Oreo 08

586 10 1
                                    

🌼🌼🌼

PAGDATING NI OREO SA PALENGKE. Mabilis niyang inopen ang tindahan. Mga nakabukas na rin ang mga katabi nilang tindahan. At abala sa mga custumer. Mabuti na rin yun at hindi siya pansin.

Nang matapos sa pagbukas ng tindahan. May bumili kaagad sa kanya.

" Pabili ng talong." Sabi ng babae.

" Ilang kilo po?"

" Isang kilo."

Mabilis siyang kumuha ng talong saka kinilo. Nang makita niyang isang kilo na. Mabilis niyang binalot ang talong saka binigay sa babae.

" Bayad ko."

Kinuha niya ang bayad ng babae. May bumili ulet hanggang dumami na ang custumer niya.

Mabenta ang mga paninda nila. Bukod sa mura ay lagi pang bago. Sa lahat ng paninda ng gulay dito sa palengke. Sila lang ang murang mag benta kaya marami silang custumer. Peru syempre, minsan matumal. Ganoon talaga ang buhay.

" Sibuyas nga Ineng." Sabi ng Ale.

" Kangkong nga." Yung babae.

" Carrots nga Miss." Yung lalake.

Hindi na niya alam ang gagawin dahil sa dami ng custumer. Peru hindi siya nagpadala sa taranta. At chill parin siya kahit natataranta. Sanay na siyang ganito kapag wala siyang kasama sa palengke.

Mabuti na lang simula ng teenager siya ay lagi siyang sinasama sa palengke ng ina. Kaya sanay na siya sa ganito. Hindi siya natataranta kapag maraming tao.

Nang matapos niyang makuha ang mga binili ng mga custumer. May bumiling muli kaya naman ay abala na naman siya.

Abala siya sa pagkilo ng sayote ng mapatingin si Oreo sa gilid ng tindahan. Napangiti siya ng makita ang mga kaibigan.

" Pwede ba kami tumulong?" Si Jayda.

Mabilis siyang tumango.

Kaagad naman pumasok ang mga kaibigan sa loob ng tindahan. At kaagad siyang tinulungan ng makitang maraming custumer. Hindi niya alam kung bakit nandito ang mga kaibigan. Hindi na lamang niya iyon pinansin. Ang importante ay may katulong na siya.

Sanay na rin ang mga kaibigan sa pagtitinda sa tindahan nila. Dahil lagi niya sinasama ang mga ito noon.  Noong nag aaral pa sila ng high school. Lagi rin sila tumutulong kapag nagagawi sila dito.

Hindi siya tapos ng pag aaral dahil namatay ang ama. Noong nasa 1st year college siya. Huminto talaga siya para tulungan ang ina sa palengke.

Si Amber naman ay hindi rin tapos ng pag aaral dahil sa financial problem. Hanggang high school lang ang natapos nito. Peru may trabaho siya ngayun isang service crew.

Sa kanilang apat si Jayda at si Sofia lang ang nakatapos ng pag aaral. May kaya sila sa buhay kaya sila lang ang nakatapos. Kung buhay pa ang ama ay malamang tapos rin siya ng pag aaral.

Napangiti si Oreo ng makitang tinulungan nga siya ng mga kaibigan. Si Sofia kahit abala sa cellphone nito ay nakakapag benta parin. Peru nagagalit si Jayda dahil ang bagal daw ni Sofia.

Si Amber naman ay sanay na sanay dahil ito lang ang tumagal sa kanilang tindahan. Tumigil lang ito ng makahanap na ng trabaho.

Nang mawala na ang mga custumer saka lang sila nakapagpahinga.

MR.SUNGITDove le storie prendono vita. Scoprilo ora