OREO 43

127 8 5
                                    

Chapter 43

MATAPOS NAMING MAMASYAL SA PARK AY HINATID NAMIN si Raikko sa kanyang mansion dahil mag-aalas onse na ng gabi. Medyo natagalan kami sa may park dahil ayaw pa umuwe ng mga bruha kung mga kaibigan at gusto pang tumambay doon. Alam naman nilang may pasok pa ako sa palengke bukas at kailangan ng umuwe ng binata para makapagpahinga. Hindi naman sanay ang binata tumambay at magpuyat. Abusado rin 'tong mga kaibigan ko ey. Porket pangiti-ngiti at tahimik lang ang binata ay ginaganito na nila. Oo nga't nakakausap nila si Raikko pero dapat hindi ganoon. Dapat kapag oras ng uwean ay umuwe na diba?

Pagdating namin sa may palengke ay naglakad na lang kami patungo sa mansion ng binata dahil wala ng masakyan na trycycle at hanggang alas diyes lang kasi ang operation ng trycycle dito. At wala ring patungong jeep sa mansion ng binata at tanging trycycle lang ang pwedeng dumaan. May choice pa naman kami ng binata para makauwe ng mabilis kaya lang ay may epal akong mga kaibigan. Maglakad na lang daw kami para matagtag ang mga taba namin sa katawan. Hindi naman kami matataba pero iyon ang binigay nilang dahilan. Sinabi lang nila iyon para matagal kami bago makauwe ng bahay. Parang hindi ko kilala ang mga kaibigan ko, Jusko.

At ako lang sana ang maghahatid sa binata pauwe pero sumama pa ang mga bruha kung kaibigan dahil gusto nila makita ang bahay ni Raikko kung totoong mansion daw ba talaga. Hindi kasi sila naniniwala na mansion ba talaga ang bahay ni Raikko. Mamaya daw kasi ay niloloko ko lang sila, mukha ba akong manloloko? Kaloka.

Nang malapit na kami sa mansion ni Raikko ay narinig ko ang boses ni Sofia kaya lumingon ako sa kanya. Nasa likod sila banda na tatlo habang nauuna kami dahil kami ang nakakaalam ng daan.

" Ang lapit lang pala ng bahay ni kuya Raikko sa palengke. Kaya pala madalas nasa palengke siya." Aniya na may nakakalokong ngiti sa labi.

Kahit alam kung inaasar ako ng kaibigan ay sinagot ko parin siya habang magkahawak kamay kami ng binata. Actually ay kanina pa niya kami inaasar. " Yep. Palagi niya kasi akong namimiss ey, diba baby?" Baling ko sa binata dahilan para mapangiti naman ang mga bruha kung kaibigan.

Ngumiti naman ang binata bilang tugon. Hindi na siya nahihiya o naiilang sa mga kaibigan ko at pakiramdam ko ay kumportable na siyang kasama ang mga kaibigan ko. Paanong hindi siya magiging kumportable kung palagi naman siya kinakausap ng mga kaibigan ko at kung ano-ano na lang tinatanong sakanya. Na-OOP na nga ako kasi hindi nila ako kinakausap.

Kapagkuwan ay kinilig naman ang bruha kung kaibigan kasabay ng pagtitili para itong nilagyan ng asin dahil sa gaslaw.

" Grabe kinilig ako do'n. Ngiti palang ni kuya Raikko ay panigurado ay mahal na mahal ka talaga na niya sis." Sambit pa ng dalaga. Napailing na lang ako sa inasal ni Sofia dahil ako ang nahihiya sa kanya. Grabe makapagnudyo samin ni Raikko.

" Mabuti nga at nag-boyfriend kana para naman may mag-aalaga na sayo." Sabat naman ni Amber at mababanaag ko sa boses niya na masaya siya para samin dalawa ng binata. Actually ay masaya sila para sakin kasi may boyfriend na daw ako. Sa tagal ko kasing walang boyfriend ay nakalimutan kona raw sila. Kaya naman todo hingi ako ng sorry sa kanila kanina habang nasa park kami. At syempre pinatawad naman nila ako kasi magkakaibigan kami simula pagkabata.

" Yeah, ang saya ko kasi nakilala ko siya." Masaya ko naman sambit na bumaling pa sa binata dahilan para makita ko ang pagngiti niya. Kapag nakikita ko siyang nakangiti ay sumasaya ang puso ko kasi masasabi kung masaya siya sa feeling ko.

" Oo nga ey, nagka-boyfriend lang kinalimutan na kami." Mahinang bulong ni Jayda pero narinig ko parin 'yun saka ng iba ko pang kaibigan dahilan para sawayin siya ni Amber dahil andiyan lang si Raikko.

" Huy." Saway naman ni Amber. " Bitter ka. Mag-jowa ka 'din wala naman pipigil sayo."

" Hindi pa siya ready."

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now