Oreo 14

501 14 0
                                    

Thank you guys sa mga
nagbabasa ng
gawa ko.

Wala pang BS ahaha..
matagal-tagal pa.

ARAT NA!!

🌼💮🌼

NAGULAT SI OREO NG MAKITA na naman si Kit Raikko sa labas ng tindahan niya. Alam niyang pupunta ito ngayun, ngunit hindi ganitong ka-aga. Mabuti na lang at hindi sumama ang ina.

" Ang aga naman ng lalaking to." Bulong niya sa sarili. At mabilis na lumapit sa tindahan.

Nang makalapit ay kaagad niyang inopen ang pinto ng tindahan. Binati naman siya ni Kit Raikko ng maramdaman siya nito.

" Hi. Morning."

" Ang aga mo ata?" Tanong niya habang inoopen ang pinto. Imbes sagutin ang pagbati nito.

At pinasadahan niya ng tingin si Kit Raikko. Mukhang bagong ligo ito. At maayus rin ang pag-kakatali ng buhok. Nakasuot siya ng polo na hanggang siko ang haba. Parang tinupi lang at hindi nakabitunes ang bandang dibdib nito. Kita niya tuloy ang mga balahibo nito sa dibdib. Mabilis siyang umiwas ng tingin. At napatingin sa baba nito. Naka-khaki short si Kit Raikko habang naka-slippers. Maayus na sana eh, kaya lang ay ang balbas nito. Masyadong malago parang pugad ng ibon.

Nakita niyang napakamot ito sa batok. " Maaga ba? Sorry. Naghatid lang ako ng almusal. Binili ko yan para sayo." Aniya sabay abot ng isang plastik bag. Hindi niya alam kung anong laman.

Nagtaka si Oreo kung bakit siya binibigyan ng almusal ni Kit Raikko. At pumunta pa ng maaga para lang ibigay ang almusal daw niya?

Kapagkuwan ay napansin niyang napapatingin sa kanila ang mga taong dumadaan. Nagtataka siguro sila kung bakit niya kinakausap si Kit Raikko. Anong masama?

Peru wala siyang paki-alam dun. Mas may paki-alam siya sa kaharap. Kung bakit siya nito binibigyan ng almusal. May meaning ba to? Wala naman sinasabi ang lalake na nasa harapan niya.

Assumera girl.

" Ayaw mo ba?"

Narinig niyang tanong ni Kit Raikko sabay kurap ng mga mata niya. Hindi pa niya kasi kinukuha ang binibigay nitong plastik.

Mag-sasalita sana siya ng may bumati sa kanya mula sa likuran. Paglingon niya ay si Edgar lang pala.

" Morning biscuit. Nag almusal kana ba? Sino yang kausap mo?"

Bumaling siya kay Edgar bago sumagot. " Tapos na. Salamat. Kaibigan ko." Turo niya kay Kit Raikko na tahimik lang.

" Lagi muna lang ako tinatanggihan. Nakaka-tampo kana." Sabi ni Edgar na may pasi-pasimangot pang nalalaman. Habang tumabi sa gilid niya.

Pinalo niya ito sa braso sabay tawa. " Baliw! Busog pa ako."

Tumawa lang ito, saka tumingin kay Kit Raikko. " Akala ko manliligaw mo rin. Lagi ko kasi siyang nakikita dito eh."

Natigilan si Oreo peru hindi niya pinahalata.

" Custumer ko kasi siya. Kaya ganoon. Tsismoso ka." Pabiro niyang wika ang huling sinabi.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now