Oreo 02

1K 26 3
                                    

Magustuhan niyo kaya guys?
I wish, na magustuhan
niyo.
Kasi panigurado ay mahihirapan
Ako dito ahaha.
Mr.Sungit slash Mr.Blind.
Dont bash okey?
😘😘😘

ARAT NA!!


🌼🌼🌼

NATIGILAN SA PAG-SIGAW si Oreo ng marinig niyang nagsalita ang INGKANTO. At mabilis siyang napatingin dito. No! tao na ang kaharap niya ngayun at hindi na INGKANTO.

" Tatalino ikaw ba yan? Este nagsasalita ka?" Gulat na gagad niya rito saka napatitig sa lalake.

Matalim ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Nakasalubong ang mga kilay ng lalake. At subrang dilim rin ng mukha. Siguro ay naingayan sa kanya, dahil sa lakas ng tili niya. Kaya lang naman siya nagtitili ay dahil natakot siya rito. Paano ba naman, hindi siya matatakot dito ay ang haba ng buhok nito na parang hindi kilala ang suklay. Tapos ang haba pa ng balbas ng lalake, sakop na ang kalahati ng mukha nito. Magulo rin ang kasuotan ng lalake saka may tungkod pa. Kaya nga natawag niyang tatalino ang lalake eh. Peru ang nakatawag ng pansin niya ay ang mapula-pula nitong mga labi.

Shit! Ang pula naman ng labi niya. Mas mapula pa sa mga labi ko. Ang sarap niya tuloy halikan.

" Who are you? Bakit ka nasa loob ng bahay ko?"

Natigilan sa pag-nanasa si Oreo sa mga labi ng lalake. Nang marinig niyang galit na sumigaw ang lalake. At automatikong namula ang kanyang mga pisngi. Kasabay nun ang pag-iwas niya ng tingin. Baka makita nito ang pamumula niya.

OMG! Nakakahiya tsk..

" Bakit ayaw mo mag-salita? Mag-nanakaw ka no?" Galit paring nitong tanong nang hindi siya kumibo.

Kapagkuwan ay may tinawag ang lalake. Akala niya ay tao ang tinatawag. Ngunit nag-kamali si Oreo dahil isang aso pala ang tinatawag ng lalake. Malaki ang aso at kulay itim pa. Ang tapang ng mukha ng aso. Nakalabas na ang mga matatalas na ngipin nito. Ano man sandali ay handa itong manakmal. Natulos siya sa kinatatayuan habang nakatingin sa aso. Hindi siya makagalaw at nanlalaki rin ang mga mata niya. Baka kasi kapag tumakbo siya ay habulin siya ng aso. Ang bilis rin ng tibok ng puso niya, habang nanginginig. Nanlalamig rin ang kanyang mga palad. Hindi niya inaalis ang tingin sa aso. Baka bigla na lamang siya sakmalin.

" Answer me! Who are you? Oh! Baka naman gusto mo ipalapa kita sa aso ko?" May diin ang bawat salita nito

Napabaling si Oreo sa galit na mukha ng lalake, habang kinakabahan. Hindi siya makasagot dahil nanginginig parin siya hanggang ngayun. Peru kung hindi naman siya mag-sasalita ay baka ipalapa nga siya nito sa aso.

" Ahm.. Sir.. Ahm.." Hindi parin siya makapag-salita. At nauutal siya, hindi niya alam kung ano ang sa sabihin.

" What? Bakit ayaw mo mag-salita? Answer me damn it!"

Napatalon sa gulat si Oreo ng sumigaw ang lalake. At nag echo ang boses nito sa loob ng bahay. Dahil sa ginawa niya, biglang tumahol ang aso. At tumakbo patungo sa kanya. Nanlaki ang mga mata saka binagsak ang katawan sa sahig. At inangat ang mga braso bilang pananggalang. Sakaling sakmalin siya ng aso. Okey lang na braso niya ang makagat. Wag lang ang kanyang mukha. Sabay pikit ng mga mata, inantay niyang sakmalin ng aso. Ngunit hindi nangyare iyon, dahil sumigaw ang lalake.

" Blackie! Enough."

Hindi muna siya kumibo sa kanyang pwesto ng ilang segundo. Peru ramdam niyang nasa tabi niya lang ang aso. Hindi niya rin inalis ang mga braso sa mukha niya. Nanginginig parin siya hanggang ngayun sa kaba.

MR.SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon