OREO 37

179 7 2
                                    

Chapter 37

MEDYO TINAMAAN NA NG AMATS SI OREO kaya naman tumigil muna ako sa pag-inum ng alak. Paunti-unti lang ang iniinum ko pero nalasing parin ako. Hirap talaga kapag hindi sanay mag-inum. Samantalang mga kasama ko naman ay ang lalakas uminum pero hindi pa mga lasing.

11pm na ng mga sandaling iyon at mamaya pa ako pinapauwe, mga twelve oclock daw. Iyon kasi ang gusto ng mga bruha kung mga kaibigan, kasi daw ay minsan na lang nila ako makabonding. Kaya naman tinawagan ko na lang si Raikko if gising pa ang binata. Wala naman kasi akong naiintindihan sa mga pinag-uusapan nila. Panay lang akong tango para isipin nila na naiintindihan ko sila. Pero hindi naman talaga at naiinip na ako at gusto ko ng umuwe para makapagpahinga na dahil maaga pa ako bukas.

Wala na rin nagkakantahan sa kabilang side ng bahay dahil mga tulog na ang mga tao doon. Panay lang ang inuman at kwentuhan ng mga kabataan sa kabilang mesa.

Ilang ring bago sinagot ng binata ang tawag ko at mukhang natutulog na ito.

" Hello, baby?" Patanong na anang ng binata mula sa kabilang linya.

" Natutulog kana ba?" Masuyo kung tanong sa kanya.

" Huy! Sino 'yan?" Sigaw ni Amber sakin mukhang napansin nitong may kinakausap ako. Nasa gilid na ako para hindi ako makaisturbo sa kanila pero napansin parin ako ng gaga.

" Si Raikko." Tugon ko sa dalaga na pasenyas saka hindi na pinansin ang kaibigan. " Hi, nagising ba kita?"

" Hmmm.. yeah." Aniya at narinig ko pang humikab ang binata mula sa kabilang linya. Napangiwi naman ako kasabay ng pagkagat sa ibabang labi.

" Sorry, tulog kana lang ulet-"

"Okey lang." Awat ng binata sakin. " Hindi na naman ako makakatulog ulet ey." Aniya.

Napakagat pa lalo ako sa labi dahil sa gulity. " Ahm, sige." Iyon na lang nasabi ko.

" Are you drunk?" Kapagkuwan ay anang sakin ng binata.

" Ahm medyo, pero gusto ko ng umuwe." Napanguso pa ako na para bang nasa harapan ko lang si Raikko.

" Umuwe kana kaya?" Suhestiyon ng binata.

" Ayaw pa akong pauwiin ng mga bruha kung mga kaibigan, kasi kailangan daw alas dose ako umuwe ngayun." Pagsusumbong ko pa sa kanya na mas lalong humaba ang nguso.

" Sabihin-"

" Huy! Ano 'yan?"

Napalingon ako kay Amber ng marinig ko na naman itong sumigaw. Palengkera 'din ang babaeng 'to.

" Bakit ba?" Masama ang mukhang tanong ko sa kaibigan. Medyo lumayo na nga ako sa kanila dahil kausap ko na si Raikko.

" Inum ka daw sabi ni Jayda." Wika ni Amber.

" Ayaw kona, inaantok na nga ako ey." Sabi ko kasabay ng pag-iling.

" Sige sabihan kona lang." At tumabi pa siya sakin para lang bumati sa binata.

" Hi, im Amber." After that ay umalis na ito patungo sa pwesto nila Jayda.

" Sino 'yun?" Anang ng binata mula sa kabilang linya.

" Si Amber, yung friend ko." Tugon ko.

" Ah.. uuwe kana ba? May tinda kapa bukas, baka hindi ka makapagtinda." Nag-aalala niyang tanong sakin.

" Wag kang mag-alala, makakapagtinda parin naman ako kahit puyat ako." Anito na may ngiti sa labi. Masaya ako kapag nakakausap siya at nasasanay na akong palagi siyang nakakausap. Lalo na kapag nag-aalala siya sakin nakakataba ng puso.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now