Oreo 20

541 14 1
                                    

Chapter 20

KASAMA NGAYUN NI OREO ANG INA kaya hindi niya mapupuntahan si Kit Raikko bahay nito.

Gusto niya sana dalawin ito, matapos ang nangyare kaninang madaling araw. Hindi na siya nakatulog hanggang alas singko ng umaga kakaisip kay Kit Raikko. Hindi niya alam kung napapansin ng Ina ang mga eye bag niya. Wala naman kasing sinasabi ang Ina sa kanya.

Tinatamad siyang magbukas ng tindahan dahil ang bigat ng pakiramdam niya. At saka antok na antok na siya ngayun. Nararamdaman na niya si Antok. Bakit kasi ngayun pa nagparamdam. Alam naman na magtitinda pa siya ngayun. Kainis.

Panay ang hikab ni Oreo habang nagbebenta. Gustong-gusto ng pumikit ng mga mata niya. Ngunit hindi niya magawa dahil kelangan niya pang mag benta.

Kapagkuwan ay nagpaalam siya sa Ina na bibili ng kape. At syempre tatawagan niya rin si Kit Raikko.

Nang nasa canteen na si Oreo, mabilis niyang nilabas ang cellphone mula sa bulsa. Saka dinayal ang number ni Kit Raikko ngunit hindi niya makontak ito.

Baka lowbat lang. Sabi niya sa isip saka bumili na ng kape kay Abby.

" Pabiling kape."

" Ilan?" Tanong naman nito sa kanya.

" Isa lang." Anito saka naghikab.

" Mukhang antok na antok ka ah? Ang laki rin ng mga eyebag mo." Narinig niyang komento ni Abby.

Ngumiti lang siya rito, wala siyang balak magkwento. Binigay naman kaagad ni Abby ang kape na nasa styro matapos mag timpla.

" Salamat. Sige bye." Aniya at nag paalam na. Baka hinahanap na siya ng Ina.

Nang makarating sa tindahan si Oreo. Kaagad niyang ininum ang kape kahit mainit-init pa.

Kapagkuwan ay napansin niyang nakatingin ang Ina sa kanya. At nakaramdam ng kaba si Oreo.

May alam na kaya ang Ina? Bakit ganito tumitig ang Ina sa kanya? Lalo siyang kinabahan ng lumapit ang Ina sa kanya. At tumigil sa harapan niya kung saan ang pwesto niya.

" Bakit antok na antok ka Oreo? Anong oras kaba natulog kagabi? Ang laki rin ng mga eye bag mo? Nagpupuyat ka na naman ba?" Sunod sunod na tanong ng Ina habang tinititigan siya.

Dati kasi nagpupuyat siya dahil sa mga kaibigan. Hindi naman siya pinag-babawalan ng Ina dahil mga kaibigan naman niya ang mga kausaap. Ngayun naman ay dahil kay Kit Raikko kaya siya napupuyat. Hindi niya pwede sabihin sa Ina at baka magulat ito.

Umiwas ng tingin si Oreo sa Ina. Hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata nito. Nagsisimula ng kabahan si Oreo habang nanglalamig. Peru nagsalita parin siya kahit kinakabahan.

" Kausap ko po kasi mga kaibigan ko Ma." Pagsisinungaling niya sa Ina. Sana talaga ay maniwala ito dahil mayayare talaga siya. Ayaw na ayaw ng Ina na nagsisinungaling silang magkakapatid. At saka wag lang pagalitan ng Ina niya ang mga kaibigan dahil mabubuko talaga siya.

" Bakit araw araw naman? Wala bang pasok ang mga kaibigan mo?" Usisa pa ng Ina sa kanya.

" Merun po." Mabilis niyang tugon sa Ina habang umiinum ng kape.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now