OREO 47

130 8 3
                                    

Chapter 47

NANG NASA TAPAT NA AKO NG BAHAY NAMIN ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko.

" Bye guys. Ingat kayo sa pag-uwe." Aniya na nakipagbesohan sa mga kaibigan.

" Uwe na kayo." Pagtataboy naman ni Jayda sa dalawa.

" At bakit? Saan ka pupunta?" Anang ni Sofia sa mataray na boses.

" Maghe-hello lang ako kay Hansel." Masayang sambit ni Jayda. Parang nag-iba ito, samantalang kanina ay parang badtrip na badtrip.

Binatukan ko naman siya sa ulo. " Huy! Ang bata pa ng kapatid ko. Wag mong demonyuhin."

" Aray ko naman, demonyuhin agad? Hindi ba pwede crush ko lang?" React nito.

Inirapan ko naman siya. " Wag ako. Alam ko ang mga nagaganap sainyo."

" OMG! may nangyare na sainyo?" Oa na react naman ni Sofia. At lumaki pa talaga ang mga mata.

" Gaga! Wala." Tugon ko.

" Bakit sabi mo-"

" Slow mo." Sansala naman ni Jayda. " Umuwe na nga kayo."

" Umuwe kana 'din." Pagtataboy ko kay Jayda.

" Mamaya na. Maghe-hello lang ako sa bebe ko." Pagpapakyut pa nito.

" Hindi pwede. Isama niyo na nga 'to." Baling ko sa dalawa kaya hinila na nila si Jayda.

Mabuti na lang at hindi na pumalag si Jayda. Napailing na lang ako saka napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Patay na patay talaga si Jayda kay Hansel.

Hindi ko alam kung anong nagustuhan ng babaeng 'yun sa kapatid ko. Bukod kasi na gwapo at bata pa ay hindi kona alam.

At saka nag-aaral pa si Hansel kaya bawal pa siya makipag-girlfriend.

Kumatok na ako sa pintuan namin. Nagtext ako kanina kay Hansel na siya na ang magbukas ng pintuan pag-uwe ko. Tawag kasi ng tawag ang kambal kanina ng hindi pa ako umuuwe sa bahay dahil hinahanap na ako ni mama.

Hindi kasi ako nakapagpaalam sa kanila dahil sa pagmamadali na makita ko Raikko kaya nakalimutan kona.

Ayaw ko rin sana iwan si Raikko kasi may sakit siya ngayun kaya lang ay hinahanap na ako ni mama. Ayaw ko naman magalit si mama at baka hindi na niya ako payagan kapag nagpaalam ako sa susunod.

Nagsinungaling na nga ako ngayun na kasama ko ang mga kaibigan ko ey. Which is na totoo naman pero hindi nila alam na may boyfriend na ako.

Palagi kona lang inaalibay na kasama ko ang aking mga kaibigan kaya napapayagan ako.

Pag-open ng pintuan namin ay nagulat si Oreo ng makita kung si mama ang nagbukas ng pintuan at hindi si Hansel.

" Ma." Kinakabahan na sambit ko.

" Anong oras na, Oreo? Uwe pa ba 'to ng babae? Kanina pa sarado ang palengke ah?" Sunod sunod na sabi ni mama sakin.

" Manong po." Sabi ko naman saka inabot ang kamay ni mama.

" Hindi kaba marunong magpaalam?"

" Sorry po, ma." Kagat ang labing sabi ko habang hindi makatingin dito.

" Pumasok kana."

Pumasok naman ako saka dumeretso sa sala's namin. Sumunod naman si mama after masara ang pintuan.

" Saan ka galing? Wag mong sabihin na magkasama na naman kayong magkakaibigan?" Anang ni mama sa seryusong boses. Wala akong makitang emosyon sa kanyang mukha at halatang galit ito.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now