OREO 27

633 29 24
                                    

Chapter 27

Nasa tapat pa lang ako ng tindahan namin ng marinig ko ang maingay na cellphone ni Hansel. Mukhang naglalaro na naman ng online game's ang aking kapatid.

Napailing na lamang ako habang natigilan sa pagpasok sa loob ng tindahan. Matagal-tagal ng naglalaro si Hansel ng online game's dahil sa impluwensiya ng kaibigan kong si Jayda.

Hindi marunong noon si Hansel ng online game's peru simula ng tinuruan ni Jayda, ayun na adik na ka kalaro. Hirap na nga'ng utusan eh. Kung dati ay mabilis mo lang mautusan si Hansel. Ngayun ay pahirapan na dahil abalang abala sa ka kalaro. Hindi mo pwedeng guluhin o utusan kapag naglalaro na. Palagi mo maririnig sa bibig niya na ' wait lang '. Minsan naiinis na nga ako eh, kapag inuutusan ko. Lalo na kapag importante, hindi mo talaga siya mautusan. Kaya ang ending ako rin ang kikilos dahil hindi siya pwede isturbuhin. Hindi ko naman mautusan si Waffer dahil napaka-maldita ng batang iyon.

Minsan gusto ko ng sugurin ang aking kaibigan dahil dito ay natutong maglaro ng online game's si Hansel na kinaadikan nito. Peru hindi ko naman magawa dahil kapatid ko rin naman ang may kasalanan. Kaya ang ending, kapag nahihirapan akong utusan si Hansel. Tinatawagan ko siya para matigil sa ka kapindot sa kanyang cellphone. Hindi ko talaga siya tinitigilan hanggat hindi tumitigil. Hanggang sa mamatay ang character niya. Minsan nagagalit sakin peru minsan naman hindi ko ako pinapansin. Pinapansin lang ako kapag nagagalit si Mama.

Samantalang dati ay hindi niya ako natitiis.

Kapagkuwan ay nakaisip na naman ng kapilyahan si Oreo. Alam kong magagalit na naman ang aking kapag ginawa ko ito. Mukhang tutok na tutok pa naman sa online game's si Hansel. Well, always naman, ayaw nga pa iaturbo eh.

Kinuha ko mula sa aking bulsa ang cellphone at sumandal malapit sa pintuan na hindi kita ng pamilya ko. At habang dinadayal ko ang number ni Hansel ay napapangiti ako dahil nakikita kona kung anong itsura na naman nito. Panigurado ay galit na naman siya sakin.

Nang mag ring ay hinayaan ko lang kung sa sagutin ba ni Hansel. At mukhang abala sa paglalaro ang kapatid ko dahil hindi pa sinasagot. Hanggang sa marinig ko ang malakas na pagmumura ni Hansel.

" Tang ina na naman eh."

Nagulat ako at natigilan dahil sa pagmumura ni Hansel. Hindi rin ako nakagalaw sa kinatatayua  ko. First time ko kasing marinig na mag mura ng ganun si Hansel.

At narinig ko rin ang galit na boses ni Mama.

" Hansel! ang bunganga mo!"

" Epal kasi eh, namatay tuloy ako." Inis na sabi ni Hansel sa kanilang ina.

" Anong namatay? ikaw lang mag isa diyan, nagmumura ka?" Galit parin na sabi ni Mama kay Hansel.

" Si ate Oreo kasi, tumawag." Nagmamaktol na wika nito.

Hindi ko makita ang mukha ni Hansel peru sigurado ako na subrang sama ng mukha nito. Hindi pa kasi ako makapasok dahil sa subrang gulat. Hindi ko kasi iniexpect na marunong pala mag mura si Hansel. Mabait na bata kasi ang kapatid ko at hindi marunong magmura. Peru bat ngayun ay marunong na ito mag mura? dahil sa laro lang ay mamumura na niya ako? mabuti na lang ay wala ako sa harapan niya. Ano kaya mararamdaman ko kapag minura niya ako ng harapan? Ngayun nga lang ay nabigla na ako, ano pa kaya kapag kaharap ko siya?

Kapagkuwan ay malalim akong napabuntung hininga. Hindi ko akalain na marunong na pala mag mura si Hansel. Sa bahay kasi ay bawal mag mura. Pinag babawal ng kanilang ama. At kapag narinig kang magmura ay papakainin ka ng asin. Kaya sa aming magkakapatid ay walang natutong magmura.

Napailing na lamang ako at pumasok na sa loob. Peru nakasalubong ko si Hansel, mukhang palabas naman ito.

" Hi."

MR.SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon