paninda namin. Bakit nagtatanong pa siya? Panira ng mood eh.

Marami pa itong tinuro. At puro reklamo lang ang tinamo niya. Napipika na siya, kung hindi reklamo ay pinipintasan nito ang paninda nila. Nagpipigil lang siya, kahit gustong-gusto na niyang sagutin ang babae. Napapataas na lang ang kilay niya sa inis. Wala siyang pakialam kung makita nito ang pag taas ng kilay. Sumusubra na kasi to, feeling mo naman ay mayaman, kung makaarte.

Chill Oreo, custumer is always right. Ani ng kanyang isip.

Napaingos naman siya sa sinabi ng isip niya.

Kapagkuwan ay natapos na rin ang babae sa panglalait sa kanyang paninda. At bumagsak ito sa mga sitaw. Dahil iyon lang ang mura.

Nang makaalis na ang babae ay marahan siyang napailing.

Buset! Makaarte tsk.

" Okey ka lang? Parang badmood ka?" Napalingon siya sa ina. Nasa likod niya ito, kaya hindi niya napansin.

Hindi niya alam kung napansin nito ang nangyare kanina.

Tumango siya. " Opo Ma. Nakakainis kasi yung babae eh." Pagsusumbong niya rito.

" Nakita ko nga."

Mabilis siyang bumaling sa ina. Sabi na eh.

" Hayaan muna yun. Ganoon talaga minsan ang mga custumer." Pangpalubag loob nito sa kanya.

" Okey po."

Alam naman niyang may ganoon talagang custumer. Kaya nga minsan naiinis siya. Kapag tanong ng tanong tapos hindi bibili. Nakakabuset kaya yun, mahaba ang pasensya niya sa custumer. Peru minsan nakakasagad rin ng pasensya. Katulad na lamang ang babae na iyon.

Bumalik na ang ina sa pwesto nito. Alas quatro na ng hapon. Kunti lang custumer nila ngayun. Wala masyadong bumibili. Kaya puro cellphone lang siya mag hapon. Ang ina naman niya ay natutulog sa polding bed.

Nang walang custumer ay inabala niya ang sarili sa pag cellphone. Nakikipag chat siya sa mga kaibigan niya. Okey na sila, wala ng tampuhan ang nagaganap.

SOFIA PINEDA: Gusto kong uminum guys. 😑😑😑

JAYDA RAMOS: Bakit naman? @ SOFIA.

MR.SUNGITDove le storie prendono vita. Scoprilo ora