OREO 44

114 7 3
                                    

Chapter 44

MATAPOS KUNG MAGBUKAS ANG TINDAHAN AY MAY bumili agad sakin dahilan para maging busy agad ako. Hindi ko na naasikaso ang binata dahil sa dami ng mga bumili. Mabuti na lang ay may bumibili pa kahit tinanghali na ako. Halos mga suki ko ang bumili sakin kaya may benta parin ako. Mabuti nga ay may mga suki ako kundi nganga talaga ako. Sa tagal ba namin ay talagang magkakaroon kami ng mga suki ni mama lalo pa't mura lang ang bilihin namin 'di tulad sa kabila na medyo ang bilihin kaya samin ang takbo ng iba.

Masaya parin ako kasi kahit tanghali na akong nagbukas ay may benta parin ako ngayun kaya masayang masaya ang pakiramdam ko.

Ayaw ko naman talaga na nalelate ako dahil wala na ako mabebenta once late na ako pumasok o magbukas. Swerte na lang ako dahil may bumibili parin sakin.

" Miss magkano 'to?" Napalingon ako sa babae ng ituro nito ang broccoli.

" 200 kilo po maam." Nakangiting sagot ko sa babae.

" Isang kilo nga." Anito.

Kinuha ko naman ang broccoli saka kinilo at binalot sa plastik after makilo. Kaagad naman nagbayad ang babae saka umalis.

" Magkano sibuyas ineng." Sabi naman ng matanda.

" Nako, mahal po ngayun ang sibuyas 'nay." Sabi ko.

" Ganoon ba? Magkano kilo?" Anang ng matanda.

" 300 po."

" Mahal nga." Sambit ng matanda.

" Oo nga ey. Mahal na ng sibuyas. Biruin mo 300 na ang kilo. Paano pa tayo makakapagluto niyan." Sabat ng isang babae na medyo mataba.

Ngumiti lang ako kasi wala rin naman ako magawa. Mahal talaga ngayun ang sibuyas kaya maraming umiiyak. Kunti nga lang ang tubo namin sa sibuyas pero nakuha parin kami dahil maraming naghahanap. Hindi ko nga alam kung bakit ang mahal ng sibuyas samantalang marami naman nagtatanim dito sa pilipinas. At saka hindi rin ako mahilig manuod ng balita kaya wala akong alam kung bakit nagtaas ang sibuyas.

Basta ang sabi ng pinagkukuhanan ko ay mataas daw talaga ngayun ang sibuyas.

" Sige ineng 1/4 lang para makapagluto ako ng ulam namin. Pangit kasi kapag walang sibuyas ang niluluto ey."

" Nako sinabi mo pa. Hindi masarap ang luto kapag walang sibuyas." Sabi pa ng matabang babae.

Nagkilo naman ako ng 1/4 ng sibuyas saka sinabi sa matanda kung magkano. Nagbayad naman agad si nanay bago umalis.

Sunod ko naman pinagbilhan 'yung matabang babae habang namimili ng gulay.

" Isang kilo nga ng sibuyas neng." Sabi ng mataba.

Kaagad naman akong kumilos para magkilo ng sibuyas. Nang matapos ay nilagay ko sa gilid saka 'yung mga gulay naman bago nilista para may resibo si ate.

Habang naglilista ako ay kinakausap ko ang babaeng mataba.

" Nagtitinda po kayo ate?"

" Oo, kaya hindi pwedeng wala ang sibuyas."

" Mahal po talaga ang sibuyas ngayun. Kahit nga po sa kinukuhanan ko ang mahal 'din po ey. 50 nga lang po ang tubo namin diyan kasi kapag ginawa pa naming 400 baka tumakbo ang mga mamimili." Anito na kinikwenta na ang mga pinamili nito.

" Mabuti nga sayo 300 lang. Samantalang sa kabila 400 or 450 na. Kaya hindi ako bumili sa kanila dahil malulugi naman ako." Aniya.

" Kailangan po para maraming bumili samin." Nakangiting sagot ko sa babae.

" Mabuti 'yun. Wag kang maging gahaman dahil nakakasira iyon sa negosyo. Pero infairness maganda ka tapos mabait pa. May boyfriend kana ba iha?" Maya-maya'y tanong ng babae sakin dahilan para matigilan ako. " May anak kasi ako hinahanapan ko ng girlfriend." Dagdag pa ng babae.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now