OREO 34

157 14 0
                                    

Chapter 34

ILANG ARAW ANG MATULIN NA LUMIPAS AY palagi nasa tindahan si Raikko. Wala itong absent sa pagpunta ng tindahan. Maaga pa lang ay nakaabang na siya sa labas ng tindahan. Palagi rin siyang may bitbit na pagkain at baon. Kaya naman hindi na ako nag-aalmusal sa bahay saka nagdadala ng pagkain dahil maraming dala si Raikko.

Nakakatipid na ako sa pagkain at pamasahe dahil binibigyan ako ng pera ni Raikko. Binalik ko kasi ang perang binigay niya sakin noon dahil wala naman akong interes do'n. Oo at mahirap lang kami pero never kung pinaginteres ang pera niya. Kung bibigyan niya ako ay ayus lang, at kung hindi naman ay ayus parin sakin. Kasi hindi naman niya ako asawa, so bakit niya ako bibigyan ng pera diba? Mabuti nga't hindi siya nagalit ey. Mukhang natauhan dahil sa una naming away.

" Aalis kana?" Tanong sakin ni nanay. Maaga ito nagising ngayun.

" Opo, nay." Tugon ko saka humalik sa ina.

" Bakit hindi ka mag-baon? Nakakahiya naman dun sa kakilala mo, palagi kana lang nililibre." Iyon ang paniniwala ni mama dahil iyon ang sinabi ko sa kanya ng mapansin nitong hindi na ako kumakain at nagbabaon.

" Okey lang po 'yun sa kanya." Nakangiti kung wika sa ina. Hindi ko man gustong magsinungaling pero kailangan.

" Baka naman nanliligaw sayo kaya nililibre ka ng lalaking 'yan?" Ani mama sakin.

" Okey lang naman po diba? Sa halip ay anang ko kay mama. Alam ko pwede na akong ligawan basta ipakilala ko lang sa kanya. Pero ang kinatatakutan ko ay kung matatanggap ba nila si Raikko dahil sa kalagayan niya.

" Pwede naman. Pero kailangan mo ipakilala sakin. Sino ba 'yan? Kilala koba?" Seryusong tanong ni nanay sakin habang nakatingin.

" Hindi po. Suki po natin siya sa tindahan." Pag-amin ko sa ina kahit kinakabahan.

" Kaya naman pala." Wika ni nanay. " Pero malaki kana. Alam muna ang tama at mali. Hindi kita pinagbabawalan mag-boyfriend dahil nasa tamang edad kana. Pero sana kapag gusto mo ng mag-boyfriend ipakilala mo siya sakin para makilala ko."

" Opo mama. Sasabihin ko po sainyo." Sa ngayun iyon lang muna ang sasabihin ko sa ina saka na 'yung kapansanan ng binata. Baka kasi mabigla ang mama ko kapag sinabi kung nag-kagusto ako sa isang bulag. Hindi naman talaga siya bulag. Nabulag lang siya dahil sa aksidente.

" Sige na umalis kana. Mag-iingat ka."

Ngumiti ako sa ina at yumakap. " Opo, ma. Bye po."

Lumabas na ako ng bahay saka naglakad patungo sa labas ng kalsada. Alas singko pa lang ng mga oras na iyon kaya madilim pa sa labas.

Nang makarating sa kalsada ay pumara ako ng jeep saka nagbayad. Mabilis lang ang biyahe kapag ganitong oras. Hindi pa kasi rush hour kaya walang traffic.

Pagdating sa palengke ay tinawagan ko si Raikko kung gising na ito. Maaga rin kasi nagigising ang binata dahil pumupunta siya sa palengke at doon tatambay hanggang mag-uwean.

Ilang ring bago sinagot ni Raikko ang tawag.

" Hello baby, good morning. Nasa tindahan kana?" Anang ng binata mula sa kabilang linya.

" Oo, kararating ko lang. Nagising ba kita?"

" No, actualy nagluluto na ako ng almusal natin. Egg and hotdog lang saka sangag."

Napangiti naman ako ng maluwag kasi kahit bulag si Aikee ay nakakapagluto ito. Hindi ito magugutom dahil marunong siya magluto. 'Yun nga lang ay pili lang ang niluluto niya.

" Naks, sarapan mo huh? Nagugutom na ako ey." Sabi ko saka nagsimula ng i-open ang tindahan habang kausap ang binata. Naka-earphone kasi ako kaya hindi masyado abala sa ginagawa ko.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now