Oreo 07

598 12 0
                                    

🌼🌼🌼

WALANG KASAMA NGAYUN SI OREO sa tindahan. Hindi sumama ang ina dahil nirarayuma na naman. Hindi rin niya pinasama ang kapatid kahit gustong-gusto ni Hansel.

May pasok kasi ito sa school. Kaya hindi niya pinasama. Saka wala naman masyadong custumer ngayun. Puro lang siya cellphone at ka chat ang mga kaibigan.

JAYDA RAMOS: Mga sis punta kayo sa bahay sa linggo. Birthday ni mudang, maghahanda siya. Walwal tayo ahahaha..

AMBER MARTINEZ: Sige punta ako. Ano bang handa ng mama mo? May barbecue ba? Saka changhai?

SOFIA PINEDA: Sama ako. Kelan ba?

JAYDA RAMOS: Maraming handa si Mudang, nagpadala si ate maica eh. Ahahaha. @ SOFIA sa linggo nga! Basa-basa din kasi tsk.

OREO LOPEZ: Punta rin ako sis. Sama ko sila Mama.

JAYDA RAMOS: @ Oreo. sure sis, basta sama mo si baby Hansel ahahah.

Napailing si Oreo ng mabasa ang chat ni Jayda.

OREO LOPEZ: Gaga! Bata pa kapatid ko Jayda. Tantanan mo si Hansel. Sasabunutan kita.

SOFIA PINEDA: Gaga! Nagbabasa ako. Tinatamad lang ako. @ Jayda.

AMBER MARTINEZ: Yun! Punta ako diyan. Pwede ba mag uwe? Ahahaha.

Maingay na ang chat room. Hindi na siya nag replay pa. At may bumili na rin.

" Yes madam?" Tanong niya sa babae.

Ngumiti ang babae bago bumili. "  Lettuce nga miss. Magkano ang kilo?"

" 280 ang kilo po."

" Dalawang kilo nga please."

" Okey po." Magalang niyang tugon saka kumuha ng lettuce sa lagayan. At binalot sa plastik bago ibigay sa babae.

Nagbayad naman ito bago umalis. Nagpasalamat siya rito.

" Salamat po."

Binalik niya ang atensiyon sa cellphone saka nagbasa.

JAYDA RAMOS: @ Oreo. Ano naman? Crush ko lang naman yan kapatid mo. Wag ka mag alala sis. Hindi ko siya jojowain, aasawahin ko lang siya ahahah.

Napailing at napabuga ng hangin si Oreo bago nag replay. Malantutay talaga tong babae na to. Mabuti na lang ay hindi nadadala ang kapatid.

OREO LOPEZ: @ Jayda. Maghulos dili ka! Pitong taon ang tanda mo sa kapatid ko. Matanda kana.

Natawa si Oreo sa chat niya. At mas lalong natawa ng mag replay si Jayda.

JAYDA RAMOS: @ Oreo. Kapal ng mukha mo girl same lang tayo ng edad. Makatanda ka wagas! Maganda kaya ako. 😑😑😑

MR.SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon