OREO 51

89 5 0
                                    

Chapter 51

ABALA AKO SA PAGLILIGPIT NG may dumating na bwesita. I mean bisita pala. Ano kaya ang ginagawa dito ng gaga at dinalaw ako. Ngayun na lang kasi ulet kami ng bruha. Mukhang busy kaya hindi ako dinadalaw.

" Hi bes." Bati sakin ni Jayda ng makapasok sa loob ng tindahan namin.

" Hello. Anong ginagawa mo dito? Wala kang pasok?" Anang ko naman matapos naming magbeso-beso.

" Wala, day off ko ngayun." Aniya na tinulungan ako na mag-ayus ng paninda ko. Magsasara na ako dahil gabi na. Balak ko rin sana puntahan si Raikko ngayun kaya lang may asungot.

" Hmmm.."

" Wala ata ang loverboy mo dito?" Puna nito.

" Wala. Hindi muna siya pumupunta kasi baka may makakita samin dito." Tugon ko sa aking kaibigan.

" Hmm.. so do'n muna siya sa lungga niya?"

" Grabe ka naman." Tinignan ko siya ng masama. " Lungga talaga?"

" Eh, kasi naman siya lang ang nakatira do'n. Paano kaya niya natitiis tumira sa malaking bahay na siya lang nakatira? Hindi ba siya natatakot? Sabagay, bulag naman siya. Paano kaya niya makikita ang mga multo diba?" Pang-iinsulto pa nito sa binata. Mabuti na lang at wala si Raikko dito. Panigurado ay masasaktan na naman ang binata.

" Bunganga mo talaga no?" Napapailing na sabi ko.

" Di Jokey lang. Ito naman pikon agad." Nakangiting ani Jayda kasabay ng pagtapik sa balikat ko. Inirapan ko naman siya saka tinalikuran kasi naiinis ako sa kanya. " By the way nakita ko pala si Waffer kahapon. Lumalantak ng mangga, buntis ba 'yun?"

" Ano?" Napalingon ako kay Jayda kasabay ng pagkanuot ng nuo. Bigla akong kinabahan sa sinabi nito pero hindi ko pinahalata. " Kumain lang ng mangga, buntis agad? Hindi ba pwede na trip niya lang kumain?"

" Hindi ey." Aniya na parang hindi naniniwala. " Parang sarap na sarap siya sa mangga kahit subrang asim niyon. Hindi manlang ngumingiwi ang mukha kahit subrang asim ng mangga. Hindi niya ako napansin kasi nakatutok ang atensyon niya sa mangga." Seryusong mukhang sabi nito.

Tumawa naman ako ng kimi kahit pinanlalamigan na ako ng malapot. Kinakabahan rin ako na baka nga buntis ang kapatid ko kasi may nangyare sa kanila ng lalake. Hindi maaari kasi masasaktan si mama. " Paanong mabubuntis si Waffer wala naman 'yun boyfriend." Aniya na hindi tumitingin sa kaibigan.

" Wala nga ba?" Anang pa nito kasabay paglapit ng mukha sakin at may pagdududa.

" Wala nga. Alam mo naman na bawal pa siya magboyfriend diba? Atsaka bantay sarado siya ni Hansel. Paano siya makakapagboyfriend?" Inis na sabi ko sa kanya. Kinabahan na talaga ako dahil baka nga na buntis ang kapatid ko.

" Hmmm.. okey. Nagulat lang ako." Aniya na nagkibit balikat.

" Dumi kasi ng utak mo ey. Magjowa kana nga para hindi kung ano-ano ang nasa isip mo." Sabi ko para hindi na siya magtanong pa kay Waffer.

" Sige. Basta si Hansel ang boyfriend ko." Nakangising sabi ni Jayda. Hindi niya talaga tatantanan si Hansel.

" Gaga, hindi pwede! Wag ang kapatid ko."

" Si Hansel lang ang gusto ko ey. Bakit ba?" Giit pa nito.

" Hindi nga pwede. Dami dami diyan lalake, kapatid ko pa talaga ang pinuntirya mo." Ani ko.

" Siya lang ang natitipuhan ko ey. Ano bang problema do'n? Ayaw mo ba ako maging hipag?" Nakasimangot pa niyang tanong na tila nagtatampo.

" Ayaw ko!" Mabilis kung sagot. Hindi sa ayaw ko siyang maging hipag pero ang bata pa ni Hansel para sa kanya at nag-aaral pa ang kapatid ko.

MR.SUNGITМесто, где живут истории. Откройте их для себя