Oreo 13

532 11 0
                                    

🌼💮🌼


SIMULA NG BIGYAN SIYA NG LALAKE NG NILAGANG BAKA. Parati na ito pumupunta sa tindahan. At lagi rin siya binibigyan ng ulam kapag bumibili ito sa kanya. Mabuti na lang ay laging wala ang kanyang ina. Baka makita nito ang lalake at magtaka. Hindi naman niya pinag-babawalan ang lalake. Dahil wala naman itong ginagawang masama. Saka magaan sa pakiramdam kapag pumupunta ito sa tindahan.

At natutuwa siya dahil hindi na masungit ang lalake. At hindi na madilim o malungkot ang mukha nito. Lagi ng nakangiti, hindi niya alam kung dahil ba sa kanya. Kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo nito. Baka naman ay may iba pa o di kaya'y yung sinasabi nitong namimiss. Hindi na lang niya pinansin iyon. Wala na siyang paki kung bakit. Ang importante ay bumait na ito.

Well. Nandito na naman ang lalake sa tindahan nila. At binibigyan na naman siya ng ulam. Bumili ito kanina ng pang sahog sa sinigang. At ang sabi ay bibigyan siya nito after maluto. Well, akala niya ay hindi totoo. At nagbibiro lang, nang dumating ang tanghalian ay dumating ang lalake. Habang pakain na siya ng tanghalian niya.

" Dapat hindi kana nag abala pa. Mapapagod ka niyan eh." Kunyare ay reklamo niya sa lalake. Peru natutuwa naman siya dahil nag effort pa itong magdala ng ulam sa kanya.

Nilagay niya ang tupper wear sa ibabaw ng kaha bago buksan. Naupo naman ang lalake sa polding bed. Isa lang kasi ang upuan sa kaha.

" Tara kain tayo." Aya niya sa lalake ng makaupo.

" Hindi na. Kumain na ako sa bahay. Para sayo talaga yan." Mabilis na tanggi ng lalake sa kanya.

" Okey. Ikaw bahala."


Sumandok ng sabaw si Oreo gamit ng kutsara sa tupper wear. After niyang maopen bago sinubo. Napangiwi si Oreo ng matikman ang lasa. Hindi dahil sa pangit ang lasa. Kundi subrang asiw ng pagkaka-luto nito. Hindi niya tuloy naiwasan mag komento sa lalake.

" Ang asim naman nito. Ayaw mo bang ipakain?" Isa sa mga favorite niya ang sinigang na baboy o isda. Peru hindi naman ganitong kaasim.

" Sorry. Maasim ba?" Nakangiwi nitong tanong sa kanya.

Tumango si Oreo, na akala mo naman ay nakikita siya ng lalake. Sumubo muli siya ng sabaw, kahit na-aasiman ay pinagpatuloy niya ang pagkain.

" Kung maasim wag muna lang kainin. Naparami ata ang pag lagay ko ng pang paasim." Pigil ng lalake sa kanya.

Peru hindi siya nagpa-pigil. At kinain niya ang binigay ng lalake kahit subrang asim. Sayang naman kasi kung itatapon lang. At saka pinag-hirapan ng lalake ang pagluluto ng sinigang. Ang hirap kaya magluto kapag walang paningin. Mabuti nga ay nakaka-pagluto ito kahit bulag. Kaya uubusin niya kahit subrang asim ng sabaw.

Hindi rin masyadong masarap ang pagkaka-luto. Peru sakto lang sa panglasa niya. Kaya nga ay naubos niya kahit na-aasiman siya. Hanggang maubos niya ang sinigang baboy pati na ang baon niyang dala.

" Im full. Grabe ang takaw ko." Komento niya sabay dighay. " Ay! Sorry." Natawa siya sa pag-dighay.

" Halata nga. Naubos mo?" Nakangiting tanong ng lalake.

" Oo. Kahit subrang asim niya." Pag-amin niya sa lalake.

" Salamat."

MR.SUNGITHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin