OREO 23

549 21 4
                                    

Chapter 23

HINDI NA NGA NAGPAKITA si Raikko sa kanya ng ilang araw kaya siya na ang pumunta sa bahay nito.

Nag paalam si Oreo sa ina na may pupuntahan lang siya kaya hindi muna siya makakasama sa palengke. Si Hansel ang makakasama ng ina sa pwesto dahil gusto ng kapatid magtinda. Wala kasing pasok sa iskwelahan kaya gusto sumama sa palengke.

Gaya ng dati ay umakyat na naman siya sa bakod ni Aikee dahil hanggang ngayun ay wala paring doorbell sa labas ng gate.

Natigilan sa paglalakad si Oreo dahil napansin niyang sarado na naman ang mga bintana ng bahay. Nagpakawala siya ng buntong hininga saka mabilis na lumapit sa pinto ng bahay.

At napangiti ng pag pihit niya ng doorknob ay hindi nakalock. At tinulak niyang pa bukas ang pinto ng bahay. Bumungad sa kanya ang kadiliman ng bahay ni Raikko.

Napailing si Oreo saka napabuntong hininga. Bumalik na naman ba siya sa dati? Tanong niya sa sarili. Kapagkuwan ay pumasok na siya sa loob at sinara ang pinto na mas lalong kinadilim ng paligid.

Hindi naman siya nakaramdam ng takot dahil umaga naman at hindi pa gabi. Nangangapa siyang naglakad papasok at tinahak ang daan patungo sa switch ng ilaw. Alam naman niya kahit papano kung saan ang switch ng ilaw.

At dahil nangangapa siya saka dahan dahan naglakad para hindi madapa. May nabangga siyang matigas na bagay kaya napatalon siya sa subrang takot at hindi kaagad nakasigaw. Kinilabutan si Oreo at nagtaasan ang kanyang mga balahibo sa katawan.

Oh! Jusko lord, sana na naman ay walang engkanto sa bahay ni Raikko. Taimtim niyang dalangin sa isip habang kinakabahan saka niyakap ang sarili. Nangangatog na rin ang mga tuhod niya sa labis na kaba. Gusto niyang bumalik sa pintuan peru hindi siya makagalaw o makakilos. Hanggang marinig niya ang galit na boses ng kasintahan na si Raikko.

" Sino ka? Paano ka nakapasok sa bahay ko?"

" By?" Gulat niyang sambit sa endearment nila ni Raikko at natuwa dahil walang engkanto sa bahay nito. Akala ko merun na. Sabi niya sa isip saka huminga ng malalim.

" Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" Malamig na tanong ng binata sa kanya at naramdaman niyang naglakad na ito palayo sa kanya.

Natigilan si Oreo at nawala ang kasiyahan sa dibdib ng marinig niya ang walang emosyon sa boses nito. Parang bumalik na naman sa dati ang binata, noong una silang magkita. Ganitong ganito si Raikko ng makilala niya ito at malamig ang pakikitungo sa kanya

" Dinadalaw ka." Sabi niya ng mahamig ang sarili sa gulat. At nangapa ulet saka nagtungo sa switch ng ilaw. Pagdating doon ay kaagad niyang binuksan ang ilaw. Sumabog ang liwanag sa buong paligid peru wala na ang binata sa paligid.

Pumunta siya ng kusina at baka doon ito nagtungo. At tama nga ang kanyang hinala dahil nakita niya doon si Raikko habang nakaupo sa harapan ng counter at umiinum ng alak mula sa bote. Natigilan si Oreo dahil masyado pang maaga para uminum ng alak. Hindi ba nito naisip na masama uminum ng alak kapag walang laman ang tiyan?

Napabuga siya ng hangin saka mabilis na lumapit kay Raikko at inagaw ang hawak nitong bote. Nagulat naman ito sa kanyang ginawa at malamig siyang tiningnan.

" What the hell your fucking doing?" Galit na singhal nito sa kanya habang madilim ang mukha.

Natigilan si Oreo at napatitig sa binata sabay awang ng mga labi. Hindi siya makapaniwala na sisigawan siya ng binata ng ganito. At hindi kaagad siya nakapagsalita sa labis na gulat. Para itong kakain ng tao dahil ang sama ng mukha nito.

" Leave me fuck alone! At wag mokong pakialamanan!" Pasigaw nitong wika ng hindi siya nakapagsalita.

Nasaktan si Oreo sa malamig na pagtrato sa kanya ni Raikko at sa pagsigaw nito. Nangilid ang mga luha niya sa mga mata at napakagat siya sa mga labi. Hindi niya akalain na sasalubungin siya ng ganito ni Raikko, galit at parang walang buhay. Alam niyang nagtatampo ito sa kanya dahil kinaila niya ito sa mga tropa niya. Peru para rin naman iyon kay Raikko dahil ayaw niyang kinukutya ito ng iba. Kahit sabihin pang mga kaibigan niya ang mga iyon. Lalaitira pa naman ang mga iyon kaya kinaila niya ito.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now