OREO 42

137 8 1
                                    

Chapter 42

NAGLILIGPIT NA SI OREO NG MGA PANINDA NG maulinigan ko ang boses ng mga kaibigan ko mula sa malayo. Malayo palang ay naririnig kona ang kanilang mga masasayang boses habang nagkukwentuhan dahil sa lakas ng mga boses ng mga ito. Akala mo mga laking palengke kung mag-usap ang mga ito, samantalang ang lalapit lang nila sa isa't isa. At mukhang masaya ang pinag-uusapan ng mga kaibigan ko kaya naman pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sa lakas kanilang boses. Ganito sila kapag nagkakasama akala mo palaging may away dahil sa lakas ng boses. Kaya naman kinakahiya ko sila, charot lang syempre. Kahit naman ganoon sila ay mga kaibigan ko parin sila.

Maya-maya'y nakaramdam ako ng kaba sa saking dibdib dahil nandito ngayun si Raikko sa loob at baka makita siya ng mga kaibigan ko. Hindi ko pa kasi pinapakilala si Raikko ng personal sa mga kaibigan ko simula ng una dahil natatakot akong bullyhin nila ang binata. Medyo bad kasi ang mga kaibigan ko at sasabihin nila kung anong gustong sabihin. Medyo maselan pa naman si Raikko pagdating sa bagay na iyon dahil sa mga pinagdaanan niya noon.

Gusto ko sanang pumasok sa loob at itago ang binata sa mga kaibigan ko pero nasa tapat kona ang tatlo kung kaibigan kaya wala na akong choice kundi manahimik sa kinatatayuan ko. Bahala na si batman mamaya if maisipan ng mga kaibigan kung pumasok sa loob. Siguro kailangan kona talaga ipakilala ang binata sa kanila dahil mga kaibigan ko naman sila noon pa man.

Pero umaasa akong wag lang sanang maisipan nilang pumasok sa loob kundi makikita nila talaga si Raikko.

" Hi Bestie."

" Hi Sisi."

" Hi Bruha."

Sabay sabay na bati ng tatlo habang may masayang ngiti sa kanilang mukha. Mukhang masasaya sila at wala manlang ako alam sa kanila dahil hindi ako nagpaparamdam.

" Hello, anong ginagawa niyo dito?" Sa halip ay tanong ko sa mga kaibigan ko habang kinakabahan at kumakabog ang dibdib.

" Malamang, dinadalawa ka. Nakakahiya naman kasi sayo ey, walang paramdam? Talaga ba?" Sarkatikong ani Jayda sakin na tila na bweset sa tanong ko.

" Sorry." Aniya napipilan.

" Oo nga, ni text o chat wala kang paramdam samin. Hindi muna ba kami love?" Pagdadrama naman ni Sofie habang nagpapakyut ang mga mata sakin.

Napangiwi naman ako habang inaayus ang mga paninda. Hindi rin ako makatingin sa kanila kasi nahihiya ako.  " Pasensya na guys. Busy lang talaga ako kaya hindi ako nagcha-chat o nagtetext. Pagod na kasi ako paguwe ng bahay." Pagdadahilan ko sa kanila habang patuloy sa pag-aayus ng paninda dahil oras na para umuwe.

Napa-tsk naman si Jayda habang nakataas ang kilay. " Busy talaga? Samantalang dati kahit anong busy mo may time kang mangamusta samin, ngayun wala? Jokey ba 'yun?" Aniya sa mataray na boses at wala na ang ngiti sa kanyang labi dahil napalitan na iyon ng katarayan. Sa kanilang apat si Jayda ang pinakamataray at walang pakialam kung dere-deretso ang kanyang boses.

Hindi naman ako agad nakapagsalita kasi totoo naman 'yun. Nakalimutan ko na silang batiin o kamustahin kapag hindi ako busy sa tindahan. Hindi na rin ako nakakasama kapag may galaan ang tropa. Nakakalimutan ko sila kapag kasama ko ang binata kasi kapag wala na akong ginagawa ay kay Raikko na ang atensyon ko kaya hindi na ako nakakapag-chat sa GC namin. Kahit manlang sa call hindi kona sila  magawang matawagan dahil nga kay Raikko. Ewan ko ba, kapag si Raikko ang kasama ko ay nakakalimutan ko ang mga kaibigan ko. Siguro dahil ngayun lang ako nagka-boyfriend at ngayun ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam kapag kasama ko ang binata kahit minsan ay nakakainis ang ugali nito.

" Pwede sa loob? Ang lamok ey." Kapagkuwan ay anang ni Sofie habang kinakamot ang mga braso at mga hita. Medyo maselan ang babaeng 'to kapag may dumadapo sa kanyang katawan. Ayaw na ayaw nito kapag may dumadapo sa balat nito.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now