OREO 48

193 6 5
                                    

Oreo

Hi everyone. I'm sorry kung hindi ako nakakapag-update kasi i'm busy na po sa work. Hindi kona po siya nabibigyan ng pansin kasi inaantok ako sa tuwing magsusulat ako, i'm sorry guys ☹️

PAGDATING SA TINDAHAN AY KAAGAD AKONG nagbukas dahil marami ng namimili sa ganitong oras. Actually ay late na ako pero kailangan kung puntahan si Raikko para painumin ng gamot. Binati pa ako ng mga kapwa kung tindera sa palengke pati na sina Edgar at Aaron ng mapadaan. Nagbubuhat sila ng mga gulay dahil isa silang kargador sa palengke.

Nang mabuksan kona ang tindahan ay kaagad na may bumili kahit hindi ko pa naaayus ang mga paninda.

Pinagbilhan kona si ate kahit wala pa sa ayus ang mga paninda ko. Sayang naman kasi kapag pinakawalan ko pa diba?

" Maraming salamat po." Nakangiti kung wika habang may ngiti sa labi.

Kahit wala akong masyadong tulog ay maaliwalas parin ang aking mukha at masaya ang pakiramdam dahil maayus na kami ulet ni Raikko. Kaya lang ay may sakit siya ngayun kaya wala siya dito. Gusto ko sana siyang alagaan ngayun pero kailangan kung magtinda ngayun dahil marami kaming bayarin. Pupuntahan kona lang siya mamayang tanghali after ng tinda ko dito sa palengke.

Makalipas ng ilang sandali ay dumami na ang mga taong bumibili sa aking paninda. Hindi na ako nakapag-almusal at nakapaggayat ng gulay dahil marami ng bumibili. Kailangan ko kasing tutukan ang mga bumibili dahil baka hindi sila magbayad o baka manakawan ako.

Hindi naman ako magkamayaw sa dami ng bumibili. Mabuti na lang ay sanay na ako sa ganitong sistema kapag maraming nabili. Hindi ko hinahayaan ang sarili na mataranta para hindi hindi ako malito lalo na kapag maraming tao.

At alerto rin ang mga mata ko sa mga taong mapagsamantala. Ilang beses na kasi ako nanakawan kapag maraming tao. Hindi ko naman sila magawang habulin dahil maiiwan ang tindahan ko. Pinapasa-diyos kona lang kapag gano'n kaya nagiging alerto na ako.

Masaya ang pakiramdam ni Oreo ngayun dahil maraming nabili kahit na gutom na gutom na ako. Hindi pa kasi ako nag-almusal simula kanina. Pero ayus lang dahil marami akong benta. Iyon kasi ang importante para makabayad na ako sa mga utang namin. Tinitiis kona lang minsan ang gutom para lang makabenta ng marami.

Nang dumating ang alas diyes ng umaga ay paunti unti na lang ang tao kaya sinamantala ko muna kumain kahit kaunti lang. Wala na rin naman akong gana dahil nalipasan na ako ng gutom.

Gano'n pa naman ako kapag nalilipasan ng gutom. Nawawalan na ako ng gana.

Pagkatapos kung kumain ay nagsimula naman ako maggayat ng gulay habang wala pang custumer. Kailangan ay may gayat na ako ng gulay bago ulet dumami ang mga tao.

Mahirap kapag mag-isa ka lang sa tindahan lalo na kapag maraming tao pero kinakaya ko dahil hindi na kaya ni mama. At mabuti na rin 'yun para hindi ako mabuko na may boyfriend na ako. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ni mama. May sakit pa naman 'yun kapag nalaman niyang bulag ang minahal ko. Kaya wag muna okey?

Kapagkuwan ay napalingon ako ng may tumawag saking pangalan. Paglingon ko ay si Tiffany lang pala. Si Tiffany ay tindera sa kabilang tindahan at medyo kaibigan kona rin dahil sa kadaldalan nito. Bago lang si Tiffany sa palengke pero naging kaibigan kona rin siya. Mabait naman siya pero marites 'din ng taon kaya hindi ako nagkukwento about kay Raikko dahil baka ipagsabi niya sa iba.

" Uy! Girl sama ka sakin mamaya. Birthday ng kapatid ko." Yaya niya sakin. Palagi niya ako niyaya sa tuwing may inuman sa kanila pero palagi rin ako tumatanggi. Mga kaibigan ko nga hindi kona masyado nakakasama simula ng magkaboyfriend ako pero palagi naman sila napunta dito sa palengke para dalawin ako.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now